You are on page 1of 1

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

3rd PRELIM

IV.
1. Deskriptibo – Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao,
lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.

2. Case Study – ay isang disenyo ng pananaliksik na naglalayong malalimang unawain ang isang
particular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t-ibang paksa ng pag-
aaral. Layunin din nitong magbigay ng mahigpit na paglalarawan ng partikular na yunit ng
lipunan.

3. Plagiarism – ay tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang


kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.

4. Komparatibo – ay ang pananaliksik na naglalayong maghambing ng anomang konsepto,


kultura, bagay pangyayari at iba pa.

5. Eksploratori – ay disenyo ng pananaliksik na isinasagawa kung wala pang gaanong pagaaral


na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. Layunin nitong makapaglatag ng mga bagong
ideya at makapaglagay o makabuo ng mga haypotesis tungo sa mas malalim na pagkaunawa sa
mga paksa.

6. Historikal – Ang Historikal na pananaliksik ay gumagamit ng iba’t-ibang pamamaraan ng


pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan. Batay sa mga
datos at ebidensya, pinalalalim ang pag-unawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang
mga bagay-bagay at ang pinagdadaanan ng proseso kung paanong ang nakaraan ay naging
kasalukyan.

7. Research – o pananaliksik, ay paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga particular na


katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran.

8. Pagbasa – Ang pagbasa ay ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak na
impormasyon o ideya. Ito rin ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat
na teksto.

9. Tekstong Persuweysib – ay tekstong nanghihikayat na ang layunin ay maglahad ng isang


opinyong kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at datos
upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa manunulat.

10. Tekstong Argumentatibo – ay isang teksto kung saan ipinaglalaban ang katuwiran. Ito ay
teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o
usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literature at
pag-aaral, ebidensyang kasaysayan at resulta ng empirical na pananaliksik.

You might also like