You are on page 1of 31

TUKLAS WIKA

2022
“Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha”
PANANALIKSIK
Pananaw ng mga Piling Mag-aaral ng Enriqueta Montilla De Esteban Memorial High School
tungkol sa mga Katutubong Wika at Wikang Pambansa
MGA KASAPI NG PANGKAT
Batislaong, Erianne Claire C.
Destriza, Alexa Dea N.
Estember, Rodrigo
Gan, Ivory Faye C.
Salaver, Mary Sharmaine O.
Salaver, Ma. Nereselyn
MGA NILALAMAN NG
PRESENTASYON
01 Suliranin at Kaligiran 03 Pagsusuri at
Interpretasyon ng Datos

02 Metodo 04
Paglalahad ng
ng
Resulta ng
Pananaliksik
Pananaliksik
Suliranin at
Kaligiran
Rasyunal
Kinikilala bilang isang arkipelagong bansa na matatagpuan sa timog-silangang

bahagi ng Asya, ang Pilipinas ay isang bansang pasasa sa wika. Ang wika ay sistema

ng pakikipagtalastasan at lipon ng mga tunog, simbolo, at mga kaugnay na bantas na

ginagamit upang maipahayag ang nais. Ang ating wika ay may barayti o sari-saring

klase dulot ng mga pagkakaiba-iba sa uri ng lipunang ginagalawan, heograpiya, antas

ng edukasyon, at mga pangkat etnikong kinabibilangan.


Sinasabing buhay o dinamiko ang wika. Ito ay nangangahulugan na ang wika

ay patuloy na nagbabago. Dahil dito, isinagawa ang pananaliksik na ito upang

malaman ang pananaw ng mga piling mag-aaral ng Enriqueta Montilla De Esteban

Memorial High School tungkol sa mga katutubong wika at wikang pambansa. Ang

pananaliksik na ito ay naglalayong tukuyin kung alin sa mga salik (pagbabago sa

lipunan, pag-usbong ng teknolohiya, pagdaan ng panahon) ang labis na nakakaapekto

sa pagbabago ng mga katutubong wika at wikang Filipino.


Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong lutasin ang sumusunod na mga espisipikong

katanungan:

1. Alin sa mga salik (pagbabago sa lipunan, pag-usbong ng teknolohiya, pagdaan ng

panahon) ang labis nakakaapekto sa pagbabago ng mga katutubong wika at wikang

Filipino?

2. Alin sa mga aspeto (pag-unlad ng ekonomiya, pagpapahayag ng damdamin at

emosyon, pagkakaunawaan) labis nakatulong ang mga katutubong wika at wikang

Filipino?
3. Ano ang pinakapangunahing dahilan (sumasalamin ang mga katutubong wika at wikang

Filipino sa ating identidad at kultura, para hindi tuluyang mawala ang mga katutubong wika

at wikang Filipino, dahil ang mga katutubong wika at wikang Filipino ay yaman ng

katutubong karunungan) kung bakit kailangang pagkaingatan ang mga katutubong wika at

wikang Filipino?
Layuni
n
Sa pangkalahatan, ang layunin ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsuri ng pananaw ng mga

piling mag-aaral ng Enriqueta Montilla De Esteban Memorial High School tungkol sa mga katutubong wika

at wikang Filipino. Ang pananaliksik na ito ay may adhikaing maisagawa ang mga susunod pang mga tiyak

na layunin:
1. Tukuyin kung alin sa mga salik ang labis na nakakaapekto sa pagbabago ng mga katutubong wika

at wikang Filipino.

2. Alamin kung alin sa mga aspeto labis na nakatulong ang mga katutubong wika at wikang Filipino.

3. Suriin kung ano ang pinakapangunahing dahilan kung bakit kailangang pagkaingatan ang mga

katutubong wika at wikang Filipino.


