You are on page 1of 6

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN EPP 4


2:20-3:00 – IV SILANG
MS. SHAMIL MAY MONIDO
MARCH 11, 2019 MONDAY
I. LAYUNIN:
1. Naipamamalas ang kakayahan sa pagtutuos ng puhunan, gastos, at kinita
2. Nakapagtutuos ng puhunan, gastos, at kinita
3. Naipakikita ang tamang katuturan at kahalagahan ng pagtutuos

II. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Pagtutuos ng Puhunan, Gastos, at Kinita


Sanggunian: Aralin 18 K to 12, EPP 4 IA Oh-7
Kagamitan: mga halimbawa ng imbentaryo ng paninda o produkto, tsart, kalkulator

III. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK
Ipakita sa mga mag-aaral ang mga nagawa nilang proyekto. Ipasabi sa kanila kung magkano ang kanilang
ginastos sa mga materyales na ginamit sa kanilang proyekto. Itanong sa kanila kung nais nilang ibenta ang
kanilang proyekto?

B. PAGLALAHAD

 Ipabasa sa mga mag-aaral ang Linangin Natin. Gabayan sila upang masagot ang kanilang katanungan.
 Palawakin ang talakayan at ipahayag nang mabuti sa mga mag- aaral ang kahalagahan ng puhunan at kinita.
 Kapag natapos mo nang ipaliwanag ang konsepto ng aralin at naintindihan na ng mga mag-aaral kung
paano ang tamang pagtutuos ng puhunan at kinita, bigyan ng manila paper ang mga mag-aaral, hatiin sila sa
anim na grupo at ipagawa ang gawain A na makikita sa LM.
 Ipaulat sa mga mag-aaral ang kinalabasan ng kanilang ginawa.
Ang araling ito ay maaaring mong isanib sa Matematika

C. PAGPAPALALIM NG GAWAIN

Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain A sa LM. Ipatuos kung magkano ang kinita.

D. PAGLALAHAT

Itanong sa mga mag-aaral upang mabuo nila ang konsepto:

•Kung ikaw ay kikita sa mga ibinenta mong proyekto, paano mapapahalagahan ang perang
kinita mo?

IV. PAGTATAYA:

Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain B na makikita sa LM. Ipaunawa sa kanila kung paano nila
sasagutan ito.

V. TAKDANG- ARALIN

Ipagawa sa mga mag-aaral mga gawain sa Pagyamanin Natin A at B. Maaari mong ipagawa ito sa bahay bilang
takdang-aralin.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN EPP 4


2:20-3:00 – IV SILANG
MS. SHAMIL MAY MONIDO
MARCH 12, 2019 TUESDAY
I. LAYUNIN:
1. Naipakikita ang kasanayan sa pagpaplano ng proyekto gamit ang naunang kinita
2. Nakagagawa ng plano ng proyekto gamit ang naunang kinita
3. Napahahalagahan ang pagpaplano ng proyekto gamit ang naunang kinita

II. PAKSANG ARALIN:

Paksa: : Pagpaplano ng Proyekto Gamit ang Naunang Kinita


Sanggunian: Aralin 19 K to 12, EPP 4 IA Oi-8
Kagamitan: mga larawan ng ibat ibang proyekto, bond paper, lapis

III. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

Pagpapakita ng mga larawang maaaring mapagkakitaan gamit ang naunang kinita sa mga proyektong
ginawa tulad ng pamaypay, head band, at iba pa.

B. PAGLALAHAD

Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng planong pamproyekto sa pamamagitan ng sumusunod na


balangkas:
I. Pangalan ng Proyekto
II. Mga Layunin
III. Mga Kagamitan
IV. Pamamaraan sa Paggawa

Pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang napiling proyekto.


Ipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng plano ng proyek- to.
Magpakitang gawa sa pagpaplano ng proyekto.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

1. Gamit ang hakbang sa pagbuo ng plano ng proyekto, planuhin ang proyekto gamit ang unang kinita
sa pagtitinda. Balikan ang nakaraang aralin para makita ang listahan ng kinita
2. Sagutan ang sumusunod na talaan.
4. Dito makikita ang kagamitan sa
Pangalan: _____________ pagbuo ng proyekto.
Pangalan ng Proyekto:__________ 5.Nagsasabi ng sunod-sunod na paraan sa
I. Proyekto Bilang pagbuo ng plano ng proyekto.
II. Layunin
III. Sketch V. TAKDANG- ARALIN
IV. Talaan ng Materyales
V. Hakbang sa Paggawa Magsaliksik sa wastong pag-iingat at
VI. Talaan ng Kasangkapan pagmamalasakit sa kapaligiran

D. PAGSASANIB

Pagkakaroon ng moralidad sa paggawa.


