You are on page 1of 3

Reaksyon tungkol sa dokumentaryong

“Jose Rizal: Sa landas ng paglaya

Sa panahon natin ngayon, marami sa atin ngayon ang di alam kung


ano ang mga ginawa ng ating mga bayani, marami satin di alam kung
pano tayo pinagtanggol, pano tayo pinaglaban ng ating mga bayani sa
mga Kastila, mga Hapones at iba pang mga mananakop na nagtangkang
sakopin ang ating bansa. Hindi natin maikakaila na tayo sa ating sarili na
nawawala na ang ating pagkamakabayan at pagmamahal sating bansa
ngayon. Marami din satin na mas pinapahalagahan o mas tinatangkilik
pa ang mga gawa, musika, o mapa lenggwahe man ng mga taga ibang
bansa at nakakabahala ito na baka makalimot tayo kung saang lugar tayo
galing, makalimot tayo kung ano ang pinaglaban ng ating mga bayani,
kung bakit nila ibinuwis ang kanilang mga buhay para makamit lang ang
ating Kalayaan na natatamasa natin hanggang sa ngayon. Hindi naman
masama tumangkilik ng mga hindi atin pero sana huwag tayo makalimot
kung anong meron satin, sabi nga ng ating pambansang bayani na si Gat
Jose Rizal, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa
ang hayop at malansang isda”.
Sino nga ba si Dr. Jose Rizal? Siya ang ating pambasang bayani.
Siya ay isang illustrado. Siya ay isang Doktor, Siya ay isang henyo sa
ano mang larangang kanyan mapili. Siya ang may akda ng mga
nobelang Noli me Tangere o Wag mo ako hawakan sa tagalog, at El
filibusterismo. Pero lingid sa ating mga kaalaman siya ay isang
huwarang anak sa kanyang mga magulang at mabuting kapatid sa
kanyang kuya Paciano. Makikita natin sa unang bahagi ng
dokumentaryo kung pano pinakita ni Rizal ang kanyang pagmamahal sa
kanyang kuya Paciano sa pamamagitan ng pagsulat ng liham bago siya
bitayin sa Bagumbayan o mas kilala ngayon bilang Luneta Park.
Maituturing nating isa si Paciano sa mga naging impluwensya niya
upang mamulat sa mga isyu ng lipunan at sa mga kalabisan ng mga
Kastila. Nabanggit din sa dokumentaryo kung paano naging isang
mahalagang instrumento siya sa pagiging bayani ni Rizal. Si Paciano rin
ay isang bayani, hindi man natin nabibigyan ng pansin ang kanyang
kabayanihan sapagkat nakatago lang siya sa mga anino ni Rizal pero
malaki ang kanyang mga naging papel sa kung ano ang mga narating ni
Rizal. Hindi lang mabuting kapatid si Rizal, isa rin siyang huwarang
anak sa kanyan mga magulang na sina Teodora Alonso Realonda at
Francisco Mercado. Sa pamamagitan ng pagsasadula sa dokumentaryo
sa kanilang pagsasama sa Hong Kong, masasabing isa itong masaya at
masakit na sandal para kay Rizal. Naramdaman niya rito ang saya ng
kanyang mga magulang higit sa lahat naramdaman din niya ang lungkot
dahil sa mga kalbaryong dinadanas ng kanilang pamilya.
Isa si Rizal sa mga mag-aaral na Pilipino na nabigyan ng tyansang
makapag-aral sa Espanya, ang tawag sakanila ay mga illustrado.
Binigyang diin dito kung gaano katalinong estudyante si Rizal.
Bagama’t ang kanyang mga ibang kaklase ay nalulong sa sugal at casa,
di naging hadlang ito sakanya bagkus naging mas pursigido pa siyang
makapagtapos ng pag-aaral.
Naibahagi rin satin mula sa dokumentaryong ito kung paano ang
naging buhay ng ating bayani ng maipatapon siya sa Dapitan.
