You are on page 1of 8

 Q1

 Single Answer
 Question
 Ano ang climate change?
 Correct answer
 Pagbabago ng klima sa buong mundo
 Pagtagal ng tag-init sa isang rehiyon
 Paglamig ng klima sa hilaga ng mundo
 Malakas na buhos ng ulan sa buong taon
 Explanation
 Ang pagbabago ay naramdaman noong kalagitnaan ng ika-20 siglo at nagpapatuloy. Iniuugnay ito sa pagtaas ng antas
ng carbon dioxide sa atmospera mula sa paggamit ng fossil fuels.
 Report errors
 Q2
 Single Answer
 Question
 Ano ang iba pang tawag sa climate change?
 Correct answer
 global warming
 greenhouse effect
 adaptation
 fossil fuels
 Explanation
 Ang climate change ay nagdudulot din ng labis na pag-init ng temperatura ng mundo dahil sa mataas na greenhouse gas
emissions sa hangin.
 Report errors
 Q3
 Multiple Choice
 Question
 Aling mga konsepto ang kumakatig sa climate change?
 Correct answer
 Hindi normal na kondisyon ng klima
 Dulot ng pagdami ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina
 Nagdudulot ng malulubhang pagbaha at tagtuyot
 Likas o natural ang kadahilanan
 Explanation
 Natumbok ng mga siyentista na ang climate change ay hindi lamang dahil sa mga likas na kadahilanan. Malaki ang ambag ng
mga tao sa suliraning ito.
 Report errors
 Q4
 Single Answer
 Question
 Ang mauunlad na bansang A at Z ay hindi sumang-ayon sa isang kasunduan. Mahalaga ito upang patuloy na mabawasan ang
panganib na dulot ng greenhouse gas emissions. Alin ang alternatibong solusyon ng mga bansang lumagda rin sa
kasunduang ito?
 Correct answer
 Magpatupad ng kani-kaniyang batas na kapareho ng nakasaad sa kasunduan.
 Magkani-kaniyang diskarte sa paggawa ng polisiya ang mga bansa.
 Pabayaan na lamang ang malubhang epekto ng climate change.
 Tuluyang ibasura ang kasunduan at gumawa ulit ng bago.
 Explanation
 Kung hindi naging epektibo ang isang pandaigdigang kasunduan kaugnay ng paglaban sa climate change, kailangang
magpatuloy ang mga bansang lumagda rito na supilin ang epekto nito sa pamamagitan ng paggawa at pagpapatupad ng mga
batas na may parehong alituntunin.
 Report errors
 Q5
 Multiple Choice
 Question
 Anong nangyayari kapag ang isang komunidad ay malubhang naaapektuhan ng climate change?
 Correct answer
 Binabaha ang mga pangunahing lansangan.
 Nalulugi ang kabuhayan ng mga magsasaka.
 Bumababa ang presyo ng mga gulay.
 Dumarami ang bumibili ng mga sasakyan.
 Explanation
 Ang matinding pagbaha at pagkatuyo ng sakahan ay mga negatibong epekto ng climate change.
 Report errors
 Q6
 Correct Order
 Question
 Alin ang tamang pagkakasunod-sunod?
 Correct answer
 Dumami ang bilang ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina sa mga lungsod.
 Tumaas ang antas ng polusyon dahil sa pagkalat ng carbon dioxide sa hangin.
 Tumindi ang init sa buong mundo.
 Tumaas ang tubig sa Arctic Ocean dahil sa pagkatunaw ng yelo.
 Explanation
 Una, ang mga tao ay nag-aambag sa climate change (paggamit ng mga sasakyan). Ikalawa, nagkakaroon ito ng epekto
(polusyon). Ikatlo, nanganganak ito ng mas malaking epekto (matinding init), Panghuli, nararanasan ng buong mundo ang
pinakamatinding epekto (pagtaas ng lebel ng tubig na nakapipinsala na sa buong mundo).
 Report errors
 Q7
 Single Answer
 Question
 Paano malalabanan, kung hindi man tuluyang malulutas, ang hamon ng climate change?
 Correct answer
 Magpatupad ng batas kaugnay ng paggawa at pag-e-export ng eco-friendly vehicles.
 Dumalo sa mga pandagdigang pulong na nagsusulong ng hustisya at liberalismo.
 Magpaskil sa mga social networking site ng mga larawan tungkol sa kalikasan.
 Magtayo ng negosyong magbebenta ng mga produktong tutugon sa abnormal na panahon.
 Explanation
 Ang adaptation o pag-akma ng kabuhayan ng mga mamamayan sa hamon ng climate change ay isang mabuting tugon na
ginagawa ng bansang Japan upang masupil ang suliraning pangkalikasang ito.
 Report errors
 Q8
 Single Answer
 Question
 Ano ang maaaring mahinuha sa aspektong panlipunan ng climate change?
 A. Kahit doble-kayod na ang mga bansa sa paniniguro ng kaligtasan ng mga tao, marami pa ring suliraning
kinahaharap.
 B. Mas pinangangambahan ng mga tao ang kanilang kapakanan at kaligtasan.
 Correct answer
 Parehong tama ang A at B.
 Parehong mali ang A at B.
 Tama ang B; mali ang A.
 Tama ang A; mali ang B.
 Explanation
 Sa kabila ng mga nakalatag na polisiya tungkol sa climate change, tila hindi nito natutugunan ang maraming suliraning
panlipunan. Ang peligro ng mga tao sa climate change ay hindi lamang sa kung gaano kahantad sa mga kalamidad, gayundin
ang potensiyal na pagliit o pagkawala ng kanilang kaligtasan mula sa mga ito.
 Report errors
 Q9
 Single Answer
 Question
 Ano ang maaaring mahinuha sa aspektong pang-ekonomiya ng climate change?
 A. Hindi apektado ang kabuhayan ng mauunlad na bansa.
 B. Tiyak na ng mga eksperto ang mga hakbang sa pagpapanatiling stable ng ekonomiya.
 Correct answer
 Parehong mali ang A at B.
 Parehong tama ang A at B.
 Tama ang B; mali ang A.
 Tama ang A; mali ang B.
 Explanation
 Apektado ng climate change ang kabuhayan ng buong mundo. Patuloy na lumilikha ng polisiya ang mga pamahalaan kahit
walang katiyakan kung ito ay magiging epektibo.
 Report errors
 Q10
 Single Answer
 Question
 Ano ang maaaring mahinuha sa aspektong pampolitika ng climate change?
 A. Suliranin ng mga pamahalaan ang gastusin.
 B. Kailangan ng bawat pamahalaan ng pangmatagalang plano.
 Correct answer
 Parehong tama ang A at B.
 Parehong mali ang A at B.
 Tama ang B; mali ang A.
 Tama ang A; mali ang B.
 Explanation
 Dahil sa patuloy na paglala ng climate change, malaki ang gastusing kailangan para dito.

