You are on page 1of 2

Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng

iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina.


Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga
pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang
tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na


pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap
ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa
kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling
ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -
kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan

Uri ng nobela

1. Nobelang Romansa – ukol sa pag-iibigan


2. Kasaysayan – binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay – isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang
ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining – paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng
pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin – mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan – binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng
pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago – ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating
buhay o sistema

Elemento ng nobela

1. tagpuan – lugar at panahon ng mga pinangyarihan


2. tauhan – nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay – pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw – panauhang ginagamit ng may-akda
a. una – kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa – ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo – batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema – paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin – nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan – istilo ng manunulat
8. pananalita – diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayari

Layunin ng nobela

1. gumising sa diwa at damdamin


2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan

Katangian ng nobela

1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan


2. pumupuna ng lahat ng larangan ng buhay
3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. binubuo ng 20 000-40 000 na salitaTemplate:Fact
6. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
7. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
8. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari

You might also like