You are on page 1of 4

Sinabi ni Jesus sa mga tao ang sampung utos.

Sinabi ni Jesus:

1. Huwag kang magkaroon ng ibang diyos bukod sa Akin.

2. Huwag kang gagawa ng anumang inukit na diyus-diyusan.

3. Huwag mong sambitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan.

4. Alalahanin mo ang araw ng pangilin, upang panatilihin itong banal.

5. Igalang mo ang iyong ama at ina.

6. Huwag kang papatay.

7. Huwag kang makikiapid.

8. Huwag kang magnanakaw.

9. Huwag kang magsasabi ng hindi totoo laban sa iyong kapwa.

10. Huwag kang magnanasa.

Exodo 20:1–17
Narinig ng mga tao si Jesucristo. Natakot sila. Hindi nila gustong magsalita si Jesus sa
kanila. Mas gusto nilang si Moises na lamang ang Kanyang kausapin. Pagkatapos ay
sasabihin na lamang ni Moises sa kanila kung ano ang sinabi ni Jesus. Bumalik si Moses
sa Bundok ng Sinai. Nagbigay si Jesus ng iba pang mga kautusan para sa mga tao.

Exodo 20:18–26; 21–23


/

Sinabi ni Moises kay Aaron at sa dalawang anak na lalaki ni Aaron na umakyat sa bundok.
Sinabi rin niya sa 70 elder na umakyat sa bundok. Ang mga kalalakihan ay umakyat sa
bundok. Nakita nila si Jesus.

Exodo 24:1–11

t
Sinabi ni Jesus kay Moises na pumunta sa itaas pa ng bundok. Isinulat ni Jesus ang mga
kautusan sa bato sa pamamagitan ng Kanyang daliri. Ibinigay ni Jesus kay Moises ang
mga kautusan.

Exodo 24:12; 31:18

Si Moises ay nawala sa loob ng 40 araw at 40 gabi. Hindi siya kumain at uminom sa


buong panahong iyon.

Exodo 24:18; 34:28; Deuteronomio 9:9–13, 18

 SINUNDAN
 SUSUN/OD
 I-print
 Ibahagi

You might also like