Q1

Multiple Choice

Question
Alin ang mga sumusuporta sa konsepto ng climate change?
.

Correct answer

Ang pagdalas ng matitinding pagbagyo at tagtuyot na hindi pangkaraniwang nangyayari.


Ang pagbabago ng klimang kaakibat ang matinding pagtaas ng temperatura ng mundo.
Ang pagpapanatili ng mga pamahalaan sa isang mundong kaaya-ayang tirahan.
Ang pag-aambag sa sustainable development na pakikinabangan ng susunod na henerasyon.

Explanation

Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo. Iniuugnay ito sa paggamit ng fossil fuels. Ilan sa mga
epekto ng climate change ay ang malubhang tagtuyot, matitinding pagbagyo, pag-ulan, pagbaha, wildfires, heat waves, at iba pa.

Report errors
Q2

Single Answer

Question

Anong ahensiya ng pamahalaan ang may tungkuling makipag-ugnayan, bumalangkas, sumubaybay, at sumuri ng mga programa at
mga pagkilos hinggil sa climate change?

Correct answer

Climate Change Commission


Office of the President
Department of Environment and Natural Resources
Philippine Task Force on Climate Change

Explanation

Ang Climate Change Commission ay itinataguyod upang makipag-ugnayan, bumalangkas, sumubaybay, at sumuri ng mga programa at
mga pagkilos hinggil sa pagbabago ng klima. Ang ahensiyang ito ay binuo sa ilalim ng Republic Act No. 9729 na kilala bilang Climate
Change Act of 2009.

Report errors
Q3

Single Answer

Question

Ano ang ibang tawag sa Republic Act No. 9729?

Correct answer

Climate Change Act of 2009


Philippine Clean Air Act
National Authority for Clean Development Mechanisms
Promotion of Green Development

Explanation

Ang Republic Act No. 9729 ay kilala bilang Climate Change Act of 2009.

