Professional Documents
Culture Documents
Alamat NG Bulkang Mayon 3 Versions
Alamat NG Bulkang Mayon 3 Versions
1)
Ang pinuno ng mga Bikolano ay si Raha Makusog. Mayroon siyang kaisa-isang anak na
dalaga, si Daragang Magayon na ang
ibig sabihin ay Dalagang Maganda.
Samantala, hindi ito nalingid kay Alapaap. Siya sampu ng kanyang mga tauhan ay
lumusob bago naisakatuparan ang kasala nina Daragang Magayon at Pagtuga.
Napatay ni Alapaap si Pagtuga ngunit sa kasamaang-palad ay tinamaan nang hindi
sinasadya si Daragang Magayon. Sa pagtulong ni Alapaap kay Daragang Magayon,
siya ay nahagip din ng isang saksak ng tauhan ni Pagtuga. Ang tatlo ay sabay-sabay na
namatay sina Daragang Magayon, Alapaap at Pagtuga. Silang tatlo ay sabay-sabay
ding inilibing sa gitna ng malawak na bukid. Lahat ng hiyas at kayamanan ni Daragang
Magayon ay kasama sa hukay niya pati na ang mga regalo sa kanya ni Pagtuga.
Pagkalipas ng tatlong gabi, nagulat ang mamamayan sa lakas ng lindol sabay ng tunog
ng malalakas na kulog at kidlat. Kinabukasan ay nagisnan nilang tumaas ang
ipinaglibingan ni Daragang Magayon at ng dalawa niyang mangingibig. Tumaas nang
tumaas ang puntod natila isang bundok. Nagkaroon ito ng magandang hugis at naging
bulkan. Ayon sa pari ang magandang bulkan ay si Daragang Magayon ang maitim na
usok ay ang maitim na budhi ni Pagtuga na labis ang kasakiman sa kayamanan.
Naroon pa siya at gustong bawiin ang mga iniregalo kay Daragang Magayon. Maganda
ang bulkan ngunit ito’y pumuputok at nag-aapoy sa galit kapag naaalala nito ang
kasakiman ni Pagtuga. Unti-unting pumapayapa ito kapag nararamdaman niyang nasa
piling niya si Alapaap at patuloy na nagmamahal sa kanya.
Mula noon ang bulkan ay tinawag na Mayon. Ang bayan na kinatatayuan ng bulkan ay
tinawag na Daraga bilang pag-alaala kay Daragang Magayon.
Nabuhayan ng loob ang prinsipeng Tagalog at ito’y nagsalita, “Magandang Mutya, mula
ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at makita ang tangi mong kariktan!”
“Ako’y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit dito. Bigyan mo ako ng isang bulaklak
at ako’y masisiyahan na!”
Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito’y
kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib.
“Ngunit ang Raha? Ang aking ama?” may alinlangang paliwanag. “Dapat niyang
malaman!”
Pumayag ang Raha. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at
nakakahalina kung kumilos. Itinakda ng Raha ang kasal sa pagbibilog ng buwan,
matapos ang anihan.
Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang
kasalan. Kakaunin niya ang ama’t ina at silang tatlo ay babalik sa Albay.
Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: “Kung hindi kita
makamtan, walang magkakamit sa iyo sinuman!”
Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya’y
sumagot, “Ako’y magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!”
Nagtumulin ang mga araw at mga linggo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa si
Malaya. Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga’y nakaupo sa duruwangawan
at naghihintay.
Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen.
Nagkaroon ng maringal na handaan, kainan at sayawan.
Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang
pumagitna at sawayin ang dalawa. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa
dibdib ng dalaga. Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa
nalagutan ng hininga ang magsing-ibig.
Nagluksa ang Raha at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa’y ilagak na
magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas
hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong
Bundok ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.
Alamat ng Bulkang Mayon (Ver. 3)
Sapagkat ubod ng ganda, maraming binata ang dumadayo pa sa Albay makita lamang
ang anak ng raha. Kabilang sa mga mangingibig ni Daragang Magayon ay mga
binatang anak ng mga raha rin mula sa Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes
at Sorsogon.
Iyon ang pagkakataon upang makipagkilala na si Ulap sa dalaga. Lagi at lagi na silang
nagkikita. Mga sariwang prutas lang ang inihahandog nito sa kanya. Akala ni Daragang
Magayon na ordinaryong mamamayan lang si Ulap sa kanilang bayan. Wala kasi itong
yabang sa katawan.
Nang masukol sa kuwentuhan ay naipagtapat niyang anak din siya ng sikat na si Raha
Tagalog sa Tayabas.
Naikumpara niya ang binata sa manliligaw niyang si Iriga, matandang balong pinuno ng
Camarines Sur. Pawang nagkikinangang alahas ang inihahandog nito sa kaniya.
Magarbong matanda si Raha Iriga na kinatatakutan ng lahat pagkat kilala ito sa
kawalan ng katarungan, raha ng mga magnanakaw at puno ng kasamaan.
Habang papauwi si Ulap upang sunduin ang mga magulang ay nilusob ni Raha Iriga
ang baranggay ni Raha Makusog.
Bilang benggansa, binuhay niya bilang alipin si Raha Makusog at itinakda ang kasal nila
ni Magayon sa pagbibilog ng buwan. Nagpakatanggi-tanggi ang dalaga subalit tuso si
Raha Iriga.
Ipapapatay daw niya ang ama kung hindi pakakasal sa kaniya ang dalaga. Kumagat sa
patalim si Daragang Magayon na dasal nang dasal na sana ay dumating na ang
binatang pinakamamahal.
Nagapi sa digmaan ang ilan sa mga tauhan ng ganid na raha. Ang karamihan na
naniniwala pa rin sa katarungan, kapayapaan at pag-iibigan ay nagsiluhod at pumayag
na paampon sa mga matatapat na kawal ni Raha Makusog na inalalayan ng mga
mandirigma ni Ulap mula sa katagalugan.
Bilang pagbibigay pahalaga ng ama sa nag-iisang anak, pinagsama niya ang bangkay
ng magsing-irog sa lugar na malapit sa batis Rawis na unang pinagtagpuan ng dalawa.