You are on page 1of 4

Panitikan Hinggil sa Pangkat Minorya

PANITIKAN – sa ingles ay literature. Ang panitikan ay ang pagsulat ng tuluyan o tuwiran


at patula na nag-uugnay sa mga tao. Ang panitikan ay maaaring tula o espesyal na
klase ng pagsulat.

PANGKAT – isang sekto ng Lipunan.

MINORYA – ay ang maliit na bahagi ng populasyon na kadalasan ay nakararanas ng


diskriminasyon o marginalisasyon.

Ang katutubo o minorities ay salitang ginagamit upang ilarawan ang mga


pangkat etniko na naninirahan sa isang rehiyon o lugar na samasama. Sila ay may
koneksyong pangkasaysayan, mga bagay na nag-uugnay at nagbubuklod sa kanila na
ipinamamalas nila sa gawi ng kanilang pamumuhay. Matatagpuan sila sa iba ’t ibang
parte ng Pilipinas at may tinatayang 14 hanggang 17 milyong Indigenous People na
kabilang sa 110 grupo ng Ethno-linguistic, ang mga ito ay pangunahing nakatuon sa
Mindanao (61%) at Hilagang Luzon ( Cordillera Administrative Region, 33%), kasama
ang ilang mga grupo sa Visayas.

Halimbawa ng mga pangkat etnikong minorya sa pilipinas


- Negrito o Ita
- Agta
-Tinggian
- Bontoc
- Kalinga
- Igorot
- Hanunuo
Panitikan hinggil sa Migrasyon/Diaspora

Ano ang migrasyon?

Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat ng tirahan ng tao mula sa isang


teritoryong politikal papunta sa ibang teritoryong politikal o bansa. Bilang karagdagang
detalye, ang migrasyon ay maaaring panandalian o pang-matagalan, pansamantala o
permanente.

Dahilan ng migrasyon

1. Mas malaki ang kita sa ibang bansa. Ito ay ang pangunahing dahilan kung bakit
patuloy ang pagdami ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa panahon ngayon.

2. Mas ligtas sa ibang bansa. Isa sa mga pinakamalaking isyu ng Pilipinas ay ang
kawalan ng kaligtasan. Dahil dito, nais ng mga Pilipino na lumipat sa ibang bansa na
mas ligtas.

3. Pagnanais na makasama ang mga kamag-anak o pamilya sa ibang bansa.

4. Kagustuhang mag-aral sa ibang bansa upang makakuha ng mas maayos na


edukasyon.

Pagkakaiba ng Uri ng Migrasyon

Irregular Migrant - Marami ng nagtungo sa ibang bansa ang hindi


dokumentado, walang permit o tinatawag na overstaying sa bansang
pinupuntahan.

Temporary Migrant - mga nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang


permit at papeles upang magtrabaho at manirahan ng may takdang panahon.

Permanent Migrant - mga Overseas Filipino na ang layunin sa pagtungo


sa ibang bansa ay hindi lamang magtrabaho kundi ang permanenteng
paninirahan dito.
OFW sa Gitna ng Disyerto

Ni Noel Malicdem

Bayani kung ituring kami ng Gobyerno


Wala naman magawa kapag kami’y inaabuso
Baka masira daw relasyon sa bansang kinalalagyan ko
Magtiis na lang hanggang matapos kontrata ko.

Mayroon nga tayong konsulado


Mga nakatalaga naman ditto mga abusado
Walang pakialam kung ano kalagayan mo
Baka mas malala pa kapag napadpad ka rito.

Isa lang akong saksi buhay dito sa disyerto


Na kung tawagin lupa ng perang piraso
Dahil kung hindi huli limang buwang walang sweldo
Walang pakialam magutom man ang pamilya mo

Tama na sa akin ang tawaging OFW


Na umalis ng bayan para sa kinabukasan ng pamilya ko
Ang kaligayahan pansamantalang kinalimutan ko
Mapunta sa bansang lungkot ang karamay mo.

Di ko pinagsisihan ang pagpunta rito


Bahagi lang ito ng pakikibaka sa buhay ko
Hindi ang maging saksi sa mga mapansamantalang polotiko
Na lalo lang nagpapahirap pagnakaupo na sa puwesto.

Ang hiling lang namin tunay na pagbabago


Mabigyan pansin mga karaingan naming OFW
Dahil bahagi rin kami ng pag-unlad kahit kami ’y malayo
Isigaw sa buong mundo, mabuhay ang Pilipino!

You might also like