You are on page 1of 25

SCRAPBOOK in FILIPINO

Doon at Muling Magbalik: Isang Paglalakbay

INTRODUCTION
“Ang isang larawan ay nagkakahalaga ng isang libong salita”.
Tunay ngang hindi mawawala ang pagkuha ng litrato sa tuwing mayroong
espesyal na okasyon o kaganapan. Kaya naman ay sinigurado naming nakakuha kami
ng mga litrato upang mayroon kaming matignan sa tuwing nais namin balik-balikan ang
mga panahong ito.
Nilalaman ng scrapbook na ito ang mga litratong kinuha namin sa mga pinuntahan
namin maaaring sa mga nagdaang linggo o sa mga lumipas na bakasyon ngayong taon.
Sumulat din ang bawat isa sa amin ng sanaysay na nagbabalik-tanaw sa mga panahong
kami ay nanatili sa mga lugar na aming pinuntahan. Mayroon din kaming sinulat na mga
replektibong sanaysay ukol sa bawat aktibidad na pinagawa sa amin ng aming guro.
Hindi lamang ang pagbabakasyon sa iba’t ibang tanawin ang habol namin ngunit
pati na rin ang paggawa ng mga memoryang aming baon habang buhay at siguraduhing
kami ay magsaya at makaranas ng pahinga mula sa mga kahirapang patuloy binabato
sa amin ng realidad ng ating mundo.
PERSONAL INFOS OF EACH MEMBER
Arejola, Beatrice Jillana DC.
"Ipulot ang tama, itapon ang mali."
Ang aking paboritong pagkain ay... Sinigang na baboy
Ang aking paboritong artista ay si... Park Shin-hye
Ang aking paboritong pelikula ay… Silence of the Lambs
Ang aking paboritong musika ay… Good Old Fashioned Lover Boy - Queen,
Ang aking paboritong lugar ay… London, United Kingdom
Ang aking paboritong kulay ay… Rosas
Ang aking paboritong pangyayari ay… naging soloista ako sa isang ballet recital.
Ang aking pangarap sa buhay ay… maging psychiatrist at makatulong sa mga tao
nahihirapan at may kapansanan,
Sampung taon mula ngayon… may sarili akong negosyo kasama ang mga kaibigan
ko at ninang ako ng mga anak nila.
Ang inaasahan kong grado sa Filipino ay... 90

Bejo, Hans Maven C.


“Kung akala mo’y tapos na, aba’y marami pa.”
Ang aking paboritong pagkain ay... manok ng KFC
Ang aking paboritong artista ay si... Johnny Depp
Ang aking paboritong pelikula ay… The Dark Knight
Ang aking paboritong musika ay… mga kantang 80’s
Ang aking paboritong lugar ay… kung nasaan ang barkada.
Ang aking paboritong kulay ay… Bughaw
Ang aking paboritong pangyayari ay… ang pagsali ko sa koro.
Sampung taon mula ngayon… ako ay isang propesor at negosyante.
Ang inaasahan kong grado sa Filipino ay... 92

Castro, Daniella Marie "Missy" S.


"Huwag tumigil sumubok hanggang sa makamit ang tagumpay."
Ang aking paboritong pagkain ay... Fried Chicken
Ang aking paboritong artista ay si... Chris Hemsworth
Ang aking paboritong pelikula ay… Avengers: Infinity War
Ang aking paboritong musika ay… Boy With Luv - BTS
Ang aking paboritong lugar ay… Bahay
Ang aking paboritong kulay ay… Bughaw
Ang aking paboritong pangyayari ay… tuwing magkasama kami ng aking pamilya.
Ang aking pangarap sa buhay ay… maging isang awtor at editor ng mga nobela at
libro.
Sampung taon mula ngayon… nagtatrabaho na ako bilang copywriter sa isang
publishing house.
Ang inaasahan kong grado sa Filipino ay... 89

Dacanay, Kim Czaccei


“Mahirap gisingin ang nagtutulog-tulugan.”
Ang aking paboritong pagkain ay... Bingsu
Ang aking paboritong artista ay si... Lena Headey (Cersei Lannister on Game of
Thrones)
Ang aking paboritong pelikula ay… Serye ng Harry Potter
Ang aking paboritong musika ay… Autopilot – Reese Lansangan
Ang aking paboritong lugar ay… Bahay
Ang aking paboritong kulay ay… Lila
Ang aking paboritong pangyayari ay… ako’y lubos na nasisiyahan kapag nasa
kwarto lamang ako’t nagbabasa ng mga nobela.
Ang aking pangarap sa buhay ay… maging presidente ng Pilipinas.
Sampung taon mula ngayon… ako ay isang abogado na patuloy ipinaglalaban ang
katuwiran bilang serbisyo sa mga mamamayang Pilipino.
Ang inaasahan kong grado sa Filipino ay... isang maayos na grado dahil alam kong
ginawa ko ang aking mga dapat gawin.

Lee, Tiffany Mckenzie T.


“Maaari kang gumawa ng kahit ano, basta hindi ito nakakasakit.”
Ang aking paboritong pagkain ay... french fries
Ang aking paboritong artista ay si... wala
Ang aking paboritong pelikula ay… Ang Larawan
Ang aking paboritong musika ay… OPM
Ang aking paboritong lugar ay… bahay
Ang aking paboritong kulay ay… teal
Ang aking paboritong pangyayari ay… Chinese New Year
Ang aking pangarap sa buhay ay… magsulat at mag-publish ng isang nobela.
Sampung taon mula ngayon… mas masaya ako kaysa ngayon.
Ang inaasahan kong grado sa Filipino ay... 90

Manlapas, Leira Joy S.


“Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat
pagkakamali.”
Ang aking paboritong pagkain ay... Kare - kare
Ang aking paboritong artista ay si... Nadine Lustre
Ang aking paboritong pelikula ay… Goyo: Ang Batang Heneral
Ang aking paboritong musika ay… Torete – Moonstar88
Ang aking paboritong lugar ay… Riyadh, Saudi Arabia
Ang aking paboritong kulay ay… Lila
Ang aking paboritong pangyayari ay… tuwing ako ay mag – isa at ako ay
makapagmuni – muni.
Ang aking pangarap sa buhay ay… maging isang abogado at maipagtanggol ang
mga karapatan ng aking mga kapwang Pilipino.
Sampung taon mula ngayon… ako ay nakapagtapos na ng aking kursong Master of
Laws at nagsisimula na akong mag-aral upang makapasa sa bar exam at maging
ganap na abogado.
Ang inaasahan kong grado sa Filipino ay... kung ano man ang aking matatanggap
na grado, sapagkat ito ay sapat na para sa akin at alam kong ito ay bunga ng aking
pagsisikap ngayong semestre.