Binigyang-diin ditto ang Rizal na naging instrumento ng pagbabago sa
Dapitan. Bukod sa panggagamot ng mga pasyenteng hindi makabayad o
walang kakayahang pinansyal para makapagpagamot. Nagtayo rin rito si
Rizal ng paaralang naglayong mabigay ng pormal na edukasyon para sa
mga kabataan. Marami pa ang mga pagbabagong nagawa ni Rizal sa
Dapitan at hindi maikakailang ang karanasan niyang ito ang nagsilbing
daan upang maibsan ang kanyang kalungkutan at panghihina dahil sa
pagkabilango. Mapapansin natin dito na kahit ano pang problema o
kalbaryo ang humadlang sa ating bayani ay hindi ito magiging rason
upang hindi tumulong sa ating kapwa. Ipinakita niya rito kung gaano
niya talaga kamahal ang kanyang lupang sinilangan, gaano niya kamahal
ang kanyang mga kababayan. Hindi siya nagdalawang isip na tumulong
na di naghahangad ng ano mang kapalit.
Sa mga huling parte ng dokumentaryo ay mas lalo naging
emosyonal ang mga mensahe nito. Nakatulong ang masining at
madamdamin na pagbigkas ng Ang Huling Paalam ng ama at mga
kapatid ni Rizal sa paghahatid ng mensahe sa mga manonood. Kung
babalikan natin ang mga tanong tungkol sa mga saysay ni Rizal sa
kasalukuyang panahon, walang dudang may saysay parin sa mga
Pilipino ang ating pambansang bayani. Iginiit ng mga historyador sa
dokumentaryo na may saysay pa rin si Rizal dahil nakalulungkot isiping
nananatili pa rin sa kasalukuyan ang mga isyung panlipunan na kanyan
pinaglaban noon. Hindi man perpekto si Rizal bilang isang indibidwal,
maaring maging huwaran siya ng kabataang Pilipino sa pag-aaral nang
mabuti at pagsisimula ng pagbabago. Tulad ng mga ginawa ni Rizal sa
dapitan, maaari ring magsimula ng aksyon at makibahagi sa panlipunang
pagbabago ang mga kabataang milenyal.
Hindi maikakaila na malaki ang naging ambag ng masining na
paglalahad at interpretasyon ng mga lihan at nobela ni Rizal upang
maipakita sating mga manonood ang pagiging isang mabuting kapatid at
isang mabuting anak. Pinakita rin dito kung ano ang kahalagahan ng
isang pamilya at paano sila naging instrumento sa mga pagtatagumpay
na natamasa ni Rizal.
Tunay ngang sa kahit anong larangan ay isa siyang bayani sa lahat.
Bayaning kailanman ay hindi malilimutan ng bawat Pilipino. Walang
kalayaang natatamasa ang mga Pilipino ngayon kung hindi dahil sa pag-
aksyon ni Rizal. Kamatayan man niya ang kapalit hindi parin siya
natakot at napaghinaan ng loob bagkus ito pa ang naging daan para
magtulong tulong ang iba pang mga bayani para makamit ang ating
kalayaan. Ngunit marami satin ngayon ang hindi na nagbibigay halaga o
importansya sa mga nagawa ng ating mga bayani satin. Marami sa atin
ang nagiging hipokrito lalo na pag patungkol ito sa ating kababayan at
ito ang pinaka-ayaw ni Rizal na ugali ng mga Pilipino. Nakasulat sa isa
sa mga nobela ni Rizal na ito ang isa sa pinakagrabeng sakit ng lipunan
at mapaghanggang ngayon ay isa pa rin ito sa mga ugali ng Pilipino.
Kaya mahalin natin ang ating kapwa Pilipino, mahalin natin ang ating
bayang sinilangan. Para san pa at namatay si Rizal kung tayo hindi natin
magawang mahalin at pahalagahan ang ating inang bayan.

You might also like