You are on page 1of 1

Repleksiyon: Ang Tribong Bukidnon

Nakakalat ang iba’t ibang tribu ng mga Lumad sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Nakakalat rin ang kanilang mga kuwento ng pagsibol, paglikas, at paglaban mula pa sa panahon
ng ating mga ninuno. Sa katunayan, marami akong natutunan sa iba’t ibang mga paniniwala at
kaugaliang nananalaytay sa tribong mga natalakay sa Bukidnon. Ito’y nagbigay sa akin ng
kaliwanagan at kamalayan sa uri ng kanilang pamumuhay. Kung kaya, bilang isang
mamamayang napabilang sa Bukidnon, napakahalagang tuklasin at pag-aralan ang kahalagahan
ng bawat tribu sa ating lugar. Sapagkat ito’y isang palatandaan lamang ng pagpapahalaga at
pagpapayaman natin sa iba’t ibang kultura sa ating lugar. Ngunit, mahalaga rin’ isipin ang bawat
pangkat-etniko o mga tribu dito sa ating bansa, dahil ito’y isang paraan lamang ng pagkakaisa at
pagmamahal natin sa ating bansang kinabibilangan.
Gayunpaman, napagtanto ko rin na mahalagang tuklasin ang kasaysayan ng bawat tribu
dahil ito’y isa lamang sa mabisang paraan upang mapalawig pa ang ating mga isipan at
pagkakaunawan sa isang lugar. Ngunit, isa rin sa napansin ko na malimit lamang ang
nakakaalam sa pinagmulan at kasaysayan ng isang lugar dahil nga sa walang tiyak na
mapagkukunan ng tamang impormasyon. Tanging natalakay lamang na ang bawat pangalan ng
tribu sa Bukidnon ay nagmula sa mga ilog o tubig sa lugar na kanilang pinanahanan. Sa kabilang
banda, ito’y matatawag kong isang suliranin at kakulangan ng bawat munisipalidad sa lugar ng
Bukidnon, dahil para sa akin marapat lamang na bigyang halaga at kalinawan sa isip ng bawat
mamamayang naninirahan sa lugar kung ano talaga ang tiyak na impormasyon tungkol sa
pinagmulan ng kanilang lugar. Dahil kung iisipin natin, tanging haka-haka lamang ang ating
napupulot na mga impormasyon galing sa mga tao. Gayunpaman, ang ninanais ko lamang
malaman ay kung ano ang kasaysayan sa iba’t ibang lugar at tribu dito sa Bukidnon, dahil kapag
mayroong tiyak na impormasyon tungkol dito ay mas lalong mapapayaman pa ang kultura ng
isang lugar.
Sa pangkalahatan, maraming mga kaugalian at paniniwala ang nakapaloob sa iba’t ibang
tribu sa Bukidnon na hanggang ngayon ay pinapahalagahan at pinapasa parin sa bagong
henerasyon. Ito’y isa lamang sa nagpapatunay na pinapahalagahan at iniingatan parin ang mga
kulturang ating namana sa ating mga ninuno. Dahil katulad sa wika na hanggat ginagamit ay
patuloy patin itong mabubuhay at kailanma’t hindi mamatay dahil sa pagpapahalaga ng bawat
isa.

You might also like