Ravina, Rosslin Ysabelle P.


“Daig ng maagap ang masipag.”
Ang aking paboritong pagkain ay... Kalderetang Baboy
Ang aking paboritong artista ay si... Enchong Dee
Ang aking paboritong musika ay… Chase – Reese Lansangan
Ang aking paboritong lugar ay… Bahay
Ang aking paboritong kulay ay… Rosas
Ang aking paboritong pangyayari ay… nang makuha namin ang pinaka-una naming
aso.
Ang aking pangarap sa buhay ay… maging abogado.
Sampung taon mula ngayon… ako ay nag-aaral para makapasa sa bar exam.
Ang inaasahan kong grado sa Filipino ay... 95

Palaganas, Dyna Andrea V.


“Nabubuhay tayo hindi para bumitaw at bumigay, kundi para lumaban at matuto.”
Ang aking paboritong pagkain ay... manok.
Ang aking paboritong artista ay si… Lin-Manuel Miranda
Ang aking paboritong pelikula ay… Mamma Mia! at Crazy Rich Asians
Ang aking paboritong musika ay… I Melt With You - Modern English
Ang aking paboritong lugar ay… Patar Beach sa Bolinao, Pangasinan at Batanes
Ang aking paboritong kulay ay… Rosas at Bughaw
Ang aking paboritong pangyayari ay… ang mga beses na punong-puno ang
kalangitan sa gabi ng mga kumikinang na bituin.
Ang aking pangarap sa buhay ay… pagsilbihan ang Diyos sa lahat ng bagay at
maging isang mabuting anak Niya.
Sampung taon mula ngayon… ay inaasahan kong doctor na ako ng Psychology at
nagpapangaral ng mga kapwa kong tao tungkol sa mental health.
Ang inaasahan kong grado sa Filipino ay… ang nararapat at sumasalamin sa lahat
ng ginawa ko para sa asignaturang ito nitong semestre.

Prieto, Mikaela P.
“Go big or go home.”
Ang aking paboritong pagkain ay... Tinola
Ang aking paboritong artista ay si... Johnny Depp
Ang aking paboritong pelikula ay… Flipped
Ang aking paboritong musika ay… Stolen - Dashboard Confessional
Ang aking paboritong lugar ay… Palompon, Leyte
Ang aking paboritong kulay ay… Bughaw
Ang aking paboritong pangyayari ay… Pasko
Ang aking pangarap sa buhay ay… maging isang ganap na abogado
Sampung taon mula ngayon… ako ay magtatapos sa law school at magsisimulang
mag-aral para sa bar exam. Ako ay masaya at kontento sa aking buhay ngunit patuloy
ko pa ring hinahanap ang kahulugan ng aking buhay - kung ano nga ba ang halaga ko
dito.
Ang inaasahan kong grado sa Filipino ay... 90
PICTORIAL ESSAYS / TRAVELOGUES

Arejola, Beatrice Jillana DC.


Taal, Batangas - Pebrero 28-29, 2019

Lumakbay kami nina Joellene, James, Hanna, Daniella, Hans, Gilian at Ally, ang
aking mga kagrupo sa CPAR, ng hapon noong Pebrero 28, 2019 papuntang Taal,
Batangas. Tumungo kami roon upang mag - shoot ng aming commercial para sa PeTa
namin sa nabanggit na asignatura. Limang oras nagtagal ang aming byahe, sapagkat
dumaan muna kami sa Cavite at Tagaytay para lamang makarating ng Taal. Nanatili kami
sa bahay ng lolo at lola ni Daniella, sapagkat doon din magaganap ang aming pag - shoot.
Nang makarating kami sa bahay ay alas diez na ng gabi. Hindi pa namin maibaba ang
aming mga gamit dahil kinailangan pang buksan at linisin ang bahay kasi ilang taon na
raw ang nakalipas mula nang umalis ang lolo ni Dani papuntang Amerika para
magpagamot sa kanyang sakit.

Nag-aya si James na pumunta sa sentro ng Taal upang mag - photo - off sa


signage roon pagkatapos ng paglinis namin. Noong makauwi kami sa bahay ay naghanda
na kami para makatulog na. Gumising kami ng 7 ng umaga para pumunta sa Taal Basilica
at magsimba kasama ang pamilya ni Dani. Namangha ako sa estruktura ng simbahan.
Napakaganda nung misa at lalong napagaan ang aking loob pagkatapos ng misa.
Tumambay muna kami sa labas ng simbahan pagkatapos ng misa. Maraming
nagbebenta ng mga pasalubong para sa mga turista roon, mga pagkain at pati na rin mga
hayop tulad ng mga kuneho at sisiw. Pagkatapos ng pagmamasyal namin ay nagsimula
na kami mag - shoot.

Si Ally ang gumanap bilang bida namin sa commercial. Ang kanyang asawa ay si
Hans at si Hanna naman ang kanilang anak. Tungkol sa bahay ang aming commercial at
ang mga alaala na pinaghahawakan nito sa mga may-ari. Ibebenta na nina Ally ang bahay
dahil matanda na siya at naalala niya lamang ang kanyang asawa rito. Kaya sa huli ay
umalis na sina Ally at Hanna ng bahay pagkatapos maalala ang mga nangyari roon.

5 na ng hapon kami natapos magshoot ng commercial at nagsimula na kami


magimpake para makabalik na ng Manila. Sumakay kami ng kotse, nagdasal at
sinumulan muli ang mahabang byahe pauwi sa aming mga bahay.

Bejo, Hans Maven C.


