You are on page 1of 2

TEORYANG PAMPANITIKAN

I. Ano ang teoryang pampanitikan?

Ito ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga


paraan sa pag-aaral ng panitikan. It ay may iba’t ibang teorya
upang mas lalong maunawaan ng mga mambabasa.

Ang katotohanan ay mababakas sa teoryang kaysa sa


kagandahan. Ang mga bagay sa lipunan na ipinapahayag ay
dapat makatotohanan.

II. Ano ang teoryang historikal?

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi


ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang
pagkahubog. Nais nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.

Kumikilala sa gampanin ng isang institusyon, may malaking


papel na ginagampanan ang institusyon sa pagbubukas ng daan
sa uri ng panitikang dapat sulatin ng may-akda. Ang wika at
panitikan ay ‘di dapat paghiwalayin.

Ang akdang sinusuri ay dapat epekto ng kasaysayan na


maipapaliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala sa
panahon kinasangkutan ng pag-aaral.

III. Ano ang mga halimbawa nito?

 Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal


 Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian Cruz
Balmaceda
 Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog ni Inigo Ed
Regalado

You might also like