You are on page 1of 3

Pagtatag ng Komonwelt

AGOSTO 29, 1916

Ang unang hakbang patungong kalayaan ng Pilipinas, ay ang Jones Act na


itinatag noong ik. Ito ay nagtatakda na Pilipinas ay makakamit ang kasarinlan
kung handa na itong pamunuan ang sariling bayan.

ENERO 17,1933

Naipasa ang Hare-Hawes-Cutting Act. Ito ang unang batas kung saan
mayroong nakatakdang petsa para sa kalayaan ng Pilipinas. Ito’y hindi
naaprubahan sa Senado ng Pilipinas dahil sa ibang mga kondisyon.

Marso 24, 1934

Ang huling hakbang sa kalayaan , kung saan si Franklin D. Roosevelt and


namumuno sa panahong ito. Ipinagtibay niya ang Batas Tydings-McDuffie ang
batas para sa kasarinlan ng Pilipinas. Ito’y naaprubahan sa Senado ng Pilipinas

Nagtawag ng Kumbensyong Konstitusyonal na pinamumunuan ni Claro M.


Recto

Dito ibinalangkas ang Saligang Batas ng 1935

Ito ang gamit na basehan sa pamamalakad ng pamahalaan noong Panahon


ng Komonwelt.

Isa sa mga probisyon ng Saligang Batas ang paghahanap ng pambansang


wika na ibabatay sa iba’t ibang umiiral n wika.

Nagtatag ng Pamahalaang Komonwelt

Ang naging Pangulo ay si Manuel L. Quezon

Pangalawang Pangulo, na si Sergio Osmeña.

A. Pambansang Asemblea
. PEBRERO 8, 1935

Pinagtibay ang konstitusyong ng Pilipinas, at niratipika ito sa ika-14


ng Mayo ng taong iyon.
NOBYEMBRE 15, 1936

Inaprubahan ang Batas Komonwelt Blg. 184

“AN ACT TO ESTABLISH A NATIONAL LANGUAGE AND DEFINE ITS POWERS AND
DUTIES”

Isinulat ni Norberto Romualdez

Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (National Language Institute)

Ang tungkulin daw ng SWP ay pag-aralan ang mga wika sa Pilipinas, pumili ng
basehan para sa wikang pambansa, at pagkatapos aprubahan ng pangulo
ang pambansang wika ay protektahan at ipayaman pa ito lalo

Surian ng Wikang Pambansa

a. Mga Kasapi:
. Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte; pinuno)
i. Santiago A. Fonacier (Ilokano)
ii.Filemon Sotto (Cebuano)
iii.Casimiro F. Perfecto (Bikol)
iv.Felix S. Salas-Rodriguez (Panay)
v.Hadji Butu (Moro)
vi.Cecilio Lopez (Tagalog; sekretarya)
vii.Isinaad sa Batas Komonwelt Blg. 184 ang tungkulin ng SWP:
viii.Pag-aaralan ang lahat ng mga pangunahing wikang umiiral sa Pilipinas,
ix.Ilista ang mga salitang parehong tunog at ibig sabihin sa mga wikang ito, pati
na rin ang mga salitang parehong tunog o malapit ang tunog sa isa’t isa, ngunit
iba ang ibig sabihin
x.Hanapin ang pangkalahatang ortograpiya at ponetika ng mga wika sa bansa
xi.Pag-aralan at ikumpara ang mga unlapi, gitlapi, at hulaping ginagamit
xii.Piliin ang wikang pinakabuo sa istruktura at pinakanalalaganap sa panitikan sa
bansa upang maging basehan ng wikang pambansa
b. Sa pagtatag ng wikang pambansa, ang tungkulin ng SWF ay:
. Gumawa ng diksyunaryo, pati na rin ng balarila sa
pambansang wika
i. Pangalagaan ang “tamang ibig sabihin” ng mga salita
at tanggalin ang mga di-kailangang banyagang salita
sa bokabularyo ng wikang pambansa
ii. Gamitin ang mga wika sa Pilipinas, Kastila, at Ingles
upang ipayaman pa ang wikang pambansa
iii. Gamitin ang Latin at Griyego kapag gagawa ng
bagong salita, lalo na sa agham, teknolohiya, at
panitikan
c. Napili ang wikang Tagalog bilang basehan ng wikang
pambansa noong ika-9 ng Nobyembre, 1937. Ibinigay
ang mga dahilan na:
. Sinasalita at nauunawaan ang Tagalog ng maraming tao at
rehiyon ng bansa
i. Hindi ito nahahati sa mas maliit pang mga wika
ii. Mayaman ang panitikang nakasulat sa Tagalog
kumpara sa ibang wika
iii. Ito ang wika ng Maynila, ang kapital ng Pilipinas
iv. Ito ang wika ng Himagsikan at Katipunan, na
mahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas
B. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
. “PROCLAIMING THE NATIONAL LANGUAGE OF THE PHILIPPINES
BASED ON THE “TAGALOG” LANGUAGE”
a. Inilagda ni Pangulong Manuel L. Quezon noong ika-30 ng
Disyembre, 1937
b. Itinatag na ang Tagalog ang magiging basehan ng
pambansang wika ng Pilipinas
c. Dahil basehan lang ang Tagalog, HINDI pareho ang Filipino
at Tagalog, ngunit marami itong pagkakatulad.
d. Dahil siya ang naglagda ng proklamasyong nagtatatag ng
pambansang wika, kilala si Quezon bilang Ama ng
Pambansang Wika
C. Alpabetong Abakada
. Iginawa ni Lope K. Santos upang mabigyan ng representasyon ang
mga tunog sa wikang Tagalog.
a. A - B - K - D - E - G - H - I - L - M - N - NG - O - P - R - S - T - U - W -
Y
D. Batas Komonwelt Blg. 570
. “AN ACT MAKING THE FILIPINO NATIONAL LANGUAGE AN OFFICIAL
LANGUAGE FROM THE FOURTH OF JULY, NINETEEN HUNDRED AND
FORTY-SIX”
a. Ipinasa noong ika-7 ng Hunyo, 1940
b. Sinabi na simula ika-4 ng Hulyo, 1946, opisyal na wika na ng
Pilipinas ang wikang pambansa

You might also like