Kahalagahan ng
Talakay
Upang lubos na maintindihan ang pag-aaral na ito, binigyang kahulugan ang mga sumusunod na

mahahalagang salita:

● Lipunan – malaking pangkat ng mga tao na may iba’t ibang pag-uugali, ideya, saloobin na

namumuhay sa isang tiyak na teritoryo

● Teknolohiya – agham o pag-aaral sa praktikal o pang-industriyang sining

● Wika – bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na

bantas upang magpahayag ng kaisipan


Batayang
Konseptwal
Saklaw at
Limitasyon
Nililimitahan ng pananaliksik ang saklaw nito sa pagsusuri ng pananaw ng mga piling mag-aaral,

partikular na ang ikawalong baitang ng Special Science Class ng Enriqueta Montilla De Esteban

Memorial High School, tungkol sa mga katutubong wika at wikang Filipino. Hindi saklaw ng pag-aaral

na ito ang pagtukoy sa kung anong paraan nakakaapekto ang mga salik sa pagbabago ng mga

katutubong wika at wikang Filipino, kung sa anong paraan nakatulong ang mga katutubong wika at

wikang Filipino, at kung sa anong mga pamamaraan maiingatan ang mga katutubong wika at wikang

Filipino.
Metodo ng Pananaliksik
Disenyo ng
Pananaliksik
Ang pananaliksik na pinamagatang “Pananaw ng mga Piling Mag-aaral ng Enriqueta Montilla De Esteban

Memorial High School tungkol sa mga Katutubong Wika at Wikang Pambansa” ay gumagamit ng pamamaraang

kuwalitatibo. Pinili ng mga mananaliksik ang Descriptive Survey Research Design upang matukoy kung alin sa mga

salik ang nakakaapekto sa pagbabago ng mga katutubong wika at wikang Filipino, malaman kung alin sa mga aspeto

nakatulong ang mga katutubong wika at wikang Filipino, at masuri kung ano ang pinakapangunahing dahilan kung bakit

kailangang pagkaingatan ang mga katutubong wika at wikang Filipino. Ang pag-aaral ay nagsimula sa unang araw ng

Agosto taong dalawang libo’t dalawampu’t dalawa (2022).


Respondente
Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay ang tatlumpu’t dalawang (32) mag-aaral mula

ikawalong baitang ng Special Science Class ng Enriqueta Montilla De Esteban Memorial High

School sa taong akademiko 2022-2023. Gumamit ang mga mananaliksik ng convenient sampling

technique sa pagkuha ng respondente. Ipinamahagi ng mga mananaliksik ang inihandang kwestyoner-

sarbey sa nabanggit na bilang ng mga mag-aaral.


Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa paglikom ng kakailanganing datos sa pag-aaral ay kwestyoner-sarbey.

Ang kwestyoner-sarbey na ito ay naglalaman ng mga katanungan na tumutugon sa pag-aaral at ito ay sinagutan ng mga respondente.

Ang kwestyoner-sarbey na ipinamahagi sa mga respondente ay isang 3-point Likert-type Scale kung saan may tatlong antas ng

pagsang-ayon (3 para sa labis na sumasang-ayon, 2 para sa sumasang-ayon, 1 para sa walang kinikilingan). Nahahati rin ang

kwestyoner-sarbey sa tatlong bahagi: aytem 1-3 ay tungkol sa salik na nakakaapekto sa pagbabago ng mga katutubong wika at

wikang Filipino, aytem 4-6 ay tungkol sa aspeto kung saan nakatulong ang mga katutubong wika at wikang Filipino, aytem 7-9 ay

tungkol sa dahilan kung bakit kailangang pagkaingatan ang mga katutubong wika at wikang Filipino.
Tritment ng mga
Datos
Ang mga datos na nakalap ay binilang, isinalin at inalisa gamit ang Microsoft Excel. Kinuha ng mga

mananaliksik ang bahagdan ng mag-aaral na sumagot ng labis na sumang-ayon, sumasang-ayon, at walang

kinikilingan sa bawat aytem na nasa kwestyoner. Pagkatapos ay minultiplika ang bahagdan sa antas ng

pagsang-ayon (3 para sa labis na sumasang-ayon, 2 para sa sumasang-ayon, 1 para sa walang kinikilingan)

at idinagdag ang resulta para makuha ang mean ng bawat aytem sa kwestyoner.
Pagsusuri at
Interpretasyon ng Datos
Pagsusuri
Interpretasyon
Ipinapakita sa Talaan 1 ang raw data na nakalap mula sa sarbey at sa Talaan 2 naman ay ang datos

pagkatapos ng isinagawang pag-aanalisa. Ang Talaan 1 ay naglalaman ng mga bilang ng mag-aaral na

sumagot ng labis na sumasang-ayon, sumasang-ayon at walang kinikilingan sa bawat aytem ng ginawang

kwestyoner. Makikita naman sa Talaan 2 na ang nakakuha ng pinakamataas na mean sa unang bahagi

(Salik na nakakaapekto sa pagbabago ng mga katutubong wika at wikang Filipino) ay ang ‘pagbabago sa

lipunan’. Ito ay sinundan ng ‘teknolohiya’ at panghuli naman ang ‘pagdaan ng panahon’.


