You are on page 1of 3

ANG ALAMAT NG UNANG AHAS

Noong unang panahon mayroong isang mag-ina, Si aling Teresita at ang


kanyang anak na si Saha .Si aling Teresita ay ubod ng sipag at lahat na lamang ng
kanyang maaaring magawa upang mabuhay silang mag-ina ay nagawa na niya,sapagkat
siya ay biyuda na at namatay na ang kanyang asawa sa isang malubhang sakit.Sila na
lamang ang magkasama mula noon.
Ubod man ng sipag si aling Teresita ay mukhang hindi nakuha ng
kanyang anak ang kanyang katangiang iyon.Palagi na lamang nakahilata at walang
ginagawa si Saha ni magluto ay hindi siya marunong,Tuwing inuutusan siya ng kanyang
ina ay hindi niya iyon susundin at sasagut-sagutin pa kung minsan.Palagi na lamang
ganito ang inaasal ni Saha kaya kung minsan ay napupuno at nauubos na rin ang
pasensya ng kanyang ina,ngunit dahil mahal na mahal nang ina ang kanyang anak ay
hindi siya nauuubusan ng pagasa na baka isang araw magbago na ang pag-uugali ng
kanyang nag-iisa at pinakamamahal na anak.Dumaan nang dumaan ang mga panahaon
at nauubos na rin ng paunti-unti ang pasensya sa kaniya ng kaniyang ina,ngunit parang
wala man lamang pakialam doon si .
Isang araw may binigay na isang simpleng utos ang kanyang ina,na
tulungan siya sa pagtatanim.Hindi na naman ito sumunod kung kaya’t naubos na ang
mahabang pasensya sa kanya ng kanyang ina at nakabanggit ito ng mga salitang nasabi
niya dahil sa galit “Ang tamad-tamad mo hindi mo man lamang magamit yang mga paa
at kamay mong iyan,Maigi pa kung mawawala na lamang ang mga iyan dahil aanhin mo
pa ang mga ito kung lagi ka lamang nakahilata,Maigi pang gumapang ka na lang” wika
ng kanyang ina.Huli na ang pagsisisi para kay Saha dahil laking gulat nalang nila nang
kumulog nang malakas at unti-unting nawala ang mga paa at kamay nito hanggang sa
tuluyan na itong naging isang hayop na gumagapang lamang.
Mula noon tinawag na itong hayop na ito na Saha at kalaunan ay naging
katagang ahas.
KUNG BAKIT ITIM ANG KULAY NG UWAK?
Noong unang panahon ang lahat ng hayop at halaman sa mundo ay
wala pang kulay,wala pang sigla at buhay ang mundo.Hangga’t sa makaisip ang isang
diyos na bigyan ng kulay ang bawat nilalang sa mundo.Ang pangalan niya ay Diyosa
Isabel.Nang nakaisip na si diyosa Isabel ng kulay ay tinawag niya ang kanyang alalay
upang sabihin sa lahat ng mga nilalang sa mundo na may importanteng pagpupulong
na magaganap. Noong nakarating na sa bawat hayop at halaman sa mundo na may
mahalagang pagpupulong na gaganapin ay agad agad silang nagtipon-tipon para
malaman kung tungkol saan ba ang gaganaping pagtitipon.Nang nagsimula na ang
pagpupulong ay tinukoy agad ng diyosa na gusto niyang magkaroon ng buhay at kulay
ang bawat nilalang sa mundo,Kaya’t pinapili niya ang mga ito nang nais nilang kulay.Isa
isa nangang pumili ng kanilang kulay ang mga hayop”kulay pula at puti ang sa akin” wika
ng manok.”iba’t ibang kulay ang gusto ko wika nang aso”.Lahat ng mga hiniling na kulay
ng bawat hayop at halaman ay binigay ng diyosa Isabel
Samantalang ang uwak ay hindi narinig na may importanteng
pagtitipon palang nagaganap kaya nagtaka na siya kung nasaan ang lahat dahil wala
siyang makita ni isang hayop o halaman sa paligd.Hinanap niya nang hinanap ang mga
ito hanggang sa natagpuan niya sila na tuwang-tuwa dahil sa kulay na mga nakuha nila
mula kay diyosa Isabel,Nang nakita niya ang mga ito ay dali-dali niyang tinanong kung
saan nanggaling ang kanilang mga kulay.Noong nalaman niya na kay Diyosa Isabel
nanggaling ang mga ito ay lumapit ito sa kanya at humingi nang kulay “gusto ko ng
kulay asul,maaari ba iyon?” patanong na sabi ng uwak.”Patawad kaibigang uwak ngunit
wala nang natitirang kulay dito maliban sa itim”wika ng diyosa.Pinag-isipan muna niya ito
bago pumayag ng may lungkot sa kanyang mga labi.Hindi ganoon natuwa ang uwak sa
kanyang kulay dahil iba ang nais niya ngunit ang sabi niya sa sarili niya ay mas maganda
na ito kesa sa wala.

You might also like