Report errors
Q4

Single Answer

Question

Saan pinakanararamdaman ang epekto ng climate change?

Correct answer

South Sudan
Russia
Australia
North Korea

Explanation

Ang South Sudan ay isang bansa sa gitnang bahagi ng Africa. Higit na nararamdaman ang epekto ng climate change sa mga bansang
umuunlad pa lamang kaysa sa mauunlad na.

Report errors
Q5

Single Answer

Question

Alin ang isa sa mga tungkulin o gawain ng World Health Organization kaugnay ng climate change?

Correct answer

Nagbibigay ito ng libreng gamot at pagkain sa mga batang apektado ng malnutrisyon.


Tinitiyak nitong malinis ang hanging nalalanghap ng mga mamamayan sa mga lungsod.
Pinupondohan nito ang mga proyektong nagpapababa ng greenhouse gas emissions.
Nagmamasid ito sa kondisyon ng papawirin tuwing may parating na malakas na bagyo.

Explanation

Tungkulin ng World Health Organization na panatilihing nasa mabuting kalagayan ang kalusugan ng mga mamamayan.

Report errors
Q6

Single Answer

Question

Ang climate change ay malaking banta sa hanapbuhay. Alin ang halimbawa nito?

Correct answer

Natutuyo ang mga sakahan.


Mabilis na natutunaw ang niyebe.
Dumarami ang mga sasakyan.
Nasusunog ang mga kagubatan.

Explanation

Ang pagsasaka ay napipinsala ng climate change. Malaki ang epekto nito sa kabuhayan o ekonomiya ng mundo.

Report errors
Q7

Single Answer

Question

Bilang isang bansang umuunlad pa lamang, hindi sapat ang mga imprastrukturang ng Pilipinas para harapin ang mabibigat na hamon
ng climate change. Alin ang pinakamabisang tugon upang mapangalagaan, kahit paano, ang mga mamamayan laban sa malulubhang
epekto ng climate change?

Correct answer

Ang pakikipagsanib-puwersa ng mga departmento sa mga internasyonal na kompanya upang mapahusay ang
kakayahan ng mga negosyante na gumamit ng mga estratehiyang environment-friendly.
Ang pag-asa sa tulong-pinansiyal ng International Monetary Fund at paggamit dito hindi lamang sa mga aspekto
ng climate changekung hindi pati na sa iba pang larangan ng lipunan.
Ang pagtaliwas sa mga tuntunin ng UN Framework Convention on Climate Change na nananawagan sa mga
pamahalaan na i-promoteang edukasyon, pagsasanay, at kamalayang publiko.
Ang paggawa ng mga sariling batas hinggil sa kahirapan at kagutumang dulot ng climate change na hindi tinitingnan
ang mga suhestiyon ng mga pandaigdigang samahan.

Explanation
Ang pakikipagtulungan ng mga sangay ng pamahalaan sa mga pribadong tanggapan at mga pandaigdigang samahan ay isang paraan
upang matugunan ng bansa ang mga hamong dulot ng climate change.

Report errors
Q8

Single Answer

Question

Ano ang maaaring mahinuha mula sa mga polisiya, programa, at patakaran ukol sa climate changekaugnay ng kooperasyon at
pananalapi?

A. Sa paglutas ng mga suliraning hatid ng climate change, ang mga tao ang pinakamabisang sandata.

B. Inaasahan din ang tulong-pinansiyal mula sa mga bansang umuunlad pa lamang.

Correct answer

Parehong tama ang A at B.


Parehong mali ang A at B.
Tama ang A; mali ang B.
Tama ang B; mali ang A.

Explanation

Tao rin ang gagawa ng paraan upang malutas ang mga suliraning siya rin ang gumawa. Lahat ng bansa ay may tungkuling tumuwang,
lalo na aspektong pinansiyal, para sa ikasusulong ng kampanya para sa climate change.

Report errors
Q9

Single Answer

Question

Ano ang maaaring mahinuha mula sa mga polisiya, programa, at patakaran ukol sa climate changekaugnay ng edukasyon at
teknolohiya?

A. Mas napadadali ang paglutas sa mga hamon ng climate change gamit ang makabagong teknolohiya.

B. Kailangang manguna at ibahagi ng mauunlad na bansa ang kaalaman sa paglutas ng mga suliraning kaugnay ng climate
change sa mga bansang umuunlad pa lamang.

