You are on page 1of 3

ANG RETORIKAAT ANG MABISANG PAGPAPAHAYAG

Ang retorika ay tumutukoy sa sining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akitna pagpapahayag upang
maunawaan at makahikayat sa mga nakikinig at bumabasa.Dalawang kawastuan ang kinakailangan sa
pagpapahayag : ang kawastuang pambalarilaat ang kawastuang panretorika. May dalawang uri ng
pagpapahayag : (a) pagpapahayagna pasalita at pagpapahayag na pasulat.

DALAWANG SANGKAP NG PAGPAPAHAYAG

May dalawang mahalagang sangkap ang pagpapahayag : (a) nilalaman at (b)pananalita. Sinasabing may
nilalaman ang isang pahayag kung may mga sumusunod : (a)may pahatid o mensaheng mahalaga (b)
may mahalagang impormasyon o pabatid (c)may kaalamang mapapakinabangan (d) kapupulutan ng
magandang halimbawa at (e)makalilibang.

Mga Maaaring Pagkunan ng Nilalaman

Ang mga sumusunod ay maaaring pagkunan ng mga nilalaman:

1.Karanasan:

May kasabihang pinakamagaling na guro ang karanasan sapagkatwalang taong nabubuhay mula sa
kanyang kabataan hanggang sa kanyang pagtanda nahindi dumanas ng mga karanasan sa buhay. Ang
karanasan ng isang tao ay hindi angnaganap na pangyayari sa kanya kundi kung ano ang ginawa niya sa
pagyayari sakanyang buay upang siya y magtagumpay na malutas ang kanyang suliranin, ng
kanyangmga kasama at maaaring ng sangkatauhan.

2. Pakikipanayam

Maaaring makakuha ng mga kabatiran sa pamamagitan ng paglapitat pakikipanayam sa mga dalubhasa


sa kani-kanilang larangan. Kinakailangan ihandamuna nang maayos ang mga katanungan bago
makipanayam nang maiwasangmaaksaya ang panahon. Dapat isaalang-alang ang mga sumusunod sa
pakikipanayam :(a) mga tanong na sasagot sa mga kaalamang kailangan (b) nakipagkita
sakakapanayamin sa araw at oras na kanyang itinakda at (c) maging magalang sa taongkinakapanayam.
Matapos ang pakikipanayam, dapat pasalamatan ang taongkinapanayam

Kalinawan, Kapamigatan at Kagandahanng Pananalita ang mga Simulain ng Pagpapahayag

1. Kalinawan

Ipinalalagay na may kalinawan ang isang pahayag kung ito ymedaling maunawaan : tatlong bagay na
makatutulong upang medaling maunawaanang isang pahayag:(a) Gumamit ng mga salitang may tiyak na
kahulugan nang hindi mapagkamalan.(b) Ang mga salitang gagamitin ay nararapat na may pagkakaugnay
(pambalarila atpanretorika).(c) Nararapat na wasto ang pagbigkas kung pasalita at wasto ang baybay
kung pasulat.

2. Kapamigatan

Ipinalalagay na mabigat ang isang pahayag kung may mgasumusunod na katangian:(a)


Makatotohanan at ito y di matutuklasang may kasinungalingan pagkalipas ng ilangpanahon. May mga
pahayag na waring totoo kaya t medaling paniniwalaan ngunit sadakong huli ay matutuklasang walang
batayang katotohanan. Hindi dapat na gamitan ngpagmamalabis o eksaherasyon ang pagpapahayag.(b)
Ang pinanggalingan ay isang dalubhasa o may awtoridad sa paksa.(c) Kinakikitaan ng katapatan na tanda
ng pagiging marangal.(d) Binibigyan ng matapat na pagpapahalaga ang karanasan at pananampalataya
ng tao.Dapat pahalagahan ang dignidad ng isang tao.