Pampanga - Abril 15, 2019
Ika- 15 ng Abril, maagang bumangon ang aming mag-anak. Bilang paggunita sa
mga Mahal na Araw, nagpasya ang aking mga magulang na bumisita at magnilay sa mga
simbahan. Kami ay nakatira sa Bulacan kaya’t ang aming unang destinasyon ay ang
Simbahan ng Barasoain sa Malolos. Pagkarating namin ay may misa pang ginaganap
kaya minabuti naming lumagi muna sa labas at patapusin ito bago kami pumasok.
Akong humihikab pa ay pumirmi lamang isang tabi at saktong may mangtataho.
Bumili ako at nagsigaya rin ang aking mga kapatid. Nakaupo lang ako, makulimlim at
medyo malamig ang umagang iyon. Maya-maya lamang ay pumapatak na ang ambon sa
aking mga braso, kaya lalo tuloy ako tinamad at nagnais na umuwi na lamang.
Nakakatamad pero wala naman akong magagawa. Tuloy ang byahe. Tumuloy kami sa
karatig na lalawigan, Pampanga. Pagtawid namin palabas ng Bulacan ay nakadama na
ako ng kaunting gana marahil hindi pa ako masyadong nagagawi sa lugar na
pinatunguhan namin.
Imbes na mainip ako at naising umuwi, sinubukan kong maaliw sa mga simbahang
pinuntahan namin. Kinuhanan ko ng mga litrato ang yari ng mga lumang gusali.
Namangha ako sa husay ng pagkagawa nito sapagkat ilang siglo na silang nakatayo
ngunit parang mas kaaya-aya pa sila sa mga modernong kapilya natin. Bukod sa
panahon, sinubok na rin ng sakuna ang mga simbahang ito. Marami sa kanila’y binaon
ng lahar noong pumutok ang Mt. Pinatubo. Isa sa mga nalubog ay ang Parokya ni San
Guillermo sa Bacolor. Bandang bubungan na lang ang litaw mula sa orihinal na istruktura
nito. Dito kinuhanan ang mga eksena sa dating palabas na “May Bukas Pa”. Mayroon
itong maliit na museo sa loob na tinatampok ang mga imahe tungkol sa kasaysayan ng
mga taga roon. Kawili-wili ang mga nakita ko, ang buong simbahan ay napangalagaan
ng maayos na ang mga orihinal na haligi at pader ay yaon pa ring dati. Sa may bandang
kampanaryo naman ay tumambad sa amin ang napakaraming paniki, agad naming
kinuhanan ng litrato ang mga ito. Kamangha-mangha at gayon nga’y tutungo na kami sa
susunod. Nang pasakay na sa kotse, napansin kong may biyak ang pader ng simbahan.
Lumapit ako at kumuha ko ng kaputol na luad mula doon bilang subenir.
Marami pa kaming pinuntahang di ko na matandaan, pero gaano lang ba karami
ang naaalala ng isang tao sa mga karanasan niya? Sa huli, masayang natapos ang aming
Bisita Iglesia na sa una’y ayaw ko pa sumama. Natutuwa ako at nag-iba ang aking pasya
dahil di matutumbasan ang naging karanasan ko noong ika-15 ng Abril.

Castro, Daniella Marie “Missy” S.


Malasiqui, Pangasinan - Abril 19 - 20, 2019
Para sa aming Holy Week, bumisita kami sa aking Lola na nakatira sa Malasiqui
sa Pangasinan. Ang huli naming punta doon ay noong kakapanganak pa lamang sa akin
ng nanay ko at mga labing walong taon na ang nakalipas nang huli naming pagkikita. Sa
halos anim na oras kaming nasa highway, nagkaroon din kami ng bonding time kasama
ang aking pamilya. At kasama na rin doon ang pagkuha namin ng selfie sa loob ng
sasakyan. Noong nakarating na kami sa Malasiqui, dumeretso kami sa St. Ildephonso
Parish Church para magawa namin ang pag-iistasyon ng krus. Pagkatapos, dumiretso
na agad kami sa bahay ng aking lola na kapatid ng tatay ng tatay ko.
Sa bahay ng aking lola, lahat sila ay naging sobrang maalagain sa amin dahil hindi
nila kami pinapayagang tumulong sa kahit anong gawaing bahay pero kahit ganoon,
pinipilit pa rin naming tumulong kahit papaano. Naranasan ko doon ang araw-araw nilang
gawain at namulatan ako sa pagkakaiba ng paraan ng buhay sa probinsya at sa siyudad.
Ipinaghanda kami doon ng masasarap na pagkain na hindi namin madalas ulamin sa
Maynila, pati na rin ang mga pagkain na kinakahiligan namin pero mas sumasarap dahil
kinakain naming ang mga ito sa probinsya. Nakilala rin namin ang mga taong nakasama
ng tatay ko sa kanyang paglaki na dati niyang naging taga-pangalaga at sa iba pa niyang
kapatid. Nanibago ako sa kanilang pagsasalita dahil hindi sila sanay magsalita ng
Tagalog dahil mas gabay nila ang pagsalita ng Pangalatok. Namangha ako sa kanilang
mga pag-uusap dahil wala akong naintindihan at ang mga diin at punto ng kanilang
pagsalita ay iba sa araw-araw na nadidinig ko sa Maynila.
Marami akong natutunan at napagtanto habang nasa Pangasinan. Marami akong
hahanap-hanapin na bagay, lalo na ang malinis na hangin na malalanghap,
magagandang tanawin sa lugar, at ang mga malulusog na taniman at hayop na
mahahanap sa mga probinsya. Ang katahimikan ay nakaka-miss at ang mga kasama sa
bahay ay mas lalong nakaka-miss. Nakita ko ang mga kahirapan nilang ginagawa na
para sa kanila ay normal na lamang, tulad ng pag-igib ng tubig sa umaga, pagtulog sa
gabi nang walang air con. Pero kahit kami ay nakaranas ng mga bagay na hindi naming
nakasanayang gawin, gusto ko pa rin bumalik para makasama sila lola sa bahay. Pero
alam kong hindi na aabutin ng maraming taon para lang makabalik kami doon.

Dacanay, Kim Czaccei


Sorsogon, Bicol at Catbalogan, Samar - Abril 12 - Abril 20, 2019

Isang tradisyon na sa aming pamilya na tuwing Holy Week ay umuwi sa Bicol at


Samar gamit ang aming sasakyan. Napakahabang biyahe mula sa aming tahanan tungo
dito ngunit lahat ng pagod at pagkapagal ay napawi nang aming masaksihan ang
nakakabighaning ganda at katahimikan sa mga probinsyang ito.
Ang una naming pinuntahan ay ang Sorsogon sa Bicol. Itong byahe ay aabutin ng
labing-apat na oras mula Maynila. Maraming magandang mga ilog at batis ang
matatagpuan dito sa sobrang murang halaga. Naligo kami sa Masacrot Spring at Irosin
Cold Spring Resort kung saan P50.00 lamang ang entrance fee sa parehong lugar! Ang
tubig ay sobrang linaw at sinasabi ring nakakagaling daw ng iba’t ibang mga sakit. Noong
kinagabihan ay tumungo kami sa isa sa maraming “baluarte” sa bayang ito na
matatagpuan sa Barcelona, Sorsogon.
Pagkaraan ng dalawang araw ay tumawid kaming Visayas upang magtungo sa
Catbalogan, Samar. Ito’y anim na oras na byahe mula Bicol. Wala kaming masyadong
ginawa dito dahil talagang binisita lang namin ang aking lolo at lola. Ngunit sobrang
tahimik at maaliwalas din sa probinsyang ito. Kumain kami sa sikat na Sophie’s sa
Catbalogan na gumagawa ng masarap na halo - halo bago umuwi.

