You are on page 1of 6

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN EPP 4


2:20-3:00 – IV SILANG
MS. SHAMIL MAY MONIDO
MARCH 4, 2019 MONDAY
I. LAYUNIN:
1. Nababatid at nakikilala ang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan
2. Nakakapili ng mga materyales na matatagpuan sa pamayanan sa paggawa ng kapaki- pakinabang
na proyekto
3. Nakabubuo ng plano sa paggawa ng proyekto

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Iba’t Ibang Materyales na Matatagpuan sa Pamayanan
Sanggunian: EPP4IA-0f-6
Kagamitan: tsart, mga larawan

III. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK
1. Basahin ang rap na nasa Alamin Natin sa LM.
2. Tanungin ang mga bata kung tungkol saan ang rap.
3. Itanong sa mga bata ang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan na
nabanggit sa rap.
B. PAGLALAHAD

1. Talakayin ang iba’t ibang uri ng materyales na matatagpuan sa pamayanan na


nasa Linangin Natin sa letrang A ng LM.
2. Ipalahad sa mga bata ang maaaring gawin sa bawat materyales na nabasa.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Pasagutan sa mga bata ang tanong na nasa Linangin Natin sa letrang B ng LM.

D. PAGSASANIB

Tanunginang mga mag-aaral kung bakit dapat nating pangalagaan ang mga natural na bagay sa ating
kapaligiran. (Integrasyon sa Science).

E. PAGLALAHAT

Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang nabatid nila sa araling ito. Gabayan sila na makabuo ng konsepto
na may mga materyales sa pamayanan na magagamit sa kapaki- pakinabang na proyekto.

IV. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawin Natin sa ng LM. Susi sa pagwawasto:
1. f 4. a
2. e 5. d
3. b

V. TAKDANG- ARALIN:

• Magpasaliksik sa mga mag-aaral ng iba pang mga materyales na matatagpuan sa kanilang pamayanan na
maaaring gamitin sa paggawa ng mga proyekto.
• Gumawa ng talaan at ng mga proyektong maaaring gawin.
• Magpaguhit sa mga mag-aaral ng mga proyektong maaaring gawin mula sa materyales na matatagpuan
sa pamayanan.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN EPP 4


2:20-3:00 – IV SILANG
MS. SHAMIL MAY MONIDO
MARCH 5, 2019 TUESDAY
I. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga instrumento sa pagtataya ng proyekto
2. Napahahalagahan ang nabuong proyekto batay sa sariling puna at puna ng ibang mag- aaral
3. Naisasagawa ang mga puna at suhestiyon ng iba

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Pagpapahalaga sa Natapos na Proyekto
Sanggunian: EPP4IA-0f-6
Kagamitan: tsart halimbawa ng rubrics

III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
1. Ipalabas sa mga mag-aaral ang isang natapos na proyekto sa nakaraang aralin.
2. Ipalahad sa mga mag-aaral kung sila ay nasiyahan sa nabuong proyekto. Itanong din
kung kanino sila humingi ng suhestiyon upang mapaganda pa ang kanilang proyekto.
3. Ipasuri sa mga mag-aaral ang isang halimbawa ng scorecard na nasa Alamin
Natin sa LM

B. PAGLALAHAD

1. Talakayin ang iba’t ibang uri ng instrumento sa pagtataya na nasa Linangin


Natin sa letrang A ng LM.
2. Hayaan ang mga mag-aaral na paghambingin ang iba’ ibang instrumento ng
pagtataya.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Hayaan ang mga mag-aaral na pahalagahan ang kanilang nabu- ong proyekto ayon sa
scorecard na nasa Linangin Natin sa letrang B ng LM.
D. PAGSASANIB

1. Itanong: Sa pagmamarka sa nabuong proyekto, bakit mahalaga na maging tapat ka sa


pagpapahalaga sa ginawang proyekto?

2. Paano mo dapat tanggapin ang mga puna at suhestiyon ng iba tungkol sa iyong natapos
na proyekto? (Integrasyon sa ESP)

E. PAGLALAHAT

Itanong sa mga bata ang kahalagahan ng paggamit ng iba’t ibang instrumento sa


pagtataya sa pagmamarka ng natapos na proyekto.

