You are on page 1of 12

Isang Paghahambing Morpolohikal sa Wikang Tagalog at Wikang Waray

Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa isang paghahambing morpolohikal sa

wikang Tagalog at wikang Waray. Ang pananalisksik na ito ay naglalayong masuri ang

wikang Tagalog at wikang Waray sa morpolohikal na aspekto nito upang maipakita ang

pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa sa katangiang morpolihikal. Nais din nitong

matukoy ang pagbabagong morponomiko na nagaganap sa dalawang wika nang sa

gayon ay makabuo ng isang talaan o korpus ng mga salita. Commented [E1]: i-justify, issayos ang paulit-ulit na pahayag.
Gawing mas madaloy

Ang sinabing pananaliksik ay sumailalim sa deskriptib na pananaliksik. Upang Commented [E2]: ilagay na sa unanag bahagi. Lahat ng salitang
wika ay nasamaliit lamang na “w”

matukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Wikang Tagalog at Wikang Waray, Commented [E3]: alisin na, naulit na ito

ginamit ang deskriptib na pananaliksik sa komparatibong pag-aanalisa sa morpolohikal

na aspekto ng wika. Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa Brgy. Dalandanan, Lungsod Commented [E4]: redundant

ng Valenzuela upang kapanayamin ang mga respondenteng napili sa pag-aaral. Sa

loob ng buong buwan ng Setyembre, isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral

upang makakalap ng mga importanteng datos at impormasyon. Samantala, gumamit ng

purposive sampling batay sa kabatiran ng mga mananaliksik sa mismong pag-aaral at

pumili lamang ng anim (6) na respondente batay sa kanilang expert sampling o

kahusayan at kalawakan ng kaalaman sa Wikang Tagalog at Wikang Waray. Pinangkat Commented [E5]: mas gawing madaloy ang pagpapahayag.
Iwasan ang pagpuputol ng mga kaisipang maaarin namang
pagsamahin.
ang mga resondente sa dalawa (2) upang maiwasan ang anumang pagkakamali. Ang
Commented [E6]: Alisin na

mga napiling kalahok ay kinakailangang matatas sa pagsasalita ng dalawang wika

upang matiyak na tama ang lahat ng nakalap na mga datos at impormasyon. Gumamit

ng interbyu o pakikipanayam sa limang (5) mga respondenteng napili mula sa


Dalandanan, Valenzuela. Sa pangangalap ng korpus ay nagtungo ang mga

mananaliksik sa mga aklatan upang magsaliksik ng ilang lunsaran patungkol sa Waray. Commented [E7]: Ilagay ito sa metodolohiyang bahagi. Isama
sa komento bilang 5.

Ang lumabas na resulta ay naipakitang malaki ang pagkakahalintulad ng wikang

Tagalog at wikang Waray sa aspekto ng paglalapi; ngunit nagkakaiba ito sa anyo ng

morpema, kayarian ng mga salita, at sa pagbabagong morpoponemiko. Sa huli ay

napag-alaman sa pananaliksik na ito na ang wikang Tagalog ay nagkaroon na ng

impluwensiya sa wikang Waray subalit hindi malinaw na matutukoy kung ano sa

dalawang ito ang mas nakakaimpluwensiya sa isa. Samantala, wala namang

pagkakaiba sa aspektong morpolohikal ng wikang Tagalog at wikang Waray sa

ginagamit na mga salita sa pakikipanayam o pakikipag-ugnayan sa iba. Commented [E8]: Contradicting sa naunang pahayag.nasaan
ang rekomendasyon at ang susing salita?

Marka: 87
Mga Miyembro:

Krizzia Arevalo

Ma. Mercedes Cuadra

Abigail de Leon

Angel Dingalan

Karen Duey

Nashiba Macabangon

Margeorize Mendoza

Trixia Mae Miranda

Christian Muyong

Leimari Sagun
Abstrak Commented [E9]: igitna

Pagdalumat mula Sa Kabatirang Kumbensyonal patungong Hermenyutikal Sa

Mga Piling Tulansangan Ng Pilipino Commented [E10]: alisin

Ang panitikan at lipunan ay mayroong tungkulin sa paghubog sa kakayahan,

kakanyahan at pag-uugali ng isang indibidwal. Malaking bahagi sa buhay ng mga bata

ang panitikan partikular na ang mga tulansangan. Subalit sa panahon ngayon kung

saan yumayabong din ang paggamit sa teknolohiya partikular na sa kabataan,

mapapansin na naisasantabi na ang kahalagahan ng panitikan gaya na lang ng

tulansangan kung saan hindi ganap at buo ang kabatiran ng lipunan sa partikular na

gamit nito bilang malaking bahagi sa ating kultura partikular sa mga bata. Patunay Commented [E11]: subukang mas mapaikli ang pagpapahayag

lamang nito na nababalot ang kabatiran ng mga kabataan sa tulansangan bilang awiting

ginagamit lamang sa paglalaro. Kung kaya’t ninais isagawa ang pananaliksik na ito para

sa layuning malaman ang mga kabatirang kumbensyonal at kabatirang hermenyutikal Commented [E12]: alisin na ito.

sa mga piling tulansangan na NanayTatay, Langit-Lupa, Bilog-bilog-bilugan, Jack en

Poy, at Tago-taguan na ginamit sa mga iba't ibang barangay sa Valenzuela; Brgy.