Lee, Tiffany Mckenzie T.


Banuan at Taal, Batangas - Abril 18 - 20, 2019

Sa Holy Week ng 2019, pumunta kami sa probinsya para magbakasyon at umalis


mula sa dumi at ingay ng Lungsod ng Maynila. Ang lugar? Isang resort sa Banuan,
Batangas, na matatagpuan sa isang bundok. Ang kasama ko ay ang pamilya ko – ang
aking nanay, tatay, at ang aking dalawang mas nakababatang mga kapatid. Sasama
sana ang tita ko, pero tinamad siya mag-ayos ng gamit at sumama sa amin papuntang
Batangas. Sa wakas, may maliit na surpresa ang naghihintay para sa amin pagkacheck-
out namin sa resort!
Noong dumating kami sa kwarto namin, masaya ako sapagkat malaki ang kwarto,
may balkonahe rin at may bathtub ang banyo! Ngunit, walang masyadong maaaring
pagkaabalahan sa loob ng resort. Ito ay may basketball court at swimming pool ngunit
wala nang iba.
Pagkatapos ng tatlong araw na stay namin sa resort, nag-check-out kami. Tapos,
sabi ng nanay ko, “Punta tayo sa Taal, para makita namin ang mga heritage houses at
ang simbahan doon.” Nagulat ako, ngunit hindi ako nasa tamang kalooban upang
maglibot ang Taal habang mainit pa. Pumunta kami sa Taal Basilica o Basilika ni San
Martin ng Tours. Ito ay itinayo noong 1572 at ang pinakamalaking simbahan ng Pilipinas
at Asya.
Sa pasukan, maraming tao ang lumilibot - may mga turista, may mga lokal na
residente, may mga taong nagbebenta ng suman, sampaloc, kandila, malamig na tubig
at iba pa. May tatlong rebulto sa harap ng simbahan. Isa ay santo, isa ay kampanilya ng
simbahan, at isa ay parang isang tao na sumasakay sa kanyang kabayo. Hindi ko alam
ang kontekso ng rebulto na iyan o sino ang tao, pero maganda ang rebulto.
Katulad ng lahat ng Katoliko na simbahan, maganda at malaki ito. Sobrang malaki
ang loob ng simbahan, at maganda ang altar at disenyo ng pader. Paglabas kami sa
simbahan, bumili kami ng suman at umuwi na kami.
Sa wakas, medyo masaya ako. Kahit hindi maganda ang pamamalagi namin sa
resort, nakita ako isang magandang simbahan at ang magandang bayan ng Taal. Kung
may pagkakataon ka bumisita ang simbahan, kunin mo dahil ito ay isang magandang
lugar na nagkakahalaga ng iyong oras. Gusto ko bumalik sa Bayan ng Taal, pero sa
isang, mas malamig na araw, syempre.

Manlapas, Leira Joy S.