Batay sa ginawang pag-aaral, masasabi na ang ‘pagbabago sa lipunan’ ang salik na labis na

nakakaapekto sa pagbabago ng mga katutubong wika at wikang Filipino. Nakakuha naman ng

pinakamataas na mean sa pangalawang bahagi (Aspeto kung saan nakatulong ang mga katutubong wika at

wikang Filipino) ang ‘pagkakaunawaan ng bawat isa’ at ito ay parehong sinundan ng ‘pag-unlad ng

ekonomiya’ at ‘pagpapahayag ng damdamin at emosyon’. Masasabi na ang ‘pagkakaunawaan ng bawat

isa’ ay ang aspeto kung saan higit na nakatulong ang mga katutubong wika at wikang Filipino.
Sa panghuling bahagi (Dahilan kung bakit kailangang pagkaingatan ang mga katutubong wika at wikang

Filipino) ay nakakuha ng pinakamataas na mean ang ‘para hindi ito tuluyang mawala’. Ito ay sinundan ng ‘dahil

ito ay sumasalamin sa ating identidad at kultura’ at nakakuha naman ng pinakamababang mean ang ‘dahil ito ang

yaman ng katutubong karunungan’. Bilang konklusyon, ang pangunahing dahilan kung bakit kailangang

pagkaingatan ang mga katutubong wika at wikang Filipino ay ‘para hindi ito tuluyang mawala’. Ang mga

nasabing konklusyon ay batay sa ginawang pag-aaral kung saan kinuha ang pananaw ng mga piling mag-aaral ng

Enriqueta Montilla De Esteban Memorial High School.


Paliwanag/
Pagsusuri

Batay sa ginawang pag-aaral, lumabas na ang salik na labis na nakaapekto sa pagbabago ng wika

ay ang ‘pagbabago sa lipunan’, ang aspeto kung saan higit na nakatulong ang mga katutubong wika at

wikang Filipino ay sa aspetong ‘pagkakaunawaan ng bawat isa’, at ang pangunahing dahilan kung bakit

kailangang pagkaingatan ang mga katutubong wika at wikang Filipino ay dahilang ‘para hindi ito

tuluyang mawala’.
Paglalahad ng
Resulta ng
Pananaliksik
Paliwanag/
Pagsusuri
Tatlumpu’t dalawang (32) respondente ang tumugon sa ginawang sarbey. Ang resulta ay ang mga

sumusunod:

1. Karamihan sa mga respondente ay naniniwala na ang ‘pagbabago sa lipunan’ ay ang labis na nakaapekto

sa pagbabago ng mga katutubong wika at wikang Filipino. Ito ay nakakuha ng 2.21875 na mean.

2. Lamang ang bilang ng mga mag-aaral na naniniwala na ang ‘pagkakaunawaan ng bawat isa’ ay ang aspeto

kung saan higit na nakatulong ang mga katutubong wika at wikang Filipino. Ito ay nakakuha ng 2.5625 na

mean.
3. Naniniwala ang karamihan sa mga respondente na ang pinakapangunahing dahilan kung

bakit kailangang pagkaingatan ang mga katutubong wika at wikang Filipino ay ‘para hindi

ito tuluyang mawala’. Nakakuha ito ng 2.65625 na mean.


Ayon sa resulta ng pag-aaral, makikita na:

1. Ang salik na labis nakaapekto sa pagbabago ng mga katutubong wika at wikang Filipino ay ang ‘pagbabago sa lipunan’.

2. Ang aspeto kung saan higit na nakatulong ang mga katutubong wika at wikang Filipino ay sa aspetong ‘pagkakaunawaan ng

bawat isa’.

3. Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit kailangang pagkaingatan ang mga katutubong wika at wikang Filipino ay ‘para

hindi ito tuluyang mawala’.

Ang resulta ng isinagawang pananaliksik ay tumugon sa mga tanong na nais bigyang kasagutan at naisakatuparan nito ang mga layunin

ng mga mananaliksik.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like