Arkong Bato, Brgy. Malinta at Brgy. Tagalag. Sinuri rin dito ang realidad at usaping Commented [E13]: Alisin na
Commented [E14]: bawasan ng espasyo.
panlipunan na maiuugnay sa mga kabatirang hermenyutikal mula sa mga tulansangan

sa mga piling tulansangan. Ang pananaliksik ay ginamitan ng disenyong deskriptib Commented [E15]: Alisin na

analitik upang matiyak ang mga impormasyong kakailanganin sa pag-aaral sa Commented [E16]: Bawasan ang espasyo

pamamagitan ng pakikipanayam sa 15 respondente. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa

mga piling barangay sa lungsod ng Valenzuela na pinili batay sa Convenience

Sampling upang maging mas mainam para sa mananaliksik ang pagkuha ng mga

impormasyon gayundin sa pagsasakatuparan ng pagsusuri sa mga ito. Random


sampling ang ginamit sa pagkuha ng mga respondente na may edad na anim hanggang

12 anyos at limang respondente ang sinuri sa bawat barangay. Lumabas sa resulta ng Commented [E17]: Ano ang ginamit na metodolohiya?

pag-aaral na ito na ang "Bilog-bilog-bilugan" ay tungkol sa kapangyarihan at

pambubulas sa paaralan. Ang "Nanay at Tatay" naman ay nagsasaad ng gampanin at

responsibilidad ng magulang at anak at bilang pagtugon sa krisis sa lipunan na

katamaran. Samantala, ang "Jack en poy" ay sumisimbolo na mayroong malakas at

mahina, may nananalo at natatalo o tunggaliang nangyayari gaya ng sa mayaman at

nasa laylayan ng lipunan. Masasalamin naman sa "Tago-taguan" ang mga pangyayari

gaya ng pang-aalipin at pang-aabuso sa marami lalo na sa mga panig ng kababaihan

noong sinakop ang bansa ng mga mananakop na dayuhan. Napatunayan sa pag-aaral Commented [E18]: Alisin na

na ang kabatirang kumbensyunal ng mga bata na likas sa pagiging animistiko sa

pagbibigay interpretasyon ay nakabatay lamang sa antas ng kanilang pag-unawa.

Naipakita rin sa pag-aaral na ito ang kakayanan ng panitikan at talunsangan na umugat

at maging repleksyon sa buhay ng isang tao at ang pag-ugnay ng mga ito sa mga

isyung panlipunan na umiiral at ang pagpapahalaga sa kultura na nakaugat sa diwang

Pilipino.

Marka: 88
Mga Miyembro:

Acol, Ma.Krisabelle

Balayo, Bhlezy

Bartolo, Neriza

Campoto, Nicole

Celestino, Wayne

Francisco, Janine

Galon, Harvey

Labrica, Jullien

Marcelino, Chia

Porciuncula, John

Rivera, Ella
Isang Semyotikong Pagsusuri sa Pag-unawa ng Produksiyong Ikid Daniw: Lago

ng PLV Dance Company noong 2016 – 2017

Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay tumutuon sa di-berbal o di-pasalitang komunikasyon na

patuloy na ginagamit sa panahon ngayon.Ang uri ng komunikasyon ay ginagamitan ng

pagkumpas ng ating mga kamay upang maghatid ng mensahe. Sa kabilang

banda,madalas hindi ito nagiging malinaw para sa tagatanggap ng mensahe lalo na't

kung hindi ito ang kinasayan Bilang tugon sa suliraning ito, ang pag-aaral ay isinagawa

upang talakayin ang isang tulang itinanghal ng PLV Dance Company sa paraang

pasayaw taong 2016 at 2017. Layunin nitong bigyang pagpapakahulugan ang itinampok

na palabas at maunawaan ang bawat kilos at galaw na ginamit sa pagtatanghal. Ang

mga mananaliksik ay gumamit ng descriptive-analytic o palarawang pagsusuri bilang

disensyo ng pananaliksik upang mas maintindihan ang mga kilos at galaw na ginamit sa

nasabing pagtatanghal.Samantala, gumamit naman ng purposive sampling technique

ang mga manananaliksik dahil ang mga tao na nasa likod lamang ng pagtatanghal ang

may kakayahang magbigay ng impormasyon tungkol sa isinasagawang pag-aaral.

