You are on page 1of 3

Sa bayan ng Tayabas ang pinakamagandang dalaga ay nagngangalang Ilang.

Maraming mayayamang binata ang nanliligaw sa kanya. Ngunit ang kaniyang


nagugustuhan ay si Edo. Isang mahirap na magsasaka.

Nagalit ang magulang ni Ilang. Ang gusto nilang mapangasawa ni Ilang ay isang
mayamang lalaki. Pinagbawalan nila si Ilang na makipagkitang muli kay Edo.
Ngunit lihim pa rin nagtatagpo sina Edo at Ilang. Nagkikita sila sa tabing ilog sa
tuwing naglalaba ng mga damit si Ilang. At laging nagsusumpaan na
magmamahalan habang buhay kahit ano pa ang mangyari.

Lahat ng mayayamang manliligaw ay hindi pinapansin ni Ilang kung kaya’t


naghihinagpis ang kaniyang mga magulang. Minsan ay sinubukan siya ng kanyang
ama at nahuli niya itong nakikipagkita kay Edo sa tabing ilog. Iyon na ang huling
pagkikita nina Ilang at Edo. Simula noon ay hindi na nila pinalabas ng bahay si
Ilang. Binabantayan upang hindi na makipagkita kay Edo.

Nalungkot nang labis si Ilang. Hindi na din siya lumalabas sa kanyang silid, hindi na
kumakain at hindi na rin nakikipag-usap kahit kanino. Unti-unting nanghina si
Ilang hanggang magkasakit at tuluyang namatay. Bago namatay ay hiniling ni Ilang
na doon siya ilibing sa tabing ilog, ang lugar na pinagtatagpuan nila ni Edo.

Labis din ang lungkot ni Edo. Hindi na siya nag-asawa at sa araw-araw ay


binabantayan niya ang libingan ni Ilang. Isang araw ay may tumubong isang puno
sa puntod ni Ilang. Inalagaan ito ni Edo hanggang sa mamulaklak. Naakit ang lahat
sa halimuyak ng bango ng mga bulaklak ng puno. Simula noon ay lagi na lamang
umiiyak si Edo habang nakabantay sa puno at sinasambit ang pangalang… Ilang,
Ilang, Ilang. Simula noon tinawag ang bulaklak na Ilang Ilang.
Pangngalan Pandiwa
-Ilang -nanliligaw -nagkikita
-Edo -nagugustuhan -naglalaba
-Tayabas -nagalit -nagsusumpaan
-tabing ilog -mapangasawa -magmamahalan
-bahay -pinagbawalan -pinapansin
-silid -makipagkita -naghihinagpis
-puno -nagtatagpo -binabantayan
-bulaklak -sinubukan -makipagkita
-Ilang-Ilang -nahuli -nalungkot
-nakikipagkita -lumalabas
-pinalabas -kumakain
Panghalip -pagkikita -nakikipag-usap
-sila -nanghina -pinagtatagpuan
-nila -magkasakit -nag-asawa
-siya -namatay -tumubong
-ito -hiniling -inalagaan
-iyon -ilibing -mamulaklak
-naakit -umiiyak
-nakabantay -sinasambit
Pang-uri -tinawag

-pinakamaganda Pang-abay
-mayayaman -tuwing
-mahirap -simula
-bango -bayan ng Tayabas
-sa bahay
-sa silid
-sa tabing-ilog
-araw-araw
-sa puntod
Ang
Alamat
Ng
Ilang-Ilang

Ipinasa ni: Jam Margareth M. Guinto


Ipinasa kay: Gng. Dawn C. Obligacion

You might also like