You are on page 1of 3

dear, inay kung nababasa nyo tong sulat ko

sigurado po ay nasa bakbakan na po ako

sadyang iniwan liham na to sa ilalim nang unan

siya nga pala salamat sa masarap na hapunan

na hinain mo sa akin mahal na inay

masaya ako dahil tila wala nang papantay

sa ligalig at galak pag kayo kakwentuhan ko

pero kailangan ko na pong bumalik dun sa kampo

May misyon kaming gagawin ng madaling araw

Buti't pinayagan nila ako na makadalaw

Inay salamat ha sa lahat nang iyong pag kalinga

at sa pag aaruga mo mula pa nung ako ay bata

wag kang mag alala inay ako ay mag iingat

pero lagi kong dinadasal sa diyos na kung di na sisikat

ang araw sakin ay sanay matanggap nyo nang buo

ako'y sundalo pero nay ako sayo'y taas noo

Dahil ikaw ay nag tiyaga na ako'y alagaan

Ngayon nay ang anak nyo ay tagapagtanggol na nang bayan

alam ko na ang pinasok ko nay ay isang kalbaryo

kaya lagi kong dinadala ang bigay mo saking rosaryo


nagdadasala ako na sana ako'y di nya pabayaan

bilang sundalo kami ang bantay nang kapayapaan

Di ko hahayaan na pangalan ko'y madungisan

Dugo at buhay ang alay sanay na akong pagpawisan

Nay? Ipangako mo sakin kahit na anong mangyari

Kung mapano man ako wala kang dapat na isisi

desisyon ko po ito na aking pinasumpaan

Karangalan ko po nay na mamatay sa sagupaan

Hindi lahat nang tao'y nabibigyan nang pagkakataong

Maging bayani sa lupang tinatapakan ko ngayon

Alam kong ipinagmamalaki mo ko bilang anak

Kung pwede lang inay wag ka nalang sanang umiyak

Bagkus ay ipagdasal nyo nalang lagi kaligtasan ko

Kung masawi ako ay tanggap ko po ang kapalaran ko

may Diyos kami na kakampi sa bawat pagsabak sa gyera

May mga bagay talagang hindi kayang bilhin nang pera

Kundi ang oras at sandaling kasama kayo

Pangarap ko inay na mabigyan ko kayo nang apo

Kung pahihintulutan ng poon na magkaroon

Ako nang sariling pamilya ikatutuwa ko yun


Ingatan nyo rin po sarili nyo inay

Diyos na rin po ang bahala kung sakali man ako man ay mamamatay

Walang ibang magtatanggol sa bayan kundi kaming

Mga sundalo nay ang syang lalaban at laging hinaing

Namin ay makamtan ng bayan ang kapayapaan

Kahit na nakikipag patintero kay kamatayan

nakahandang magbuwis nang buhay para sa inosente

Nagmamahala nyo pong anak,

Ramon Vicente.

You might also like