You are on page 1of 1

"Mga Patok at nauusong salita ng mga Millennials"

May 15, 2017


Nica Molate

Ano nga ba ang millennials? madalas natin itong naririnig ngunit karamihan saatin ay di alam ang ibig sabihin nito. Ang
mga millennials daw ay ang mga taong nabibilang sa generation Y o Net Generation na kung saan kinalakihan na ang
paggamit ng kompyuter at internet sa kanilang pang araw araw na buhay. Sa ating generasyon ngayon ay halos lahat ng
kabataan ay marunong ng gumagamit ng internet at halos taon taon ay mabilis na nagbabago ang mga teknolohiyang
ginagamit natin. Para makasunod sa mga uso, nais din nating malaman ang mga pagbabago sa ating paligid kaya ang
tanong ko sayo, Isa kaba sa mga millennials na napag iwanan na pagdating sa mga nauusong salita ngayon? Nais mo
bang makahabol at maunawaan ang mga salitang karaniwang ginagamit ng iyong mga kakilala lalo na sa social media?
Kung ganon kami ay naglista ng iilan sa mga patok at mga nauusong salita ng mga millennials na maaaring makatulong
sayo upang ika'y makasunod at makaunawa sakanila.

1. BAE- Ayon sa isang urban dictionary, acronym daw ito ng pariralang “Before Anyone Else.” Pero nanggaling daw
talaga ito sa pet name ng mga magkasintahan na baby o babe at naging popular ito lalo dahil ito ang naging tawag
kay Pambansang Bae Alden Richards. Madalas din itong itawag sa mga lalaking may itsura at masasabi nating gwapo.

2. PABEBE- Ang ibig sabihin nito ay umarteng parang baby o magpa-cute. Tulad din ng salitang Bae, naging popular ang
pabebe dahil sa pabebe wave ng nauusong tambalan ngayon ang Aldub. Ang pabebe wave naman ay ang pa-cute o
mahinhing pagkaway. May ibang kahulugan din ito para sa iba, kumbaga ay maarte o nag iinarte.

3. GALAWANG BREEZY o Hokage- Ito na nga raw ang bagong termino para sa mga kalalakihan na pasimpleng
dumidiskarte sa napupusuang babae. Maaaring nakuha ito sa salitang 'breezy' na ang ibig sabihin ay mahangin, at
ngayo’y nabigyan ng kakaibang kahulugan bilang pagpapalipad-hangin.

4. Tara G! - Kapag tinatanong ka ng iyong kaklase ng "Ano Tara?" kadalasan ang isasagot mo ay Tara,G! pero aminin
ang alam mong ibig sabihin nito ay " Tara,let's Go!" Pwes, ang tunay na ibig sabihin nun ay "Tara, GAME!" Hahaha

5. BEAST MODE- Ang salitang ito ay ginagamit ng mga millennials ngayon upang ipahiwatig na sila ay galit na o naiinis.
Posible raw nagmula ang mga katagang ito sa video game na Altered Beast ng Sega, kung saan nagpapalit-anyo ang
karakter dito at nagiging halimaw.

6. NINJA MOVES - Nagmula raw ito sa mga “ninja” o mga warrior na mayroong kakaibang galing, bilis kumilos, at
diskarte na maisakatuparan ang kanilang misyon nang hindi masyadong napapansin. Kay kung nakakantyawan ka ng
iyong mga kaibigan na nag ninija moves, ibig nilang sabihin ay ikaw ay pasimpleng dumidiskarte ng di napapansin.

7. WALWALAN - Kadalasan nababanggit ang salitang ito sa mga inuman. Nagmula ito sa mga salitang “walang
pakialam,” “walang pangarap” at “walang kinabukasan.”

8. Eme-eme- Ito raw ay salitang beki na pamalit sa mga terms na hindi masabi o maalala. Noong dekada ‘80, ibig
sabihin nito ay “any-any” o kung ano-ano lang. At nung dekada ’90 naman, naging “anik-anik” at ngayon, eme-eme
na!

9. Edi Wow! - ekspresyon na parang sinasabi sayo ng kausap mo na "edi ikaw na!" kaya manahimik kana. Ganern.

Walang mali kung gusto nating makipagsabayan sa mga uso ngayon, mas makakabuti pa to saatin dahil nakakasabay
tayo sa panahon at hindi napag iiwanan hindi ba? Kung kayat tandaan ang ito mga bes!

You might also like