You are on page 1of 12

PANGANGATWIRAN

- Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o

patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap

o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig

na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala

sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)

- Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o

pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason.

(-Arogante)

- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng

wasto, angkop at magandang pananalita ay makatutulong upang

mahikayat na pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig

ang nangangatwiran.

- Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay

may prosesong dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging

mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran

gaya ng debate.
- Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan

ay maaaring matamo n imo man subalit hindi sa paraang madali at

sa maikling panahon lamang.

DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:

1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.

2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda

laban sa kanya.

3 Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;

4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin

5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa

KASANAYANG NALILINANG SA PANGANGATWIRAN

1. Wasto at mabilis na pag-iisip

2. Lohikong paghahanay ng kaisipan

3. Maayos at mabisang pagsasalita

4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran

5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o

pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang

inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.

Uri ng Pangangatwiran
1. PANGANGATWIRANG PABUOD (INDUCTIVE REASONING)

Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na

simulain o paglalahat ang pangangatwirang pabuod. Nahahati ang

pangangatwirang ita sa tatlong bahagi.

a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad. Inilahad dito ang

magkatulad na katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang

ang katotohanan. Ang nabubuong paglalahat sa ganitong

pangangatwiran ay msasabing pansamantala lamang at maaaring

mapasinungalingan. Maaring maging pareho ang pinaghahambing

sa isa lamang katangian subalit magkaiba naman sa ibang

katangian.

b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari

sa sanhi.

Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap

ang isang pangyayari.

c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at

pagpapatunay. Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang

higit na magpapatunay o magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o

kalagayan.
Halimbawa ng Pabuod na

pangangatwiran

1. Pabuod (inductive reasoning) – Ang pangangatwirang ito ay

nagsisimula sa maliit na halimbawa o katotohanan at nagtatapos sa

isang panlahat na suliranin. May tatlong paraan ang ganitong uri ng

pangangatwiran:

2. Ang Pag-uugnay ng Pangyayari sa Sanhi. Bawat pangyayari ay

may sanhi. Ang pangangatwiran natin ay nagsisimula sa mga sanhi

tungo sa bunga o ang patumbalik nito. 4n gating konklusyon ay

isang pahayag na ang isang pangayayri’y bunga ng isa pang

pangyayari.

Halimbawa:

Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang

mag-aaral ay sapagkat hindi siya nagbalik-aral.

1. Gumagamit ng Pagtutulad. Inilalahad ang magkatulad na

katangian, sinusuri ang mga ito at dito humahango ng konklusyon.

Ang konklusyon sa ganitong pangangatwiran ay masasabing

pansamantala lamang.

Halimbawa:
Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang

kolehiyo sa Kabanatuan, sila ay may kooperatiba at malaki ang

napapakinabang.

Ang pagmamatuwid na si si Miss dela Cruz ay mabuting guro

sapagkat ang ama't ina niya ay mahusay ring mga guro.

1. Gumagamit ng Katibayan at Pagpapatibay. Ang pagmamatuwid

ay nanghahawakan sa mga ebidensya, katibayan at patunay.

Halimbawa:

Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang

nakuhang sapaang tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang

buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa namatay na natagpuan sa

di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng napatay.

2. PANGANGATWIRANG PASAKLAW(DEDUCTIVE

REASONING)

Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit

ng isang simulang panlahat ang pangangatwirang pasaklaw. Ang

silohismo na siyang tawag sa ganitong pangangatwiran ay

bumubuo ng isang pangungunang batayan, isang pangalawang


batayan at isang konklusyon. Isang payak na balangkas ng

pangangatwiran ang silohismo.

Mga halimbawa ng

pangangatwirang pasaklaw

pangangatwirang pasaklaw -nagsisimula sa malaki patungo sa

maliit na kaisipan o katotohanan!!!!!!!!

halimbawa:ang lahat ng hayop ay nilikha ng diyos .Ang manok ay

isang uri ng hayop kung gayon ang manok ay nilkha ng

diyos!!!!!!!!!!!

MGA ELEMENTO NG PANGANGATWIRAN

1. Proposisyon- panukala (Maaaring sang-ayon o di sang-ayon

2. Paksa

Halimbawa ng

nangangatwiran

Isang Paksa:

* Dumadami na ang populasyon sa Pilipinas kailangan ng

magtatag ng Batas na Kailangan sa isang Pamilya kailangang 2

anak lang.
3 URI NG PROPOSISYON

Pangyayari = Ito ay pagpapatunay o pagsasalawang-katotohanan

ng isang

bagay.

Kahalagahan = Ito ay pagtatanggol sa kahalagahan ng isang

bagay o kaisipan.

Patakaran = Ito ay paghaharap ng isang pagkilos sa isang

suliranin.