IV. PAGTATAYA:

Ipasagot ang Gawin Natin sa LM. Susi sa pagwawasto:

1. Mali 4. Mali

2. Tama 5. Tama

3. Tama

V.TAKDANG- ARALIN:

Sabihin sa mga mag-aaral na ipakita ang kanilang proyekto sa mga magulang o kapatid at
hingin ang kanilang puna o suhestiyon, ipatala ito sa kanilang kuwaderno.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN EPP 4


2:20-3:00 – IV SILANG
MS. SHAMIL MAY MONIDO
MARCH 6, 2019 WEDNESDAY
I. LAYUNIN:
1. Nasasabi ang wastong paraan sa pag-aayos ng mga produktong ipagbibili at sa pagbebenta
nito
2. Naisasagawa ang wastong paraan sa pag-aayos ng mga produktong ipagbibili at sa
pagbebenta nito
3. Natututuhan ang mga wastong paraan sa pag-aayos ng mga produktong ipagbibili at
pagbebenta nito

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Wastong Pag-aayos ng Produktong Ipagbibili at Pagbebenta Nito
Sanggunian: Aralin 17 K to 12 Pamantayan sa Pagkatuto, EPP 4 IA Oh-7
Kagamitan: mga larawan ng mga produktong nakaayos sa lalagyan at mga larawan ng mga
pamilihan ng mga iba’t ibang produkto

III. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

Itanong sa mga mag-aaral:


1. Ano-anong mga produkto ang makikita sa mga pamilihan sa inyong pamayanan?
2. Paano iniaayos ng mga may-ari ang kanilang mga produkto sa pamilihan?

B. PAGLALAHAD
1. Pagpapakita sa mga bata ng mga larawan ng mga produkto na makikita sa pamilihan.
2. Pagsasalaysayin ang mga piling bata tungkol sa karanasan kung sila ay nagbebenta at bumibili ng
mga produkto tulad ng mga gift items, mga handicraft, mga laruan, at iba pa.
3. Tatalakayin ng guro ang mga paraan sa pag-aayos ng mga produktong ipagbibili at kung papaano ito
ibebenta sa pamilihan gamit ang nakasanayang pagbebenta at ang paggamit ng ICT (Linangin Natin sa LM)
4. Ipagawa ang Gawin Natin sa LM.
5. Sa paggawa o pagsign-up sa E-commerce site ng mga mag- aaral para maibenta ang kanilang
produkto, ang account ay dapat nakapangalan sa guro.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ang mga mag-aaral ay gagabayan ng guro sa wastong pagsasa- ayos ng mga produktong kanilang
natapos.
- Paglalagay ng frame sa mga nagawang proyekto sa
• Sketching
• Outlining
• Shading
- Sa proyektong natapos sa Gawaing Agrikultura, ICT, at Home Economics
D. PAGSASANIB

EKAWP – Kahalagahang Moral sa Paggawa


HEKASI – Iba’t ibang Produkto na Matatagpuan sa Pilipinas

E. PAGLALAHAT

Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kabutihang naidudulot ng wastong paraan sa pag-aayos ng produktong
ipagbibili at tamang paraan ng pagbebenta nito.

IV. PAGTATAYA:
Ipagawa sa mga bata ang isang tseklist ng mga produktong kanilang nagawa sa ICT, Gawaing-Agrikultura,
Home Economics, at Industrial Arts na maaaring nilang ibenta.

V. TAKDANG- ARALIN
Magpahanda ng isang maikling dula-dulaan at ipakita ang mga natutunan sa aralin.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN EPP 4


2:20-3:00 – IV SILANG
MS. SHAMIL MAY MONIDO
MARCH 7, 2019 THURSDAY
I. LAYUNIN:
1. Naipamamalas ang kakayahan sa pagtutuos ng puhunan, gastos, at kinita
2. Nakapagtutuos ng puhunan, gastos, at kinita
3. Naipakikita ang tamang katuturan at kahalagahan ng pagtutuos

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Pagtutuos ng Puhunan, Gastos, at Kinita
Sanggunian: Aralin 18 K to 12, EPP 4 IA Oh-7
Kagamitan: mga halimbawa ng imbentaryo ng paninda o produkto, tsart, kalkulator

III. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK
Ipakita sa mga mag-aaral ang mga nagawa nilang proyekto. Ipasabi sa kanila kung magkano ang
kanilang ginastos sa mga materyales na ginamit sa kanilang proyekto. Itanong sa kanila kung nais
nilang ibenta ang kanilang proyekto?

