You are on page 1of 1

8 BARANGAY SA BAYAN NG PANIQUI, DRUG CLEARED NA

PANIQUI, Tarlac – Sa 35 Barangay ng bayang Paniqui ay 8 dito ang idineklarang Drug Cleared
nan g Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakailan.

Ang idineklarang Barangay na clear sa illegal traffickers, peddlers at users ay ang Barangay San
Juan de Milla, Sinigpit, Nagmisaan, Ventinilla, San Carlos, Brillante, Acocolao at Cayanga .

Ang parangal ay personal na tinanggap ni Mayor Leonardo M. Roxas, MADAC Chairman kay
PDEA Representative IO II Jose Marie P. Palubon na sinaksihan nina Municipal Local
Government Operations Officer at BADAC Chairman Danilo C. Rillera, Paniqui MPS Chief of
Police Lieutenant Colonel Napoleon Pablo Duquez.

“Malaking bagay po ito sa isang Barangay ang maideklara silang drug cleared. Sapagkat dito
makikita ang pagkakaisa ng bawat isa sa komunidad,” pahayag ni Paniqui MPS Community
Affairs and Development, PNCO Police Staff Sergeant Merryjane Aceres.

Sinabi naman ni Police Lieutenant Colonel Duquez na napakaimportanteng maging drug free ang
bawat bayan upang matugunan ang kampanya kontra illegal na droga sa bansa sa pangunguna ni
Pangulo Rodrigo Roa Duterte.

Ang mga kinakilangan upang ideklarang drug cleared ang isang Barangay: Non-availability of
drug supply; Absence of drug transit/transshipment activity; Absence of clandestine drug
laboratory; Absence of clandestine drug warehouse; Absence of clandestine chemical warehouse;
Absence of marijuana cultivation site; Absence of drug den, dive or resort; Absence of drug
pusher; Absence of drug user/dependent; Absence of protector/coddler and financier; Active
involvement of Barangay officials in anti-drug activities; Active involvement of SK to help
maintain the drug-liberated status of the barangay; Existence of drug awareness, preventive
education and information, and other related programs at Existence of voluntary and compulsory
drug treatment and rehabilitation processing desk.

Matapos na mapatunayang pumasa ang isang Barangay sa naturang pamantayan ang mga
naitalagang oversight committee ay magbibigay ng sertipikasyon sa isang Barangay na
nagdedeklarang “Drug-Cleared”.

Ang sertipikasyon ay pinatotohanan ng Chairman ng CADAC/MADAC, sertipikado ng Chief of


Police, pinatunayan ng PDEA Regional Director.

Ang sinumang Barangay na idineklarang drug-free o drug-cleared ay mayroong obligasyon na


mapanatili nila ito.

You might also like