PAGTATA

LO

Naglalayong na makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang

sinasabi sa pamamagitan ng pangangatuwiran. Maaari itong

nakasulat o binibigkas.

Ang kahalagahan ng debate

-Para mapag-usapan o pagtaluhan ang isang sitwasyon.

ANO ANG MGA URI NG


PAGTATALO

O DEBATE

DEBATENG OXFORD ( Rufino Alejandro )

Unang TagapagsalitaSang-ayon - maikling panimulaPaglalahad,

patotoo sa unang isyuPagtatapos - lagom ng kanyang

napatunayanBabanggitin ang gagawin ng susunod nakasama

Unang Salungat - maikling panimulaPatotoo sa unang

isyuLalagumin ang mga matwid ng panig ngSalungat

Pangalawang Sang-ayon - maglalahad ng patotooNilalagom ang

pangunahing matwid ng panig ng sang-ayon

Pangalawang Salungat - maghaharap ng isang tuligsa sa balak ng

panig ng sang-ayon o naghaharap ng pamalitng pangunahing

matwid ng panig ngsalungat

Pangatlong Salungat - talumpati ng ganting matwid-sinusuri

niyaang mga hindi pinagkakaisahan ng panig ng sang-ayon at

panig ng salungat at pinabubulaanan ang pangunahing matwid ng

sang-ayon-sa pagwawakas , maaaring gumawa siya ng

isangnakahihikayat na panawagan

Pangatlong Sang-ayon - pagsusuri ng mga pangunahing puntos

ngipinagkakaibang kuro ng dalawang panig-maghaharap ng isang


pagpapabulaan-magwawakas sa isang mapanghikayat na

panawagan

DEBATENG OREGON

Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng

pagmamatwid ng kani-kanilang panig

Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang maipakilala

angkarupukan ng mg matwid na panig ng katalo

Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan

bagolalagumin ang mga matwid ng kani-kanilang panig

Mga Paalala :

1.Ang ibibigay na tanong ay masasagot sa ilang pananalitalamang.

2. Isipin na agad ang maaaring isagot sa mga itatanong

upangmapaghandaan

3.Sa pagtatanong , sikaping maipakilala ang kawalan ngawtoridad

at ang karupukan ng matwid o ang pagkakasalungatan ng mga

matwid ng kalaban

4.Magsimula sa tiyak patungong masaklaw

5.Iwasan ang pagbibigay ng tanong na wala sa matwid,

walangkaugnayan o walang gaanong halaga

6.Huwag gelatin ang kalaban sa pamamagitan ng pagpipilit

nasiya'y sumagot ng "oo" o "hindi"


DEBATENG OREGON - OXFORD

A.Pagpapakilala ng bawat koponan ( Pagtukoy sa mgatuntunin )

B.Paglalahad ng proposisyon

C.Pagbibigay ng katuturan

D.Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran

E.Pagtatalo

Unang Tagapagsalita ( Sang-ayon ) -maglalahad ng buod

magtatanong sa buod ngtalumpati

Unang tagapagsalita ( sang-ayon)Maglalahad ng buod ngtalumpati

Ikalawang Tagapagsalita ( Sang-ayon )- magtatanong sa buod

ngtalumpatiMaglalahad ng buod ngtalumpati……………….( Lima -

sampung minutong pagitan )

Unang Tagapagsalita ( salungat ) -tutuligsain ang buod ngunang

tagapagsalita ( sang-ayon )

Unang Tagapagsalita ( sang-ayon ) - tutuligsain ang buod

ngikalawang tagapagsalita (salungat)……………….

Lider ng panig ng sang-ayon -magbubuklod ng katwiranng pangkat

Lider ng panig ng salungat - magbubuklod ng katwiranng pangkat

F.Paghahatol ng Lupon

Sa sandali ng panunuligsa, tukuyin ang sumusunod :


1.mga maling katwiran

2.walang katotohanang batayan

3.kahinaan ng katibayan

4.mga pahayag na labas sa buod na pinagkasunduan

Sa oras ng paghatol , ang panig ng sang-ayon ang siyang may

bigatng pagpapatibay at ang panig ng salungat ang siyang may

bigat ng pagtuligsa.

References:

all

volunteer from:http://mamsha.tripod.com/id37.html http://tl.answe

rs.com/Q/Halimbawa_nang_pangangatwiran

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_iba%27t_ibang_uri_ng_pangang

atwiran

http://wiki.answers.com/Q/3_uri_ng_proposisyon

http://tl.answers.com/Q/Halimbawa_ng_Pabuod_na_pangangatwir

an

http://tl.answers.com/Q/Mga_halimbawa_ng_pangangatwirang_pa

saklaw

http://tl.answers.com/Q/Kahulugan_ng_pagtatalo
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahalagahan_ng_debate

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_mga_uri_ng_pagtatalo

You might also like