Pagiging masikap at matiyaga upang
matapos ang gawain.

E. PAGLALAHAT
Itanong sa mga mag-aaral:

1. Ano ang dapat tandaan sa pagbuo ng plano ng proyekto?

2. Tumawag ng ilang mag-aaral ipasabi kung ano-ano


ang hakbang sa pagbuo ng plano ng proyekto.

IV. PAGTATAYA:

Ibigay ang tamang sagot.

1. Dito makikita ang halaga na kakailanganin sa pagbuo


ng proyekto.
2. Nagsasabi kung ano ang pangalan ng proyekto.
3. Ito ang itsura ng natapos na proyekto.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN EPP 4


2:20-3:00 – IV SILANG
MS. SHAMIL MAY MONIDO
MARCH 13, 2019 WEDNESDAY
I. LAYUNIN:
1. Naibabahagi ang mga pag-iingat at pagmamalasakit sa kapaligiran sa pagpaplano at pagbuo ng produkto
tungo sa patuloy na pag- unlad
2. Naisasaalang-alang ang pag-iingat at pagmamalasakit sa kapaligiran sa pagpaplano at pagbuo ng produkto
tungo sa patuloy na pag-unlad at
3. Napahahalagahan nang may pagmamalasakit sa kapaligiran tungkol sa pagpaplano at pagbuo ng produkto
tungo sa patuloy na pag-unlad

II. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Pagsasaalang-alang ng Pag-iingat at Pagmamala Sakit sa Kapaligiran sa Pagpaplano at Pagbubuo ng


Produkto tungo sa Patuloy na Pag-unlad
Sanggunian: Aralin 20 K to 12 EPP4IA Oi – 9
Kagamitan: larawan , CD tape, manila paper, pentel pen

III. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

Ipaawit sa mga mag-aaral ang kantang Kapaligiran. Pagkatapos itanong ang sumusunod:

1. Ano-ano ang dapat gawin para mapag-ingatan ang kapaligiran?

2. Ano-ano ang mga produkto ang maaaring magawa mula sa materyales na makikita sa paligid?
3. Bakit kailangang magkaroon ng pagmamalasakit sa ating kapaligiran?

B. PAGLALAHAD

Umpisahan ang talakayan sa pamamagitan ng pagpapakita ng iba’t ibang larawan ng kapaligiran. Tanungin
ang mga mag-aaral tungkol sa mga nakita nilang larawan. Hayaan silang magbigay ng mga puna tungkol dito.Tanggapin ang
kanilang mga sagot. Isulat ito
sa pisara.

Ipasalaysay sa mga mag-aaral ang mga dahilan kung bakit gi- nagawa ito sa ating kapaligiran. Hayaang mag-isip
ang mga bata.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang Linangin Natin sa LM at talakayin ito.
Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pag-iingat at pagmamalasakit sa kapaligiran.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

1. Gamit ang litratong nakadisplay, gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng 5-10 pangungusap na
nagsasaad kung paano iingatan ang kapaligiran.
2. Dalhin ang mga mag-aaral sa hardin. Ipamasid sa kanila kung ano-anong mga halaman, puno, at damuhan ang
maaaring gamitin sa pagbuo ng proyekto. (Pagsasanib sa EKAWP at HEKASI)

D. PAGLALAHAT

Itanong sa mga bata kung ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pag-iingat at pagmamalasakit sa kapaligiran sa
pagpaplano at pagbuo ng produkto tungo sa patuloy na pag-unlad.

IV. PAGTATAYA:

A. Magtala ng maaari mong imungkahi para sa wastong pag-iingat sa kapaligiran.

B. Pasagutan ang Gawin Natin at gabayan ang mga bata sa pagsasagawa nito.

V. TAKDANG- ARALIN

Magpagawa ng mga repleksiyon sa iyong mga mag-aaral tungkol sa pagmamalasakit sa kapaligiran. Ipagawa
ito sa isang illustration board na may kasamang larawan.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN EPP 4


2:20-3:00 – IV SILANG
MS. SHAMIL MAY MONIDO
MARCH 14, 2019 THURSDAY
I. LAYUNIN:
1. Naiisa-isa ang mga gawi na dapat o di-dapat isaugali upang makatulong sa patuloy na pag-unlad
2. Natututuhan ang mga gawi na dapat o di-dapat isaugali upang makatulong sa patuloy na pag-unlad
3. Naitataguyod ang mga gawi na dapat o di-dapat isa-ugali upang makatulong sa patuloy na
pag-unlad

II. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Mga Gawi na Dapat o Di Dapat Isaugali Upang Makatulong sa Patuloy na Pag-unlad Sanggunian: Aralin 21 K
to 12 EPP4IA Oj – 10
Kagamitan: larawan talangka, walis tingting

III. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK
Magpaskil ng larawan ng mga talangka na nag-uunahan sa pag- akyat sa isang basket. Hayaan ang mga mag-
aaral na magbigay ng kanilang ideya tungkol sa larawan. Isulat sa pisara ang kanilang mga ideya.