Correct answer

Tama ang A; mali ang B.


Tama ang B; mali ang A.
Parehong tama ang A at B.
Parehong mali ang A at B.

Explanation

Naabot ng tao ang ganito kaunlad na kaalaman/teknolohiya dahil ito rin ang magiging sandata niya sa mga balakid na kinahaharap.
Kahit anong bansa, anuman ang katayuan, ay maaaring manguna at ibahagi sa lahat ang kaalaman kaugnay ng climate change.

Report errors
Q10

Single Answer

Question

Ano ang maaaring mahinuha mula sa mga polisiya, programa, at patakaran ukol sa climate changena ipinatutupad sa Pilipinas?

A. Sapat ang badyet ng pamahalaan para sa kampanya laban sa climate change.

B. Lahat ng programa, polisiya, at patakaran ay nakaayon sa pandaigdigang kampanya.

Correct answer

Tama ang B; mali ang A.


Tama ang A; mali ang B.
Parehong tama ang A at B.
Parehong mali ang A at B.

Explanation

Kapos ang badyet ng Pilipinas, gayunpaman, seryoso ito sa kampanya laban sa climate change. Nakatukod ang Pilipinas sa mga
pandaigdigang programa, polisiya, at patakaran ng UN.

 Q1

 Single Answer
 Question
 Ano ang sanhi ng pagkamatay ng mga hayop tulad ng mga walrus, polar bear, at penguin?
 Correct answer
 natutunaw ang tirahan
 kakapusan sa pagkain
 binabaha ang lugar
 nakararanas ng heat stroke
 Explanation
 Ang pagtaas ng temperatura sa mundo ay humahantong sa pagkatunaw ng nagyeyelong bahagi nito kung saan nakatira ang
mga walrus, polar bear, at penguin. Ang tirahang ito ay sensitibo sa pagbabago ng temperatura.
 Report errors
 Q2

 Multiple Choice
 Question
 Ano-ano ang epekto ng climate change sa mga magsasakang Pilipino?
.
 Correct answer
 Iniiwan ang hanapbuhay na ito at naghanap ng ibang mapagkakakitaan.
 Nasisira ang mga bahay, kagamitan, at ani dahil sa mga pagbagyo, pagbaha, at taguyot.
 Walang epekto ang climate changesa pagsasaka sa Pilipinas dahil kapuluan ang bansa.
 Nagpoprotesta ang mga magsasaka dahil sa kawalan ng aksiyon ng pamahalaan sa climate change.
 Explanation
 Ang climate change ay nakapipinsala sa mga kagamitan, tirahan, at ani ng mga magsasaka. Dahil dito, napipilitan silang
iwanan ang pagsasaka upang maghanap ng ibang hanapbuhay.
 Report errors
 Q3

 Single Answer
 Question
 Aling pangungusap ang nagsasaad ng tamang impormasyon?
 Correct answer
 Ang paggamit ng reusable o recyclable packaging ay nakaiiwas sa pagdami ng basura.
 Ang pagre-recycle ay isang maling gawain dahil malaking bahagi ng oras ang nagugugol dito.
 Mainam na gumamit ng landfillsupang mabawasan ang mga basura sa daigdig.
 Ang greenhouse gas na methane ay nakabubuti sa kapaligiran dahil sa taglay nitong kemikal.
 Explanation
 Mainam na gumamit ng mga lalagyang reusable o maaaring gamiting muli upang mabawasan ang basura sa mga komunidad.
Ang pag-iwas sa pagdami ng basura sa pamamagitan ng pagre-recycleay nakatutulong sa pagbawas ng carbon footprints.
 Report errors
 Q4

 Single Answer
 Question
 Si Justin, labing-anim na taong gulang, ay nakatira sa tabing-dagat. Ang kaniyang ama ay mangingisda at ang kaniyang ina ay
isang maybahay. Siya ay may limang nakababatang kapatid. Dahil sa climate change, namamatay ang mga isda. Dahil dito,
hindi na kayang tustusan ng pangingisda ang kanilang pamilya. Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong si Justin sa
sitwasyong ito?
 Correct answer
 Dumulog siya sa punumbayan at isangguni ang suliranin.
 Hayaan na lamang niya ang problema sa kaniyang mga magulang.
 Magsaliksik siya kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda.
 Tumigil muna siya sa pag-aaral upang makapaghanapbuhay.
 Explanation
 May magagawang paraan ang mga mamamayan upang makatulong sa paglaban sa epekto ng climate change. Maaari tayong
humingi ng tulong at magpakita ng malasakit sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan
 Report errors
 Q5

