You are on page 1of 6

DWRS BANTAY BALITA

37.4
February 27, 2019
Paul Paa at Audi Inosanto

SFX INTRO_BED
Ang istasyong para sa katotohanan lamang…
Ang istasyong para sa serbisyo ng mga Cabinians…
We’re on air in 3... 2… 1!

SFX Establish STATIONID_BED, fade in then fade under

STATION ID Tagapagmasid saan mang sulok ng paaralan


Tagapagtaguyod ng katotohanan
Tagapag-tanggol ng sangkaestudyantehan
Ito ang,
Bantay Balita
Trenta – y – siyete kwatro sa inyong mga radyo

SFX Establish GREETINGS_BED, fade in then fade under

ANCHOR Magandang umaga, Cabugao


Ngayon ay ika- dalawampu’t pito ng Pebrero, at kayo ay nakikinig sa DWRS
Trenta-y- siyete kwatro Bantay Balita.
Ako si Paul Paa at ako naman si Audi Inosanto
at para sa ulo ng mga nagbabagang balita.

SFX Establish STATIONID_BED, fade in then fade under

ANCHOR Cabinians naging puspusan ang paghahanda para sa kanilang darating na Foundation
Day

Cabugao Institute, nakatanggap ng papuri sa matagumpay na pagsagawa ng


Foundation Day

Mga Cabinians na nasa ika-labing dalawang baitang, nagkaroon ng exit examination

Ilang mga Cabinians, irerepresenta ang Ilocos Sur para sa gaganaping R1AA

1
Juniors Promenade 2019, nag iwan ng magandang ala-ala sa mga grade 10 students

SFX Establish TIKTOK

Ang oras ay _________ minuto makalipas ang alas-__ ng umaga. Ngayon, para sa
detalye.

SFX Establish STATIONID_BED, fade in then fade under

JERZY Puspusang paghahanda ang ginawa ng mga Cabinians para sa kanilang nalalapit na
Foundation Day.

Narito si Dana Marie Pula para sa balita.

SFX Establish REPORT_BED, fade in then fade under

DANA Yes, Paul.

Ika-labing apat ng Enero ng taong ito nang nagsimula ang mga Cabinians na mag
ensayo para sa mga ibat ibang mga palabas na ipapakita nila sa mga manonood para
sa Foundation day.

Ilan sa mga ito ay ang CI marching band na tinuturuan ng assistant principal na si


Ginoong Romeo Solar na magpapakita ng exhibition; mga kandidata na naghahanda
para sa gagawin nilang pag mamartsa; mga mag aaral ng bawat baitang na
magpapakitang gilas ng iba’t ibang sayaw; ang field demo na kung saan lahat ng
cabinians ay sabay sabay na magsasayaw; at ang pinaka aabangan ng lahat ang
gagawing silent drill ng CAT at COCC officers na ineensayo ng kanilang
Commandant na si Ginoong Dondon Edward Pichay.

At narito ang pahayag ng isang CAT Officer na si Juhair Omar tungkol sa kanilang
ginawang paghahanda para sa nasabing kaganapan.

(INSERT INTERVIEW OF JUHAIR OMAR)

Ito po si Dana Marie Pula, nag-uulat para sa Bantay Balita. Balik sa’yo Audi.

SFX Establish STATIONID_BED, fade in then fade under

AUDI Salamat, Dana.

Naging matagumpay ang mga Cabinians sa pagsasagawa ng kanilang nasabing


Foundation Day.

Narito si Racquel Savella para sa detalye.

SFX Establish REPORT_BED, fade in then fade under

RACQUEL Yes, Audi.

2
Mula ikawalo hanggang ika-sampu ng Pebrero ay idinaos ang ika-siyam napu’t
dalawang taon ng Cabugao Institute at ito ay tradisyon na nilang ginagawa kada taon.

Sa unang araw ng Foundation day ay may naganap na fun run na sinuportahan ni


Congressman DV Savellano.

Sa ikalawang araw naman ay nagkaroon ng misa na dinaluhan ng mga host na batch


sa taong ito, ang batch 69, 79, at 94. At sa gabi ng araw ding iyon ay naganap ang
coronation night ng mga kandidata na pinangunahan ni Cristele Addatu 1st bilang
reyna ng nasabing okasyon.

At sa huling araw ng Foundation day ang pinakaespesyal at pinakamasaya.


Nagkaroon ng grand parade, reunion ng lahat ng mga batch na nag aral sa naturang
paaralan at pati mga kandidata na nakasakay sa kanilang nagbobonggahang float.

Sa tanghali naman sa araw ding iyon ay nagpakitang gilas ang CI marching band sa
kanilang exhibition, pati rin ang mga CAT officers at COCC aspirants na nagpabilib
sa kanilang silent drill at lahat ng Cabinians na todo sayaw sa kanilang mga
performance. Dahil dito, nag ani ang mga estudyante at mga guro ng magagandang
papuri.

Ito si Racquel Savella, nag-uulat para sa Bantay Balita. Balik sa’yo Paul.

SFX Establish STATIONID_BED, fade in then fade under

JERZY Salamat, Racquel. Susunod!

Grade 12 students sa Cabugao Institute, sumailalim sa exit examination.


Ang mga susunod na detalye ay ibibigay sa aming pagbabalik.

COMMERCIAL STARWAX FLOORWAX


Last Sentence: ISO Certified World-class quality, A-C-S!