3. Kagandahan

May kagandahan ang pananalita kung may mga sumusunod:(a) kaakit-akit na pagtutugma ng mga
kahulugang ipinahahayag at tunog ng mga salita.(b) Wastong bigkas ng mga salita.(c) Matalinghaga ang
diwang ipinahahayag.(d) Kalugud-lugod na pagsasama-sama ng mga salita sa pagbuo ng mga
pangungusap nanagdudulot ng pananabik sa nakikinig o bumabasa.(e) Paggamit ng mga salitang
makahulugan, malarawan at maharaya.

Mga Dapat Isaalang-alang Upang MagingEpektibo ang Pagpapahayag

1. Kaisahan

Ang pangkat ng mga pangungusap ay umiikot sa iisang pangkalahatangideya, may isang paksang
pangungusap na nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mgasusuportang pangungusap. Halimbawa:Ang
lansangang ito y hindi bago sa iyong paningin, kahima t tatlong taon kangnalayo at napatungo kung
saang larangan. Ang lansangang ito ang sumaksi sa iyong mgapaglalaro nang ikaw ay isang bata pang
musmos. Ayun ang puno ng akasya, sa tabi nitoay lalong malago ang ligaw na gumamela. Ni hindi pala
inabot ng pagbabago anghalamanan nina Corazon, luma na nga lamang ang kanilang tahanan at
kailangan nangmapintahang muli.

2. Kaugnayan

Dapat na magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy angdaloy ang daloy ng diwa buhat sa
simula hanggang sa dulo ng pahayag. Kinakailangangnasa maayos na pagkakahanay ang mga pangyayari
o ang diwang ipinahahayag ang mgapangyayari o ang diwang ipinahahayag upang maging maliwanag
ang pagkakaugnay-ugnay Halimbawa:Dumadighay pang pumasok si Mang Milyo sa loob. Dinampot ang
latangsigarilyuhan at umupo sa tabing bintana. Bumilot ng isa at nagsindi. Nasisiyahanghumilig sa
palababahan ng bintana at matamang pinanood ang mga nagsasalimbayangalitaptap sa mahinang tikatik
ng ulan. Tumawag ng pansin kay Mang Milyo angnangingibabaw sa nakalatag na katahimikan: Ang
kokakan ng mga palaka. Pinakikingganniyang mabuti. Marami sa palagay niya ang nasa patay na ilog sa
kanilang likod-bahay.Lumalaon, sa pandinig ni Mang Milyo ay nagiging tila isang awit na walang
kawawaanang mga hunihang yaon.

Mula sa : Biyaya ng Tag-ulan ni Anacleto I. Dizon

3. Pagbibigay-Diin

Ang pangunahing layunin ay bigyan-diin ang mahalaga at ialis angmga walang saysay. Halimbawa:Sa
sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag napag-ibig sa lupang tinubuan.
Naunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibangbansa ay isang naakabigat na parusa, at kung
bakit ang mga nawawalay na anak aysasalunga sa bagyo at baha makauwi lamang sa inang bayan. Ung
bakit walang atubilingnaghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio, kung anong apoy ang nagbigay-buhay
saHimagsikan.

PAGPILI NG WASTO AT ANGKOP NA MGA SALITA

Kailangang maging maingat sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa pagpapahayag. May mga salita tayo
na kung tutumbasab sa ibang wika ay tila wasto sakahulugan ngunit maituturing na mali kaya. Hindi
matatangap at lumalabag sa tuntuninng mabuting pagpapahayag.

Mali : Makipot ang bunganga ng sanggol.


Wasto : Makipot ang bibig ng sanggol.
Mali : Maluwang ang bibig ng pating
Wasto : Maluwang ang bunganga ng pating
Mali : May kahali-halinang pagmumukha si Michelle.
Wasto : May kahali-halinang mukha si Michelle.
Mali : Lumalamon na ang mga panauhinWasto : Kumakain na ang mga panauhin
Wasto : Malakas lalamon ang baboy niya.
http://www.scribd.com/doc/34799039/masining-na-pagpapahayag

You might also like