 Single Answer
 Question
 Aling hayop ang maituturing nang endangered species dahil sa climate change?
 Correct answer
 korales
 dikya
 bangus
 dodo
 Explanation
 Ang endangered species ay mga hayop o halamang malapit nang maubos dahil sa climate change, maling gawain ng mga
tao, at iba pang salik. Samantalang matagal nang wala ang mga dodo, nanganganib na ring maubos ang mga korales.
 Report errors
 Q6

 Single Answer
 Question
 Anong nangyayari kapag tumataas ang presyo ng mga bilihin o pagkain na dulot ng mga pagbagyo o mahabang tagtuyot?
 Correct answer
 Nahihirapang magkaroon ng pagkain ang mahihirap.
 Inilalako ng mga tindera ang mga gulay at prutas.
 Walang namamalengke sa panahong may bagyo.
 Tumataas ang kita ng mga pamilihang bayan.
 Explanation
 Posibleng magkaroon ng taggutom dahil sa climate change. Pinakaapektado sa paggalaw ng presyo ng mga pagkain o bilihin
ang mahihirap.
 Report errors
 Q7

 Single Answer
 Question
 Alin ang maituturing na panlipunang epekto ng climate change?
 Correct answer
 Ang pagdami ng mga batang malnourished
 Ang pambihirang insidente ng pagbaha sa Middle East
 Ang pagkaubos ng mga puno sa mga kagubatan
 Ang pagliit ng kinikitang pera ng mga mangingisda
 Explanation
 Ang pagiging malnourished ng mga bata ay isang epektong panlipunan ng climate change. Ito ay may kinalaman sa
kalusugan ng mga mamamayan.
 Report errors
 Q8

 Single Answer
 Question
 Kung magpapatuloy, ano ang maaaring mahinuhang epekto ng climate change sa kabuhayan?
 A. Babagsak ang ekonomiya ng mundo.
 B. Ligtas sa matitinding epekto ng climate change ang mga bansang may apat na uri ng klima.
 Correct answer
 Tama ang A; mali ang B.
 Tama ang B; mali ang A.
 Parehong tama ang A at B.
 Parehong mali ang A at B.
 Explanation
 Ang epekto ng climate change ay pandaigdigan. Kung magpapatuloy, malalagay sa panganib ang sangkatauhan.
 Report errors
 Q9

 Single Answer
 Question
 Kung magpapatuloy, ano ang maaaring mahinuhang epekto ng climate change sa kapaligiran?
 A. Tataas ang antas ng tubig sa mga karagatan.
 B. Liliit ang bilang ng mga hayop at halaman.
 Correct answer
 Parehong tama ang A at B.
 Parehong mali ang A at B.
 Tama ang B; mali ang A.
 Tama ang A; mali ang B.
 Explanation
 Sa pagkatunaw ng mga yelo sa North and South Poles, tataas ang lebel ng tubig sa mga karagatan (Pacific, Atlantic, Indian,
at iba pa). Dahil sa hindi pangkaraniwang init o lamig at iba pang salik, nangamamatay ang mga hayop at halaman.
 Report errors
 Q10
 Single Answer
 Question
 Kung magpapatuloy, ano ang maaaring mahinuha ng epekto ng climate change sa Pilipinas?
 A. Mariresolba ang usapin sa pagitan ng China at Pilipinas kaugnay ng pag-aangkin ng pagmamay-ari sa South China
Sea.
 B. Tataas ang antas ng kamalayan at kamuwangan ng mga Pilipino tungkol sa climate change.
 Correct answer
 Tama ang B; mali ang A.
 Parehong tama ang A at B.
 Parehong mali ang A at B.
 Tama ang A; mali ang B.
 Explanation
 Sa ngayon, nagiging mapagmalasakit na ang mga Pilipino sa kapaligiran dahil sa nararamdamang epekto ng climate
change sa bansa. Walang katiyakan kung ang usapin ng climate change ay makaaapekto sa alitan ng China at Pilipinas sa
pagmamay-ari sa bahagi ng South China Sea.

You might also like