Riyadh, Saudi Arabia - Enero 6 – Enero 8, 2019

Noong kasagsagan ng Christmas at New Year break, ako at ang kuya ko ay


lumipad pabalik sa Riyadh, Saudi Arabia, kung saan kami ipinanganak at lumaki. Nang
kami ay nakalapag na sa King Khalid International Airport, sadyang napagtanto ko na
nakakamangha pa rin ang tinatagong ganda ng arkitektura nito. Ang estruktura ng kisame
ito ay kakaiba at sadyang hindi ko pa nakikita sa iba. Lubos na nakakapanatag din ng
loob ang manatili dito kahit saglit, sapagkat maraming mga kainan na pwedeng pagpilian
ang mga tao kung sakaling sila man ay dalawin ng gutom bago ang kanilang flight, at
pwede ring mag – ikot – ikot sa may Duty Free man upang bumili ng pasalubong o sa
kalapit na fountain na parang may hardin na nakapaikot dito.
Dahil halos kalahating taon na rin mula nang umuwi ako sa Pilipinas (dalawang
taon naman sa sitwasyon ng aking nakatatandang kapatid), napagdesisyunan ng aking
nanay at tatay na gamitin ang Christmas at New Year break upang ikutin ang iba’t ibang
mga lugar na maaari naming pasyalan. Dahil na rin sa aming pagka – homesick ni Kuya,
hindi namin nahanap ang intensyong tumanggi sapagkat nais na rin naming samantalahin
ang aming maikling bakasyon kasama ang aming magulang at nakababatang kapatid at
lubusin ang oras na kami ay magkakasama muli sa lugar kung saan kami lumaki, kahit
sandali lamang.
Halos isang linggo pagkatapos ng Bagong Taon, nagpasya kaming magpamilya
na mag – ehersisyo sa pamamagitan ng pag-jogging. Napadpad kami sa King Fahad
Medical City ng bandang alas – sais ng umaga. Ito ay isa sa mga patok na lugar, lalong
– lalo na sa mga kapwa naming Pilipino, kung saan maaaring mag – jogging at mamasyal
upang magpahinga at pagmasdan ang kapaligiran. Inabot kami ng isang oras upang
makatapos. Sino ba naman ang hindi hihingalin sa haba nitong 3.5 kilometro?
Pagkatapos naming magpahinga mula sa mahaba naming pag – ehersisyo,
napagdesisyunan ng aking tatay na pumunta naman sa Salam Park. Ang entrance fee
para sa parkeng ito ay 5 SAR o halos P55 lamang. Bago nito ay nag – take – out kami
ng pagkaing mas kilala bilang kabsa para sa aming tanghalian. Ito ang itinuturing bilang
national Arabian dish. Bumili kami ng sapat para sa aming lima at naghanap kami ng
pwesto kung saan malilim at tahimik upang malubos namin ang aming bonding time
bilang isang pamilya. Naglatag kami ng banig at kumain kami habang nagkukwentuhan
tungkol sa mga nangyari sa amin ni Kuya sa Pilipinas at sa mga kwento ng aking tatay at
nanay magmula nang kami ni Kuya ay umuwi na sa Pilipinas. Pagkatapos naming
kumain, nag - ikot - ikot kami sa parke. Ang Salam Park ay ang isa sa mga
pinakamalaking parke dito sa Riyadh. May mga boat rides na maaaring sakyan at marami
ring kainan ang maaaring pagpilian (kadalasan ay nagbubukas ang mga ito pagsapit ng
alas - dose ng tanghali pagkatapos ng salah o oras upang magdasal. Sobrang malawak
ang parkeng ito na maraming maaaring gawin upang makapagpahinga o magsaya
kasama ang buong pamilya. Bago umuwi ay bumili rin kami ng ice cream sa isang
bakalah, na maaaring ihalintulad sa mga sari - sari store dito sa Pilipinas.
Nung susunod na araw, inaya kami ng aking tatay na pumasyal sa Kingdom
Tower, ang pinakamataas na gusali sa siyudad ng Riyadh na may taas ng 992 ft. Bilang
isang tao na takot sa mga matataas na lugar, alam kong hindi ako matutuwa sa pagpasyal
namin dito. Laking gulat ko na lamang nang makita ko ang tanawing inalok sa akin ng
gusaling ito. Nakita ko ang kabuoan ng Riyadh at nabighani ako sa ganda ng aking
nakikita. Oo, nakakalula, ngunit mas nangibabaw ang pagkaakit ko sa aking nakita. Dito
ko napagtanto na dito ako lumaki, dito ako nanirahan, at dito mananatili ang isang parte
ng pagkatao ko.
Kinagabihan ay pumunta naman kami sa World Sights Park kung saan
matatagpuan ang mga miniyatura ng iba’t ibang mga landmarks at tourist spots mula sa
iba’t ibang mga bansa sa buong mundo. Dahil sa dami ng mga miniyatura ang maaaring
makita, para na rin kaming nag - ikot sa buong mundo at nakapaglakbay sa iba’t ibang
mga bansa.
Hindi nagtagal at dumating na rin ang araw na kinailangan naming bumalik sa
Pilipinas. Naging tahimik ang byahe papunta sa paliparan ngunit inilubos ko na ang
tanawing aking nakita dahil alam ko ay mangungulila ulit na makita ito. Malungkot man
ako na kailangan kong bumalik sa realidad na kailangan kong bumalik sa Pilipinas,
masaya rin naman ako na nasaksihan ko muli ang kagandahan ng bansa kung saan
nabuo kung sino man ako ngayon.
Madalas akong nasasabihan, “Buti marunong ka pa ring mag-Filipino, kahit sa
ibang bansa ka lumaki.” Sa totoo lang, ako mismo ay hindi pa rin makapaniwala na kahit
ako ay ipinanganak at ipinalaki sa ibang bansa, hindi ko kinalimutan o iniwan ang aking
sariling wika at kultura. Siguro, dahil na rin sa aking mga magulang, na ginawa ang
kanilang makakaya upang mapanatili ang pinakadiwa ng kulturang Filipino sa aming
tahanan, hindi nawala ang aking pagmamahal sa sariling atin.
Palaganas, Dyna Andrea V.
Batanes - Enero 2019

“Ang Batanes, inexperience; hindi gino-google.” – You’re My Boss, 2015

Ano kaya ang pakiramdam ng nasa tuktok ka ng Pinas? Ano kaya ang
pakiramdam na makatakas sa mga kapaguran na idinulot ng nakaraang taon? Saan ba
pwedeng lumuwas? Gusto ko sa malayo, malayo sa mga tao, malayo sa syudad.
Batanes. Ito ang sagot ng aking kaibigan sa napakarami kong tanong. Tinawanan ko lang
siya. Pero pagsapit ng gabing iyon, napaisip ako, matagal ko nang pinapangarap na
makapunta sa Batanes. At wala pa naman akong pasok hanggang Enero 10, tanungin
ko kaya sila ate? Matapos ang apat na araw, naghahanap kami ng pwedeng kainan sa
Clark International Aiport bago ang flight namin. Gabi na nang makarating kami sa Basco,
Batanes at tumuloy sa hotel na inerekomenda ng isang kaibigan at natulog na lang muna.
Kinabukasan, kumain kami sa restawran ng hotel at laking gulat ko na kulay asul
ang kanin at tsaa na ihinanda para sa amin! Matapos naming mag-almusal, ay nag-
sightseeing kami sa Batan Island. Nakakababa ng loob na matanaw ang kagandahan ng
nilikha ng Diyos. Napakabata lang natin kung ikumpara sa mundo. Noong nakaupo ako
sa tuktok ng burol, pinapanood ang mahinahon na karagatan, tila nawala lahat ng
kapaguran, problema, at kalungkutan at ako ay tunay na nakaramdam ng kapayapaan.
Nakaka-refresh din na panoorin ang mga mamamayan ng Batanes, kuntento sa
napakasimpleng buhay. Maaaring nainggit ako sa paraan ng pamumuhay nila, kasi
pangarap kong manirahan sa Batanes, sa halip, mas lalo itong naging inspirasyon sakin
na magpatuloy na mangarap.
Ginugol namin ang buong araw sa pag-sightseeing at pagsapit ng dapithapon ay
bumalik na kami sa hotel na tinutuluyan namin at kinaumagahan ay sumakay na kami sa
eroplanong pabalik ng Clark. Kahit mahigit kumulang ay isang araw lamang kami sa
Batanes, masasabi ko na ang karanasang ito ay tunay na nagiging lunas para sa mga
kagaya ko na naghahanap ng paaran upang tumahan. At Batanes, maghanda ka,
babalikan pa kita.

