You are on page 1of 2

BATANG MAY DOWN SYNDROME;

NAKATATAKOT NGA BA?

Isang nilalang ang isinilang dito sa mundong sanlibutan, pagmulat ng kanyang mga
mata’y siya ay espesiyal at kakaiba sa taong nakabalibot sa kanya. Mongoloid ang
karaniwang bansag sa kanila, madalas silang tinutukso o madalas din silang kinukutya.
Ang tawag sa karamdamang ito ay Down syndrome isang pisikal at mental disorder
dulot ng pagkakaroon ng problema sa pagkakabuo ng genes na nangyayari bago pa
lamang ipanganak ang isang sanggol mula sa sinapupunan ng ina. Ito ay ang
pagkakaroon ng tatlong kopya ng Chromosome 21 na dapat ay dalawa lamang.

Karamihan sa may down syndrome ay hirap sa pandinig at may problema rin sa


paningin.Kadalasan kinakailanagang sumailalim sa hearing screen bago pa ilabas sa
ospital ang bagong panganak na may down syndrome, kailangan ding kumunsulta sa
audiologist. Ang pagkakaroon ng down syndrome ay isang mabigat na pagsubok pasan
pasan hanggang sa kamatayan. Ang down syndrome ay may kakaibang pisikal na
katangian, ilan na lamang dito ay may low muscle tone, maliit ang pangangatawan,
pataas na slant ng mga mata, at isang guhit sa gitna ng palad. Bawat taong may down
syndrome ay kakaiba at maaaring taglay ang mga katangiang ito sa iba’t ibang degree.
Sa simpleng ngiti ng may down syndrome marami naman itong napapasang tao dahil
karamihan sa kanila ay malalambing. Ang mga batang may down syndrome ay
kadalasangng may sakit tulad ng cogenital heart defects (problema sa puso), thyroid
condition (problema sa lalamunan), sleep apnea (halimbawa ay hirap sa paghinga
tuwing natutulog) at isa na rin ang Alzheimer’s disease madalas makalimutan ang isang
bagay. May tatlong klase ang Down Syndrome ang Trisonomy 21, Translocation at
Mosaicism na magkakapareho ng mga sakit na pwedeng maransan.

Ang mga taong may down syndrome ay huwag dapat katakutan dahil sila’y tao rin
may puso’t kaluluwa. Sila rin ay likha ng diyos kaya huwag natin silang pagtawanan.
Hindi lang iisa at hindi pare-pareho ang mga pisikal na kondisyon at problemang
medikal na hinaharap ng mga batang may Down Syndrome.Ayon sa nakararami sila’y
regalo ng poong may kapal. May ibang batang nangangailangan ng masusi atensiyon ,
habang ang iba naman ay hindi. Laging tandaan Hindi sila isang payaso para kaylangang
pagtawanan o katakutan, hindi nila kaylangang mabuhay sa mapanuksong mundo na
maghahatid sa kanila sa pangyayari na magiging sanhin ng gulo. Kaylangan nila ng
salitang saya at makaranas ng salitang payapa, payapa sa pangaapi at pangungutya
tanging tamis lang dapat sa kanilang ngiti ang ating makita.

You might also like