B. PAGLALAHAD
 Ipabasa sa mga mag-aaral ang Linangin Natin. Gabayan sila upang masagot ang kanilang
katanungan.
 Palawakin ang talakayan at ipahayag nang mabuti sa mga mag- aaral ang kahalagahan ng puhunan
at kinita.
 Kapag natapos mo nang ipaliwanag ang konsepto ng aralin at naintindihan na ng mga mag-
aaral kung paano ang tamang pagtutuos ng puhunan at kinita, bigyan ng manila paper ang mga
mag-aaral, hatiin sila sa anim na grupo at ipagawa ang gawain A na makikita sa LM.
 Ipaulat sa mga mag-aaral ang kinalabasan ng kanilang ginawa.
Ang araling ito ay maaaring mong isanib sa Matematika

C. PAGPAPALALIM NG GAWAIN

Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain A sa LM. Ipatuos kung magkano ang kinita.

D. PAGLALAHAT

Itanong sa mga mag-aaral upang mabuo nila ang konsepto:

•Kung ikaw ay kikita sa mga ibinenta mong proyekto, paano mapapahalagahan ang
perang kinita mo?

IV. PAGTATAYA:
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain B na makikita sa LM. Ipaunawa sa kanila kung paano
nila sasagutan ito.

V. TAKDANG- ARALIN
Ipagawa sa mga mag-aaral mga gawain sa Pagyamanin Natin A at B. Maaari mong ipagawa ito sa bahay
bilang takdang-aralin.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN EPP 4


2:20-3:00 – IV SILANG
MS. SHAMIL MAY MONIDO
MARCH 8, 2019 FRIDAY

I. LAYUNIN:
1. Naipakikita ang kasanayan sa pagpaplano ng proyekto gamit ang naunang kinita
2. Nakagagawa ng plano ng proyekto gamit ang naunang kinita
3. Napahahalagahan ang pagpaplano ng proyekto gamit ang naunang kinita

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: : Pagpaplano ng Proyekto Gamit ang Naunang Kinita
Sanggunian: Aralin 19 K to 12, EPP 4 IA Oi-8
Kagamitan: mga larawan ng ibat ibang proyekto, bond paper, lapis

III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Pagpapakita ng mga larawang maaaring mapagkakitaan gamit ang naunang kinita sa mga
proyektong ginawa tulad ng pamaypay, head band, at iba pa.

B. PAGLALAHAD

Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng planong pamproyekto sa pamamagitan ng


sumusunod na balangkas:
I. Pangalan ng Proyekto
II. Mga Layunin
III. Mga Kagamitan
IV. Pamamaraan sa Paggawa

Pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang napiling proyekto.


Ipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng plano ng proyek- to.
Magpakitang gawa sa pagpaplano ng proyekto.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

1. Gamit ang hakbang sa pagbuo ng plano ng proyekto, planuhin ang proyekto gamit ang
unang kinita sa pagtitinda. Balikan ang nakaraang aralin para makita ang listahan ng kinita
2. Sagutan ang sumusunod na talaan.

Pangalan: _____________ IV. PAGTATAYA:


Pangalan ng Proyekto:__________
Ibigay ang tamang sagot.
I. Proyekto Bilang
II. Layunin 1. Dito makikita ang halaga na
III. Sketch kakailanganin sa pagbuo ng
IV. Talaan ng Materyales proyekto.
V. Hakbang sa Paggawa 2. Nagsasabi kung ano ang pangalan
VI. Talaan ng Kasangkapan ng proyekto.
3. Ito ang itsura ng natapos na
D. PAGSASANIB proyekto.
4. Dito makikita ang kagamitan sa
Pagkakaroon ng moralidad sa paggawa. pagbuo ng proyekto.
Pagiging masikap at matiyaga upang 5.Nagsasabi ng sunod-sunod na
matapos ang gawain. paraan sa pagbuo ng plano ng proyekto.

E. PAGLALAHAT V. TAKDANG- ARALIN


Itanong sa mga mag-aaral:
Magsaliksik sa wastong pag-iingat at
1. Ano ang dapat tandaan sa pagbuo ng plano ng pagmamalasakit sa kapaligiran
proyekto?

2. Tumawag ng ilang mag-aaral ipasabi kung


ano-ano ang hakbang sa pagbuo ng plano ng proyekto.

You might also like