Prieto, Mikaela P.
Kalanggaman Island, Palompon, Leyte (April 19 - 20, 2019)
Kalanggaman Island, Palompon. Leyte Province, Philippines. Ito ang isa sa mga
Isla ng Pilipinas na masasabi kong dapat lang na mapuntahan. Bukod sa maganda ang
tanawin, presko ang hangin, malinis ang paligid, mararanasan mo rin dito ang tunay na
kahulugan ng bakasyon. Para sakin may sariling paraan ang isla para iparamdam sayo
na sinasabing stress – free environment. May paraan ito para ipakita sayo ang
kagandahan ng kalikasan, ang kagandahan ng gawa ng Diyos. Madalas kami pumupunta
dito noong bata pa ako dahil malapit lang ang aming probinsiya dito - ang bayan ng
Palompon sa Leyte.
Matagal - tagal na nang huli akong nakapunta dito, ngunit dahil umuwi ang isa
kong pinsan galing sa Texas ay naisipan naming bumalik. Ang isa naming lola ay
mayroong malaking mansyon or kung tawagin ay ‘Beach House” at mayroong beach sa
likod ng “Beach House” na iyon na tinatawag na Crocodile Beach. Ang pamilya nila ang
nagmamay - ari noon. Kahit na nasa likod lang ng kanilang mansyon ang beach na iyon
mas pinili pa rin namin at ng lola ko na pumunta sa Kalanggaman Island dahil minsan
lang kami makabalik doon. Sabi ng lola ko ay lubusin na namin ang malinis at magandang
Isla sapagkat pagdating ng panahon ay may posibilidad na maglaho at masira ito katulad
ng Isla ng Boracay. Pero sa tingin ko kung pananatiliin natin na malinis at maganda ang
kalikasan, ang paligid, mapapanatili pa rin natin ang kagandahan at kalinisan ng mga
lugar na ito.
Masasabi ko lang na dapat makita at mapuntahan ng lahat ang Kalanggaman
Island. Bukod sa maputing buhangin nito ay meron rin itong tinatawag na “Sand Bar”.
Ang Sand Bar o Pulong Buhangin ay ang mahabang dulo ng isla na nawawala sa tuwing
tumataas ang tubig. Ito ang pinakamagandang bahagi ng isla sapagkat purong - puro ang
puting buhangin dito at maganda ang tanawin. Kung mabibigyan muli ng pagkakataon,
sigurado akong babalik ako dito.

Ravina, Rosslin Ysabelle P.


San Juan, La Union, Philippines - Abril 15 - 16, 2019
Maagang lumuwas ang aking pamilya patungo sa San Juan, La Union noong
nakaraang linggo upang makapagpahinga mula sa pagod na dulot ng siyudad. Mahigit
kumulang pitong oras ang biyahe namin mula sa lungsod ng Taguig hanggang doon, at
sa loob ng pitong oras na iyon ay halos puro paskil ng mga kandidatong tumatakbo sa
nalalapit na eleksyon ang bumusog sa aking mata. Kaya naman ay pinili ko na lamang
matulog kaysa sumakit ang aking ulo sa kunsume. Alas-dose ng tanghali na kami
nakarating sa bayan ng San Juan, at napagdesisyunan naming mananghalian muna sa
malapit na restawran bago magcheck-in sa aming tutuluyan. Tunay nga na iba ang sarap
ng lutong probinsiya! Ipinaghanda kami ng ginataang alimango at hipon na may
kasamang mga kalabasa at sitaw, inihaw na manok at liempo, pinalamanang isda,
adobong pusit, at ang aking paboritong kare-kare. Kulang na laman ay maglaway ako sa
hinain sa amin. Nagdasal muna ang aking pamilya bago pagpiyestahan ang mga
masasarap na ulam habang pinagkukuwentuhan ang aming mga karanasan sa
eskwelahan at trabaho.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa homestay na inireserba ng
aking ina. Nakatulog kaagad ako pagkatapos magbihis dahil na rin siguro sa pagod sa
biyahe at sa sobrang busog. Alas-kuwatro na ng hapon nang magising kaming mag-anak.
Nagsimula na kaming maggayak para maabutan ang paglubog ng araw sa
dalampasigan. Ikatlong pagkakataon ko nang masaksihan ang kagandahan ng
dalampasigan doon ngunit hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako rito. “Kay ganda
ng likha ng Maykapal,” muni-muni ko habang pinapanood ang mga ibang turista na nag-
aaral kung paano mag-surf. Ang tatay at bunsong kapatid ko na lamang ang nag-surf
dahil mas pinili kong umupo lang sa buhangin at makipagkwentuhan sa aking nanay at
isa pang nakababatang kapatid.
Nang sumapit ang dilim ay nagbanlaw na kami at tumungo sa malapit na kainan
upang maghapunan. Kinabukasan ay maaga kaming naggayak dahil luluwas pa kami
papuntang Pagudpud, Ilocos Norte. Lubos na ikinaligaya naming lahat ang aming pasyal
doon at isa ito sa mga lugar na nais naming balik-balikan.

MGA AKTIBIDAD KAAKIBAT NG MGA


REPLEKTIBONG SANAYSAY
SI ELISA AT ANG MGA URI NG PAGSUSULAT
Kung nawala ang isang taong kilala mo, kaibigan, pamilya, o ano pa man sila sa
buhay mo, ano ang gagawin mo? Ang isa sa mga unang aktibidad aming ginawa sa
asignaturang Filipino ay ang gumawa ng isang senaryo at output tungkol sa isang
sitwasyon. Ang sitwasyon? Si Elisa ay isang senior high school student na bigla nawala
isang araw. May iba’t ibang uri ng pagsusulat nauugnay sa kanya, at itinalaga sa amin
ang akademikong pagsulat.
Sa aming senaryo, kami ay ang barkada ni Elisa, at nahanap naming ang isang
PeTa niya na kanyang naiwan at hindi pa natatapos, isang movie review ng pelikula ng
Metro Manila Film Festival 2018.. Ngunit, mayroong kami isang problema, isa lamang sa
aming siyam ay nakanood ng isang pelikula mula sa MMFF, Rainbow’s Sunset.
Gumawa kami ng plano, dalawang miyembro ang magsusulat ng sanaysay
tungkol sa Rainbow’s Sunset. Ang iba ay gagawa ng kwento tungkol sa sitwasyon, sila
rin ang iniharap kay Gng. Lim at sa buong klase. Kasama ng kakulangan ng sapat na
oras, sinubukan namin gawing mahusay ang aming maikling roleplay.
Umikot ang kwento namin sa sitwasyong kung saan iilang araw nang nawawala si
Elisa. Nahanap ng kanyang barkada sa kanyang kwarto ang sanaysay niya na isang
rebyu sa pelikulang Rainbow’s Sunset at ito ang huling PeTa na kailangan niyang
maipasa upang makapagtapos ng Senior High School. Sa sanaysay, binigyan namin ang
implikasyon na si Elisa ay parte ng LGBTQ+ community.
Sa wakas, ipinaharap namin ang sanaysay at kwento. Mahusay naman ang
resulta. Ang aral dito sa group work na ito ay kooperasyon, alam naming hindi naming
magagawa ang gawaing ito nang maayos kung hindi kami nagkaisa at kumilos ng sama
- sama.

