You are on page 1of 1

Name:Joseph Tumamao Jr

Course:BSCS I
BAHA
Ano sa palagay ninyo ang baha? Wala ba kayong napapansin sa kapaligiran? Hindi ba
kayo naapektuhan?

Ang baha ay labis na pag-apaw ng tubig o isang pag lawak ng tubig na natatakpan ang
lupa, at isa itong delubyo. Ang sanhi ng pag baha ay ulang rumaragasa o bumubugso. Nagaganap
ang pag baha kapag malakas ang ulan, kapag umapaw ang mga ilog, kapag malakas ang daloy ng
tubig sa dagat. May malaking epekto ng pagbaha sa kalikasan at sa mga tao. Marami ang
posibleng epekto at dulot ng baha saating komunidad o saating kalikasan. Ang pagbaha ay isa sa
mga pinakakaraniwang panganib saating mga tao, gayunpaman, hindi lahat ng pagbaha ay
parepareho. Ang ilang pag baha ay unti-unting lumalaki, habang ang ilan ay tulad ng mga flash
flood, ay nabubuo sa loob lang ng ilang minuto kahit wala pang nakikitang palatandaan ng ulan.
Dagdag pa rito, maaring local lamang ang pag baha, na nakakaapekto sa lipunan o komunidad, o
isang napakalaki, na naapektuhan ang mga buong basin ng ilog. Ang mga maari ring dulot ng
pag baha ay pagdagsang pagtambak ng napakaraming bagay sa isang lugar. Naging katumbas ng
pagkagunaw sa ibang diwa. Sa katulad ng “dumadaloy na tubig”, nilalapat ang salit sa daloy ng
pagakti, ibang tawag sa pagdaloy. Nagaganap din ang pag baha kapag nasira ang ga dam. Ito ang
pinakakaraniwang kaganapan ng natural na panahon. Ang pagbabaha ay maaaring ilang pulgada
ng tubig o maaaring lagpas lang sa bubong ng bahay. Ang mga bahay mabilis na nagaganap ay
tinatawag itong flash flood. Ang mga flash flood ay maaaring mangyari sa loob lang ng ilang
minute o oras ng pag-ulan, dahil sa biglaang pagpakawala ng tubig na napipigilan ng nagbarang
yelo. Ang mga flashflood ay kadalasang may mapanganib na buhos ng rumaragasang tubig na
may dalang mga bato, putik at iba pang debris. Ang pagbaha sa kalatagan na pinakakaraniwang
uri ng pagbaha ay kadalasang nagaganap kapag ang mga daluyan ng tubig ay sa batis. Umaapaw
ang mga ito dahil sa tubig ulan. Posible ring masira ang mga pilapil at ito ang nagdudulot ng
pagbaha sa mga nakapaligid na lugar. Maari ring mangyari ito kapag ang tubig ulan ay humigit
sa kapasidad ng mga tubo sa ilalim ng lupa, o kapasidad ng mga daluyan ng tubig sa lansangan.

Para saakin dapat tayong maging mapagmatiyag sa mga panganib ng pagbaha kahit saan
ka pa naninirahan o nag tratrabaho, lalo na kung nasa mababa kayong lugar, malapit sa tubig,
nasa likuran ng pilapil o nasa dadaluyan ng tubig mula sa dam. Maging maliit na batis, maliit na
ilog, mga tuyong streambed o mababang lupa na tila walang panganib ay maaaring mabaha.
Himukin ang iba na kumilos sa pamamagitan ng pagiging isang halimbawa ng mangakong
maghahanda at sabihan ang iba tungkol ditto.

You might also like