Professional Documents
Culture Documents
Cot - DLP - Epp 5 by Sir Christian Dan A. Vinluan
Cot - DLP - Epp 5 by Sir Christian Dan A. Vinluan
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
Schools Division of Tarlac Province
PANIQUI SOUTH DISTRICT
CARIÑO ELEMENTARY SCHOOL
I. LAYUNIN
1. Nalalaman ang kahalagahan ng mga ibat-ibang materyales na makikita sa kapaligiran na maari
pang magamit at pagkakitaan.
2. Nakasusunod sa wastong pamantayan sa paggawa sa silid-aralan.
Naiisa-isa ang mga materyales na ginamit sa ginawang proyekto.
3. Naipapkita ang kasiyahan sa pagbuo ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t ibang
materyales na makikita sa pamayanan (halimbawa: kahoy, metal, kawayan, atbp.) na
ginagamitan ng elektrisidad na maaaring pagkakitaan
Pagpapahalaga: Naisasapuso ang kahalagahan ng paggamit ng mga materyales na makikita sa
pamayanan at ang magandang dulot nito sa paghahanap-buhay.
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
Gawaing rutin
2. Balik-aral
Picture Reveal: Mga Kasangkapang ginagamit sa paggawa ng proyekto.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
4 pics 1 word. Mga materyales na nakikita sa kapaligiran.
2. Suliranin
Ano-ano ang mga materyales o kagamitan na nakikita niyo sa pamayanan?
3. Pag-aalis ng Balakid
Tabla at kahoy
Kawayan
Metal
4. Karanasan sa Pagkatuto
a. Talakayin ang proyektong ginagamitan ng elektrisidad tulad ng lampshade na yari sa
kawayan(barbeque sticks), kahoy at metal
b. .Paghahanda sa mga gagamiting kasangkapan sa paggawa ng proyekto
Para sa pailaw
1. Ihanda ang mga gagamiting materyales o kasangkapan.
2. Pumunta sa na itinalaga sa paggawa.
3. Ihanda ang kawad. Paghiwalayin ang magkatabing kawad ng magkabilang dulo at
balatan ang mga ito.
4. Luwagan ang turnilyo ng switch at ibukas. Iikot ang isang binalatang dulo ng kawad ng
kaliwang bahagi at ang isa sa kanang bahagi. Ipaikot sa turnilyo at ipitin ng mahigpit.
5. Luwagan ang turnilyo ng bukilyat at ibukas. Iikot ang isang binalatang dulo ng kawad ng
kaliwang bahagi at ang isa sa kanang bahagi. Ipaikot sa turnilyo at ipitin ng mahigpit.
Ilagay ang pansara
Para sa lampshade
6. Ihanda ang mga gagamiting materyales o kasangkapan.
7. Pumunta sa na itinalaga sa paggawa.
8. Gupitin ang barbeque sticks sa dalawang bahagi
9. Gamit ang karton, gumupit ng pattern para sa gagawing lampshade
10. Lagyan ng barbeque sticks ang bawat sulok ng pattern sa pamamagitan ng pagtusok
nito sa karton
11. Kapag nabuo na ang skeleton ng lampshade ay maaari na itong dikitan ng barbeque
sticks.
12. Para naman sa base ng lampshade gumupit ng 4 na pirasong karton na may habang 1
talampakan at 2 pulgada ang lapad. Pagdikit-dikitin ito upang makabuo ng stand para sa
lampara.
13. Kapag natapos na ang stand ay maari na itong dekorasyunan ng barbeque sticks.
14. Pagsamahin ang ginawang pailaw at lampara atito ay sindihan.
IV. PAGTATAYA:
V. Takdang- aralin:
1. Magsaliksik ng iba pang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan na maaaring gamitin
sa paggawa ng mga proyektong ginagamitan ng elektrisidad.
Sa patnubay ni:
Inihanda ni: