You are on page 1of 3

AKING MGA KAIBIGAN

Aking mga kaibigan na minamahal


Kayo ay lagi kong ipinagdarasal
Malayo sa anumang kapahamakan
Sa mundo na laganap ang kasamaan.

Kaya aking mahal na mga kaibigan


Nawa’y huwag ninyo akong iiwanan
Sa lahat ng problema ay magtulungan
At maging matatag pa ating samahan.

Saakin ay nagbibigay ng ligaya


Sa pagsubok kayo ay aking kasama
At karamay ko sa lahat nang problema
Kaya kayo saakin ay mahalaga.

Maski minsan na akong naging pabigat


Kailan man kayo ay hindi nanunumbat
Kaya ngayon ako ay nagpapasalamat
Sa pamamagitan ng tulang sinulat.

You might also like