BIONOTE NI RIZAL
Madami kaming nalaman tungkol sa ating pambansang bayani nang ginawa namin
ang aktibidad na bionote. Nalaman namin ang kanyang pamamamuhay bago siya
mamatay, ang kanyang nagawa at naibahagi sa ating bansa. Doon ko rin narealize gaano
kalaki ang isinakripisyo ni Rizal para sa atin. Ang kanyang mga nagawang nobela ay
pinagaaralan namin at onting-onti namin naiintindihan ang mga pangyayari noong
sinakop tayo ng mga Espanol. Lalo tumatatag ang aking gana para ipagtanggol at
ipaglaban ang akin bansa hamon sa mga pangyayari ngayon.
MEMO, ADYENDA, AT KATITIKAN NG PULONG
Hindi lamang limitado ang performance task na ito sa aming sari - sariling grupo -
kung tutuusin, kinailangan nito hindi lamang ang mga parte ng mga lider ng bawat grupo,
o iisang grupo lamang, kung hindi ang tulong ng bawat isa sa aming klase. Ang aktibidad
na ito ay isa sa mga pinakamabibigat na gawaing aming natanggap sa semestreng ito.
Tunay na sinubok ng aktibidad na ito ang kooperasyon ng bawat isa sa aming klase at
ang aming hangarin upang gawin ang aming makakaya sa mga parteng itinalaga sa amin
upang ito ay makagawa ng isang magandang bunga o resulta na pakikinabangan ng
lahat sa aming klase.
Ang isa sa mga naging elemento na sumubok sa amin ay komunikasyon. Maaaring
lahat kami ay nasa iisang silid - aralan lamang, ngunit lahat kami ay may kanya - kanyang
gawain na hindi matututukan ng bawat isa. May mga kaklase kaming mabibigat ang
gawain sa mismong gawain kaya kaunti lang ang inatasan sa kanilang tungkulin. May
mga kaklase rin kaming hindi gaanong kabigatan ang gawain kaya mas marami ang
kinailangan nilang gawin. Ito ay aming napagtantong gawin upang pare - pareho lang ang
distribusyon ng responsibilidad.
Kakulangan sa oras at maayos na pagpaplano rin ang ibang mga nakapaghamon
sa aming pagtapos ng performance task na ito. Dala na rin ng kasagsagan ng mga
gawain mula sa iba pang mga asignatura, hindi napagtuunan ng atensyon masyado ang
masinsinang pagplano ng mga ibang kinailangang gawin sa mismong araw ng
presentasyon ng performance task. Kumbaga ito ay medyo minadali at alam naming mas
maayos sana ang aming pagkagawa ng nasabing aktibidad kung kami ay nagplano ng
sabay - sabay bilang isang klase imbes na nagplano sa kanya - kanyang grupo at
sadyang ipinagsama na lang ang mga ideya ng bawat grupo.
Bilang konklusyon, may mga bagay na amin sanang napagbuti kung hindi lamang
nagkaroon ng mga hadlang sa aming pagsasagawa ng gawain, subalit alam naming lahat
na ginawa namin lahat ng aming makakaya upang makapagpakita ng isang magandang
presentasyon na tugma sa aming gawain at makuha ang gradong aming natamo. Masaya
kaming lahat na nakakuha kami ng magandang grado sapagkat ito ay isang grado na
tunay na nagpapakita ng aming ginawang pagsisikap at pagtutulungan at sapat na sa
amin ito. Ipinakita namin na hindi dapat naghihilaan pababa ang bawat isa upang
makakuha ng mas mataas na grado kumpara sa iba. Dapat lahat kami ay nagtutulungan
upang sama - samang makakuha ng grado aming ipagmamalaki at makabuo ng
maraming mga alaala bilang isang klase, bilang 11HUMSS - 1.
PAGGAWA NG POSISIYONG PAPEL
Sa paggawa ng posisiyong papel, natutunan naming bilang isang grupo ang mga
opiniyon at sentimyento ng bawat isa ukol sa mga isyung panlipunan. Ang
napagdesisyunan naming paksa ay ang pagbaba ng edad ng pananagutan o age of
criminal liability. Ang bawat miyembro ng aming grupo ay tutol dito kaya mas naging
madali ang proseso ng aming pagsusulat. Natutunan namin ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng posisyon sa mga isyung kagaya nito hindi lamang dahil parte kami ng
Humanities and Social Sciences Strand, ngunit dahil parte tayong lahat ng lipunang
Pilipino.
Naniniwala kami na dapat mayroon tayong opiniyon sa mga problema na
hinahaharap ng lipunan. Hindi sapat na wala kang kinikilingan o niyutral ka sa mga bagay-
bagay dahil hindi dahil hindi ka naapektuhan ay wala ka nang pakialam. Mahalaga rin na
bago ka pumili ng iyong papanigan, mayroon kang sapat na ebidensiya upang patibayan
ang posisyon mo. Napakaimportante ng masinsinang pananaliksik sa paggawa ng
posiyong papel upang maiwasan ang mga maling argumento. Tiyakin din na ang mga
pinagmulan ng impormasyong nakuha mo ay mapagkakatiwalaan upang masigurado na
ang mga puntong mayroon ka ay nakabase sa katotohanan. Kapag nagsusulat ng
posisyong papel, mahalaga rin na alamin mo ang mga punto na maaaring ibato sayo ng
kabilang panig upang makahanap ka ng itatapat na argumento.
Lubos na makakatulong ang regular na pagbasa ng diyaryo at pakikinig o pagnood
sa balita upang hindi mahuli sa mga balitang panlipunan. Maging wasto sa pagpili ng
panig at siguraduhing tama ang mga ebidensiyang nakokolekta. Sa panahon ngayon na
napakarami ng mga isyung hinaharap ng ating lipunan, gamitin natin an gating boses
upang ipahayag ang ating mga opiniyon. Bilang kabataang Pilipino, dapat ay ngayon pa
lang ay mulat na tayo sa mga isyung panlipunan at dapat mayroon tayong kagustuhan
maging parte ng solusyon.

