You are on page 1of 2

Intramural Meet 2019, Matagumpay na Idinaos

ni Joyce D. Morano

“Naging matagumpay ang pagdaraos ng katatapos lang na Intramural Meet 2019


ng Carayman National High School.” Ito ang pahayag ni Gng. Therese Lovelle D.
Gaborni, ang Sports Coordinator ng nasabing eskwelahan, sa kabila umano ng maulang
panahon habang isinasagawa ang palakasan.
Ang nasabing aktibidad ay ginanap noong ika-12 hanggang ika-13 ng buwan ng
Hulyo ng taong kasalukuyan.
Naging hudyat ng pagsisimula nito ang isinagawang parada ng magkakalaban na
kupunan, kasama ang kani-kanilang tagapamahala o Unit Managers. Sa parada pa lang,
kitang-kita ang excitement sa mukha at kilos ng mga mag-aaral, na habang naglalakad
ay isinisigaw ang kani-kanilang yell.
Nang matapos ang parada, agad na nagtipon-tipon ang lahat ng mga mag-aaral
at mga guro sa Carayman Covered Court upang pormal na simulan ang nasabing
taunang aktibidad sa pamamagitan ng isang maikling programa. Sinimulan ang programa
sa palakasan ng yell ng bawat kupunan, na hindi naman inatrasan ng mga taga Green
Hornets, Yellow Tigers, Red Dragons, at Blue Whales.
Samantala, binigyang-diin sa mensahe ng Sports Coordinator ng eskwelahan ang
kahalagahan ng intramurals sa buhay ng mga estudyante. Ayon sa kanya, mahalaga ito
upang matutunan ng mga bata kung paano makihalobilo, makiisa, makibagay at
makipagkapwa. Dagdag pa niya, layunin rin nito na mapaunlad ang pisikal at ispirituwal
na aspeto ng mga mag-aaral.
Nagsilbing highlight ng programa ang Cheerdance Competition na punong-puno
ng hiyawan at palakpakan mula sa mga manonood at sa mga taga suporta ng bawat
kupunan. Nanguna sa Cheerdance Competition ang Yellow Tigers na sinundan naman
ng Red Dragons, Green Hornets, at Blue Whales.
Sa pagtatapos ng programa, agad namang inanunsyo ang playing venues at
schedule ng iba’t-ibang sport events.
Sa kabuuan, itinanghal na kampiyon ang Red Dragons na sinundan naman ng
Yellow Tigers at Blue Whales sa pangalawa at pangatlong pwesto, habang nasa ika-apat
na pwesto naman ang Green Hornets.

You might also like