Napagtagumpayang suriin ang bawat galaw na isinagawa sa pagtatangahal sa

pamamagitan ng isang video na kinuhaan noong araw ng pagtatanghal na binigyan

interpretasyon naman gamit ang Teoryang Semiotics ni Pierce bilang batayan. Ang

nakalap na resulta ng mga mananaliksik hinggil sa pag-unawa sa produksyong

isinagawa ay una, kahit may pagbabago sa kilos o galaw sa kanilang muling pagsayaw,

hindi nito nababago ang konseptong gustong ipabatid ng PLV Dance Company.

Pangalawa, ginamit ng mga bumuo ng produksyon ang musika, kasuotan, at kagamitan


ng mga mananayaw upang mapalutang ang mensaheng nais nilang ipabatid sa mga

manonood. Pangatlo, ayon sa direktor at koryograper ng produksyon, mas detalyado

ang pagtatanghal noong 2017 kaysa noong 2016. Pang-apat at panghuli, ang mga kilos

na ginagawa ng tao, hayop at/o kapaligiran ang ginawang batayan sa pagtanghal

upang ito ay maunawaan ng mga manonood dahil sa kanilang pagiging pamilyar dito. Commented [E19]: Ano ang resulata ng pag-aaral? Ano ang
rekomendasyon?

Marka: 87

Mga meymbro:

Belarmino, Cynthia
Bonifacio, A-John

Gerangco, Aki Dazzle

Gonzales, Amelia

Herrera, Diana Rose

Littaua, Xanthee

Malimban, Janet Christine

Obaldo, Abraham Manuel

Pascual, Jennifer

Ramirez, Romjay

Pagdalumat mula sa Kabatirang Kumbensyonal Patungong Hermenyutikal sa mga

Piling Tulansangan ng Pilipino


Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pagdalumat mula sa kabatirang

kumbensyonal patungong hermenyutikal sa mga piling tulansangan ng mga Pilipino.

Layunin nito na mabigyan ng panibagong diskurso ang mga tulansangan, malaman

kung ano-ano ang mga kabatirang kumbensyonal at kabatirang hermenyutikal sa mga

piling tulansangan.At alamin kung ano-ano ang mga realidad at usaping panlipunan ang

maiuugnay sa mga kabatirang hermenyutikal mula sa mga tulansangan. Ang Commented [E20]: Iwasan an gag-uuulit-ulit ng mga pahayag.

pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamaraang deskriptib-analitik upang alamin ang

kabatirang kumbensyunal ng mga tulansangang Nanay-Tatay, Langit-Lupa, Bilog-bilog-

bilugan, Jak en Poy, at Tago-Taguan. Ito ay nakatuon sa resulta ng isang pananaliksik

na matitiyak ang mga mahahalagang penomena na hindi pa nakikilala mula sa mga

nakaraang pag-aaral. Ang mga lugar na napili ng mga mananaliksik partikular na ang

Brgy. Arkong Bato, Brgy. Malinta, at Brgy. Tagalag ay pinili batay sa convenience

sampling. Nagsagawa ng paunang panayam ang mga mananaliksik sa labinlimang (15) Commented [E21]: Alisin na.

mga bata edad 6-12 taong gulang. Tig-limang (5) respondente sa bawat barangay na

nakuha sa pamamagitan ng konsepto ng random sampling. Lumabas sa pag-aaral na Commented [E22]: Alisin na

ang kabatirang kumbensyunal ng mga bata na likas sa pagiging animistiko sa

pagbibigay interpretasyon ay nakabatay lamang sa antas ng kanilang pag-unawa.

Naipakita rin dito na ang gampanin at kakayanan ng panitikan na umugat, magpamulat

at maging repleksyon ng buhay ng isang tao na siyang sumasalamin sa etimolohiya,

historikal, kultural at simbolohikal na pagpapahalaga sa ating kultura na nakaugat sa

diwang Pilipino. Napatunayan din na ang mga tulansangan ay kinapapalooban at


maiugnay sa mga isyung panlipunang umiral, umiiral o maaaring umiral sa ating

lipunan. Commented [E23]: Ano ang rekomendasyon?

MArka: 90
Mga Miyembro:

Ambrosio, Marc

Cabral , Emily

Estorque, Jay-r

Hernandez, Angela

Jamin, Jiazzmin

Lajada, Chery

Orogo, Hannah

Sanguenza, Diane

Tenedero, Abigaile

Velilla, Christine

You might also like