You are on page 1of 2

Jeselle Anne Claire V.

Sarito Ika- 28 ng Nobyembre 2019


ABM/AD 11 – C

Paksa: INGGIT Daloy: Prolepsis (Flashforward)

1. Simula
a. Mga Tauhan
1. Pangunahing Tauhan: Samantha Maingay, masayahin, maraming kaibigan at may angking talino.
Ngunit, hiwalay na ang mga magulang.
2. Katunggaling Tauhan: Lourdes Mahinhin, tahimik at kakaunti lamang ang kaibigan. Ulila nang
lubos.
3. Pantulong na Tauhan Karen Malapit na kaibigan nina Samantha at Lourdes

b. Tagpuan
Sa paaralan. Luma na ang mga silid at pasilyo, kaunti na lang din ang mga mag-aaral sa pribadong
paaralan. Bahagyang liblib ang lugar at napalilibutan din ito mga kakahuyan. Halos 2 kilometro ang
kailangang lakarin ng mga mag-aaral upang makarating sa daanan.

c. Simula
Makikita sa ilalim ng isang punong mayabong sa mga dahon at hitik sa bunga ang mga nagkalat
na aklat at kuwaderno. Sa kabilang dako, makikita si Karen na umiiyak sa harapan ng isang katawang
luray-luray, naliligo sa sarili nitong dugo at hindi na maaninag ang itsura.

2. Suliranin
Tao laban sa tao. Hindi mapigilan ni Lourdes na kainggitan ang kaibigan na si Samantha sa kabila
nang pagiging matalik na magkaibigan. Ngunit, ang nakahihindik dito ay may lahi pala sila ng
mangkukulam.

3. Saglit na kasiglahan
Napansin ni Samantha na laging mag-isa si Lourdes, Kaya’t niyakag niya si Karen upang
kaibiganin ito. Lubos ang pagtanggi ni Karen sapagkat iba raw ang nararamdaman niya patungkol sa
dalaga. Dagdag pa nito, “Huwag na, Sam, baka totoo ang sabi-sabing mangkukulam siya.” Tawa lang ang
isinagot ni Samantha. Kalaunan, naging matalik silang magkakaibigan at nawala ang pangamba ni Karen
sa kanya.

Sabay silang pumapasok, madalas din silang sabay kumain, hanggang sa uwian ay hindi mapag-
hihiwalay.

Ngunit, hindi maiwasang maikumpara si Lourdes kay Samantha.

4. Kasukdulan
Labis ang namuong inggit ni Lourdes kay Samantha, lalo na’t si Samantha ang nagwagi sa
kanilang drawing contest na matagal nang inaasam nito. Sa sobrang galit, pakunwaring sinabutan ni
Lourdes si Samantha, sabay bati ng “Congratulations”. “Aray, ikaw ha! Naku, baka nagkamali lang sila,
kaya nga pupunta ako roon mamaya”, sambit naman ni Samantha.

Kinahapunan, nagtaka sina Samantha at Karen sapagkat hindi pa tapos ang klase’y umuwi na si
Lourdes. “Ibabalita ko pa man din sana sa kanyang nagkamali pala ang mga nag-ayos ng paglalagay ng
numero”, patawang sabi ni Samantha. “Ano?” Pagtataka naman ni Karen. “Oo, si Lourdes ang champion.
Kung may cellphone lang siya, tinawagan ko na siya at tinext.”, sabat naman ni Samantha.
Habang pauwi, biglang nagsisisigaw si Samantha at ang sakit daw nang buo niyang katawan.
Nagtatakbo siya sa loob ng kakahuyan, nagtitili, sinasaktan ang sarili, at sinasabayan ng iyak na may
pagtawa. Natatakot man ngunit nanaig kay Karen ang pag-aalala kaya’t sinundan niya ito. At nagulat siya
sa tumambad sa kanyang harapan, sa ilalim ng isang punong mayabong sa mga dahon at hitik sa bunga
ang mga nagkalat na aklat at kuwaderno.

“Samantha! Samantha! Nasaan ka na ba?” may takot at kaba na sigaw ni Karen. Hanggang sa
tumambadsa kanyang harapan ang isang katawang luray-luray, naliligo sa sarili nitong dugo at hindi na
maaninag ang itsura.

Naiwang luhaan si Karen at biglang dumating si Lourdes hawak ang isang luray-luray na manyika.

5. Wakas
Makalipas ang ilang buwan, iniabot ni Karen ang medalya kay Lourdes. At sinabi nitong,
“nagkamali ang hurado, ikaw ang kampeonato sa drawing contest. Ginawan ka pa nga ng tula ni
Samantha, Lourdes, sayang lang at wala na siya.”

You might also like