DEBATE TUNGKOL SA FEDERALISMO


Debate. Ayon sa pananaliksik, ang “debate” ay isang pormal na diskusyon kung
saan may dalawang panig na ipinaglalaban ang kani - kanilang paniniwala at paninidigan.
Bilang isang Humanities and Social Sciences na mga estudyante, masasabi namin na
isa itong mahalagang gawaing dapat ay maisagawa o maranasan ng isang mag - aaral
ng Humanties and Social Sciences sapagkat dito nasusukat ang talas at talino ng isang
estudyante sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita upang maipaglaban ang kanyang
paninindigan at paniniwala. Kami ay nagkaroon ng debate sa aming asignaturang Filipino
at ang naitala sa aming paksa ay federalismo. Bagama’t iba - iba kami ng paniniwala,
naitawid namin ang aming debate sa pamamagitan ng pagtutulungan, pananaliksik at
pagbibigay ng sari – sariling pananaw sa ibinigay na paksa. Masasabi naming bilang
mga mag - aaral ng HUMSS, ang paggawa ng isang debate sa isang klase ay isang
paraan upang ma-enganyo ang bawat estudyante na sabihin ang kanilang saloobin. Ang
bawat tao, ang bawat estudyante ay nabibigyan ng pagkakataong ibahagi ang kanilang
alam, na ipaglaban ang kanilang paniniwala. Ito ay malaking tulong sa paglaki at
paglinang ng isang estudyante sapagkat naipapakita dito na ang bawat tao ay may sari -
sariling pananaw sa mundo, pananaw sa buhay. Ang debate ay isang paraan upang
maimulat ang bawat estudyante sa katotohanan sa kung ano na nga ba ang nangyayari
sa mundo natin ngayon. Nararapat lang na gawing isang aktibidad lalo na sa mga
estudyante ng HUMSS ang pagsasagawa ng debate.

POSTER
Itong gawaing pang-upuan namin na ito ay resulta ng pinagsama-sama naming
pagsisikap sa kakaunting oras na pinagawa sa amin nito. Pinagawa kami ng isang poster
ukol sa aming posisyon at opinyon sa pagkawala o pagtanggal ng paksang Filipino sa
kolehiyo. Lahat kami sa grupo ay hindi sang-ayon sa pagkawala nito dahil ipinaglalaban
namin na ang sariling wika ay ang buhay ng ating bansa at parang hindi na rin tayo
Pilipino kapag ang nahiligan at mas nagagamay pa natin ay ang salitang hindi totoong
atin. Ito rin ay naging pagmumulat sa aming mga estudyante na huwag nating patuloy na
kalimutan at tanggalin sa ating pagkatao ang wikang Filipino dahil ito ang pangunahing
rason sa ating pagka-Pilipino.

TALUMPATI
Sa paggawa ng talumpati, nahasa namin ang sarili naming kasanayan sa
pagsusulat at sa pagtatalumpati mismo. Ang pinal na nagawang talumpati ay naging
paraan para sa aming mga estudyante na ihayag ang aming sari-sariling pananaw ukol
sa mga isyung panlipunan. Isa itong naging instrumento para ipamulat ang mga
tagapakinig sa ilan sa mga paksang napili, ilan ditto ay ang gender equality, pera,
kalikasan, atbp. Natutunan namin ang kahalagahan ng eye contact sa audience, tamang
tono at kalakasan ng boses, kung kalian titigil nang saglit, at ang bilis ng pananalita. Kahit
kami ay medyo nagalinlangan dahil mayroong impromptu na parte ng talumpati,
nakuntento naman kami sa naging grado namin sapagkat sa pamamagitan nito, na-
challenge kaming mag-isip nang on the spot at suriin kung ang aming galing. Isa rin itong
naging paraan upang mas matutunan namin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng
magkagrupo. Nagpapasalamat kami dahil pinayagan kami ng guro na piliin kung sino ang
aming ninanais na maging kagrupo at sa gayon, mas napadali ang pagsasagawa at
pageensayo ng talumpati dahil komportable kami sa aming kagrupo.

PAPER DOLL
Ang aktibitidad na ito ay hindi lamang hinahasa ang pagkamalikhain ng mga
estudyante sa larangan ng pagsulat at pagguhit ngunit pati na rin ang kalawakan ng isip
na alamin kung sino na nga ba sila—katulad parin ba ng dati o nagbago na?
Ang pinakaimportanteng bagay sa paaralan na madalas nating nalilimutan ay hindi
lamang maglikom ng matataas na grado ngunit ang tunay na matuto. Maaaring ang iba
sa amin ay hindi magaling at hindi diretso mag-Tagalog subalit dahil sa asignaturang ito,
napaalalahan kami ng importansya ng pagmamahal sa sariling wika.
Natuto kaming sumulat ng talumpati, posisyong papel, adyenda at iba’t ibang
akademikong papel na aming kakailanganin sa academe at sa aming mga propesyon sa
hinaharap. Alam naming talagang magagamit namin ang aming mga napag-aralan. Ang
mga aktibidad sa klase’y hinasa kami maging mas magaling na manunulat at
tagapagsalita.
Naging malikhain at teknikal kami sa aming pagsulat at natutong maging analitiko.
Importante ‘to bilang isang kabataan at lider ng bansang ito sa hinaharap kaya’t
nagpapasalamat rin ako sa aming masipag na propesor sa walang sawang pagtuturo sa
amin.
ISANG TULA PARA SA ASIGNATURANG FILIPINO
Para kanino ang bawat hakbang na ito?
Para kanino ang letra sa bawat libro?
Para kanino ang bawat luha mo?
Para kanino ang lahat ng ito?

Bayan kong mahal, nasaan ka?


Hindi mo ba nakikitang nawawala ka na?
Pilit mong binibitawan kung sino ka talaga
At mahigpit na kumakapit sa paniniwala ng iba.

Bayan kong mahal, aking sinta


Ang tunay na bayani ay ang bawat Pilipinong lumalaban pa
Ang kabataang patuloy na naniniwala
Sabik na matuto, makinig at maging malaya.

Ang asignaturang Filipino,


Ang pag - asa ng bawat Pilipino
Para sa mga sabik na matuto
Para sa bayan ko

Ang asignaturang Filipino


Ang patutunguhan ng mundo
Kung wala ito
Sino na lamang ako?
@Hans Bejo
> cover
> pictorial essay (pics)
> reflective essay -> Introduction (nag-spoken poetry yata nun)

> Elisa (Uri ng Pagsulat) [tiff]


> Buod, Synopsis, Abstrak etc. (yung bionote ni Rizal) [iana]
> Memo, Katitikan [lei]
> Debate [migi]
> Posisyong Papel [ysa]
> Poster [missy]
> Talumpati [dyna]
> Paper Doll [kim]

You might also like