SFX Establish STATIONID 1, fade in then fade under

STATION ID 1 Kayo ay nakikinig sa DWRS Bantay Balita

SFX Establish STATIONID_BED, fade in then fade under

JERZY At kami ay nagbabalik.

Grade 12 students sa Cabugao Institute, sumailalim sa exit examination.


Narito si Audi Inosanto para sa detalye.

3
SFX Establish REPORT_BED, fade in then fade under

AUDI Yes, Paul.

Nagkaroon ng exit examination ang mga estudyante sa ika-labing dalawang baitang


ng Cabugao Institute noong ika labing tatlo at ika labing apat ng Pebrero. Buong
Pilipinas ay isinagawa ang ganitong pagsusulit. Kailangan ito para malaman ang
kakayahan ng bawat estudyante at kung saang asignatura sila mas magaling. At para
makatulong sa kanila kung anong kurso ang kukunin nila pagtungtong nila ng
kolehiyo. Noong ika labing dalawa ng Pebrero ay naging puspusan ang paghahanda
para rito.

Narito ang pahayag ni Joshua Jularbal, isang grade 12 student ng HUMSS.

(INSERT INTERVIEW OF JOSHUA JULARBAL)

Ito po si Audi Audi Mckyla Inosanto para sa Bantay Balita. Balik sa’yo Paul.

SFX Establish LEADIN_BED, fade in then fade under

JERZY Salamat, Audi.

Samantala, Ilang Cabinians, irerepresenta ang Ilocos Sur sa gaganaping R1AA.

SFX Establish SPORTS_BED, fade in then fade under

JERZY Sa ikatlo hanggang ika-walo ng Marso ay magaganap ang R1AA o Region 1 Athletic
Association na gaganapin sa Laoag City, Ilocos Norte. Nagsimula ang pag-eensayo
ng mga manlalaro sa ibat-ibang sports noong ika-sampu ng Pebrero. At walong
Cabinians ang nakapasok para irepresenta ang probinsya ng Ilocos Sur sa gaganapin
na R1AA.

Kabilang na rito si Cristele Addatu ng grade 10 jade at si Rhosel Castro ng grade 10


diamond sa paglalaro ng softball. Nariyan din si Laurence Abarra at si Mark Vincent
Gorospe ng grade 10 garnet para sa larong archery. At sina Jesther Garcia ng grade 9
mabini, Joey Silario ng grade 10 diamond, Brian Josh Savella at Daniel Giron ng
grade 10 jade para naman sa larong soccer.

Narito ang pahayag ng isang atleta sa larong soccer na si Daniel Giron tungkol sa
paghahanda nila para sa nasabing palaro.

(INSERT INTERVIEW OF DANIEL GIRON)

SFX Establish STATIONID_BED, fade in then fade under

AUDI Salamat, Paul. Susunod!

J-Prom 2019, naging espesyal para sa mga grade 10 students.

Kami ay magbabalik pagkatapos ng makailang sandali.

4
COMMERCIAL KNORR CUBES
Last sentence: Buong lasa ng sinabawang gulay

SFX Establish STATION ID 2, fade in then fade under

STATION ID DWRS Bantay Balita

AUDI At kami ay nagbabalik.

Establish TIKTOK

Ang oras ay _________ minuto makalipas ang alas-__ ng umaga.

SFX Establish SHOWBIZ_BED, fade in then fade under.

Juniors Promenade 2019, nag-iwan ng magandang ala-ala sa mga grade 10 students

Narito uli si Racquel Savella para sa Entertainment Balita.

SFX Establish SHOWBIZ_BED, fade in then fade under


dc
RACQUEL Yes, Audi.

Minsan lang sa buhay ng isang highschool student ang prom kaya sobrang natuwa
ang mga cabinians na nasa ika sampung baitang sa kanilang Junior’s promenade na
naganap sa auditorium ng Cabugao Institute noong ika-labing lima ng Pebrero.
Umaga palang ay naghahanda na ang mga Grade 10 sa kanilang prom.

Kaya nang dumating na nga ang oras ng prom ay sobrang saya nila at lahat ay
nagsisisayaw. Pagkatapos ng kainan ay nagsimula na ang pinakahihintay ng lahat.

Ang pagpili ng junior’s promenade king and queen 2019. Walang nagpatalo at
patalbugan nga ang kanilang ginawang pagrarampa hanggang sa si Daniel Giron ang
naging prom king at si Natazza Shaima de Ere ang naging prom queen, parehas na
estudyante ng grade 10 jade. Natapos ang J-Prom 2019 ng masaya at nagbigay ng
magandang ala-ala para sa mga grade 10 students.

Ito po si Racquel Savella, nag-uulat para sa Bantay Balita. Balik sa’yo Audi.

SFX Establish STATIONID_BED, fade in then fade under

ANCHOR Salamat Racquel.

At yan po ang mga balitang nakalap sa oras na ito.

Sa ngalan ng aming koponan, ito po si Paul Paa and ito naman si Audi Inosanto

Maraming salamat sa inyong pagsubaybay

5
Manatiling nakatutok para sa mas malawak na pagbabalita

Dito sa istasyong para sa katotohanan lamang


Ang istasyong para sa serbisyo ng mga Cabinians…
Ito ang, Bantay Balita

SFX EVERY_END fade in then fade out.

You might also like