B. PAGLALAHAD

Ipakita ang paggamit ng walis tingting at isang pirasong tingting it1. Ano ang ipinakikita ng mga talangka sa
larawan habang sila ay nag-uunahan sa pag- akyat?
2. Ano ang epekto kung buong walis tingting ang gagamitin sa pagwawalis?
3. Papaano kung isang walis tingting lamang ang gagamitin sa pagwawalis?
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Linangin Natin at ipaunawa sa kanila ang kanilang gampanin upang magkaroon ng
patuloy sa pag-unlad.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

1. Ipaliwanag: “No Man is an Island.”

2. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa nasa Gawin Natin

3. Ipasadula sa kanila ang kanilang naihanda kinabukasan. (Pagsanib sa Mapeh)


D. PAGLALAHAT

Ang patuloy na pag-unlad ay nangangahulugan ng tamang paglinang ng ating mga kakayahan upang
makatulong sa sarili at pamilya at higit sa lahat, makatulong din sa ibang tao. Ito ay nagpapakita rin ng
pagpapahalaga sa kinabukasan ng ating bansa tungo sa maunlad na ekonomiya.

IV. PAGTATAYA:

Tseklist OO HINDI

1. Kainggitan ang mga taong umaangat


2. Ayaw tumulong sa kapuwa
3. Purihin ang nakagagawa ng mabuti
4. Awayin ang marurunong
5. Tumulong sa lahat ng pagkakataon

V. TAKDANG- ARALIN

Repleksiyon:

Ang pag-unlad ng kapuwa ay hindi dapat kainggitan, bagkus ito ay magiging inspirasyon sa lahat na bawat isa sa atin
ay magsumi- kap sa buhay.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN EPP 4


2:20-3:00 – IV SILANG
MS. SHAMIL MAY MONIDO
MARCH 15, 2019 FRIDAY

I. LAYUNIN:
1. Nalalaman ang iba’t ibang mga regulasyon at kautusan ng pamahalaang lokal kaugnay sa napiling negosyong
pang serbisyo at produkto
2. Napahahalagahan ang pagtupad sa regulasyon at kautusan ng pamahalaang lokal kaugnay ng napiling
negosyong panserbisyo at produkto
3. Naisasagawa ang iba’t ibang regulasyon at kautusan ng pamahalaang lokal kaugnay sa napiling
negosyong panserbisyo at produkto

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Mga Regulasyon at Kautusan ng Pamahalaang Lokal Kaugnay ng Napiling Negosyong
Panserbisyo at Produkto
Sanggunian: Aralin 21 K-12-EPP4IA Oj11
Kagamitan: tsart, larawan

III. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
1. Magpaskil ng larawan ng sumusunod na may namimili at nagbebenta:
a. Botika
b. Panaderya
c. Sari-sari store
d. Bilihan ng Pagkain
e. Pampasaherong Tricycle

1. Bigyan ng panuto sa pagbibigay ng sariling kuro-kuro batay sa kanilang namasdan sa larawan:

B. PAGLALAHAD

1. Bakit mahalagang nakauniporme ang mga nagtitinda?

2. Bakit iisa ang kulay ng tricycle at nakapila sila sa pagsasakay ng pasahero?

3. Sa paanong paraan isinisilbi ang pagkain sa isang fast food?

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Ipabasa sa mga mag-aaral ang araling ito na nasa LM.
Mga Kautusan at regulasyong lokal sa pagpapatayo ng isang negosyo
1. Kumuha ng permiso sa napiling negosyo para sa operasyon
• Permit sa Baranggay
• Permit sa Bayan/Munisipyo
• Permit sa Siyudad
• Permit sa DTI

2. Magkaroon ng Sanitation at Health Permit kung ang negosyo ay may kinalaman sa pagkain.
Kantina Restaurant
Karinderya Turo-turo

D. PAGLALAHAT
Sa isang negosyong panserbisyo, dapat na sumunod ang mga negosyante sa mga regulasyong itinakda ng ating
pamahalaan.
IV. PAGTATAYA:

Tseklist OO HINDI

1. Kailangan ba ang lisensya sa pagmamaneho?


2. Dapat bang nakauniporme ang mga nagtitinda?
3. Puwede bang magtinda nang walang permit?
4. Kukuha ka ba ng tauhang walang alam sa serbisyo?

5. Dapat bang malusog ang mga tindera?

V. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Sumunod sa mga regulasyon na ipinatutupad ng pamahalaan upang maiwasan ang abery

You might also like