You are on page 1of 3

DOANE CHRISTIAN INTERNATIONAL SCHOOL FOUNDATION INC.

5th Avenue Ledesco Village, La Paz, Iloilo City

Score

FILIPINO 10
2ND SUMMATIVE TEST ______ ______
70 Lagda ng
magulang
Pangalan:_________________________________ Petsa: __________________

A. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Pagpapahayag ng mga kaisipan tungkol sa isang mahalaga at napapanahong isyu o paksa sa paraang pasalita
sa harap ng mga tagapakinig .
a. Anekdota b. talumpati c. kathambuhay d. talambuhay
2. Ang mga kwento tungkol sa mga diyos at diyosa.
a. Mito b. awit c. alamat d. pabula
3. Ang akdang pampanitikan na madalas na ginagamitan ng matatalinghagang pananalita sa taludtod.
a. Nobela b. tula c. dula d. maikling kuwento
4. Ang akdang pampanitikan na nahahati sa mga yugto.
a. Awit b. tula c. dula d. nobela
5. Ang pokus ng pandiwa na pinaglalaanan ng kilos.
a. Sanhi b. layon c. tagaganap d. tagatanggap
6. Ang akdang pampanitikan na hinahati sa mga kabanata ang teksto.
a. Dula b. sanaysay c. nobela d. tula
7. Ang akdang pampanitikan na naglalahad ng personal na pananaw, kuro-kuro, at damdamin ng awtor.
a. Tula b. dula c. sanaysay d. maikling kuwento
8. Ang akdang pampanitikan na tumutukoy sa madulang bahagi ng buhay ng tao na banghay ang
pinakamahalagang bahagi.
a. Tula b. dula c. sanaysay d. maikling kuwento
9. Ang mga salitang ginamit sa tula na nag iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mga mambabasa.
a. Paksang-diwa b. larawang-diwa c. pangunahing-diwa d. imaheng-diwa
10. Binibigyang-pansin ditto ang tao.
a. Humanismo b. historikal c. moralistiko d. sosyolohikal
11. Teksto ang pokus ng dulog na ito.
a. Pormalistiko b. moralistiko c. humanismo d. sosyolohikal
12. Ang kilos o asal ng mga tauhan ay binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan na ito.
a. Humanismo b. moralismo c. sosyolohikal d. historikal
13. Paghahambing ng dalawang bagay gamit ang mga salitang gaya, tulad, kawangis, parang, wari, tila, at iba
pa.
a. Pagwawangis b. pagtutulad c. pagpapalit-tawag d. pagpapalit-saklaw
14. Tulang nagtataglay ng labing-apat na taludtod at may sukat na sampung pantig sa bawat taludtod.
a. Dalit b. soneto c. oda d. elehiya
15. Ang pakikipag-usap sa isang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao.
a. Pagtawag b. pag-usal c. pagbulong d. panawagan
16. Banghay na itinuturing na tradisyon.
a. Episodiko b. paikot c. linear d. absurdo
17. Mga katagang isinasama sa pangungusap upang mas maging malinaw ang kahulugan nito.
a. Pananda b. pang-angkop c. ingklitik d. pangawing
18. Pagsasalin ng kilos o gawi ng tao sa bagay.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pagpapalit-saklaw d. pagsasatao
19. Ang teksto ay tinitingnan bilang isang repleksiyon ng panahon kung kailan ito isinulat.
a. Moralistiko b. sosyolohikal c. pormalistiko d. historikal
20. Mga salitang naglalarawan ng tao, bagay, pangyayari, at iba pa.
a. Pandiwa b. pang-uri c. pang-abay d. panghalip
21. Ang banghay na hinahati-hati ang mga pangyayari sa daloy ng pagsasalaysay.
a. Episodiko b. paikot c. linear d. absurdo
22. Tumutukoy sa kaalamang nakuha o natutuhan mula sa akda.
a. Bisa sa isip b. bisa sa damdamin c. bisa sa asal d. bisa sa mambabasa
23. Binibigyang-diin sa pagsusuring ito ang interaksiyon ng mga tauhan.
a. Humanismo b. historikal c. sosyolohikal d. moralismo
24. Tumutukoy sa pag-uugalingnamalas sa akda.
b. Bisa sa isip b. bisa sa damdamin c. bisa sa asal d. bisa sa mambabasa
25. Pokus na ang paksa ng pangungusap ang gumaganap sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
a. Layon b. tagatanggap c. tagaganap d. kagamitan

C. Iayos sa hagdan ang bawat pangkat ng mga salita ayon sa tindi ng damdamin at kahulugan na ipinahahayag ng mga
ito.

(pangamba, ligalig, pag-aalala)

26.

27.

28.

(mabagal, dahan-dahan, malumanay)

29.

30.

31.

(nananangis, umiiyak, napapahagulgol)

32.

33.

34.

(irog, giliw, mutya)

35.

36.

37.

(nakakibo, nakapangusap, nakipagtalo)

38.

39.

40.
III. Gumawa ng isang LIHAM PASASALAMAT pra sa taong gusto nyong pasalamatan. Sundin ang tamang pagsulat ng
bahagi ng liham na may tamang bantas.

__________________________________________
PAMAGAT

________________________
________________________
________________________

__________________________

_____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

______________________

______________________

Inihanda ni:
Bb. JENNY MAE R. MAJESTERIO
Guro

You might also like