You are on page 1of 1

Pagsulat ng Rebyung Pampelikula

ANG REBYUNG PAMPELIKULA ay may tatlong bahagi : Intoduksyon , Katawan , at Kongklusyon

INTRODUKSYON
Kasama sa introduksyon ang mga sumusunod
 isang kawili wiling panimulang pangungusap;
 ang titulo ng pelikula,ang direktor,at ang mga pangunahing tauhan ; at
 ang tesis rebyu , na kadalasan ay batay sa pangkalahatang impresyon ng
sumulat sapelikulang napanood

KATAWAN
Binubuo ang katawan ng dalawang bahahgi; ang buod ng banghay at ang rebyu.

Ang buod ng banghay. Dapat isama ang isang maikling buod ng banghay ng pelikula.Maaring
banggitin lamang dito ang tema ng pelikula o ang ilang mahahalagang pangyayaring bumubuo
ng pelikula.Hindi dapat dito ihayag ang wakas ng pelikula

Ang Rebyu. Dapat tinatalakay dito ang elemento na nagpapalakas at nagpapahina sa pelikula
.Upang maging epektibo ,dapat banggitin dito ang mga elementong tumutulong sa paglinang ng
tesis. Kasama sa mga elementong ito ang direksyon, pagganap,skript,musika ,kostyum at iba pa.

Kongklusyon
Maaring ulitin dito ang tesis sa ibang anyo. Ngunit dapat ipakita dito ng sumusulat na balido ang
kanyang impresyon o ang kanyang tesis.Maaaring mag iwan dito ng pangungusap o tanong na
pag iisipan ng mga mambabasa.

You might also like