You are on page 1of 6

“ MANORO “ (Ang Guro)

(Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon)


Hinalaw at Isinalin ni
Jet Oria Gellecanao

Mula sa: http://www.google.com.ph/ images

“ MANORO ” (Ang Guro)


Si Jonalyn Ablong na siya mismong gumanap sa Dokumentaryong Pampelikula

Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may suliranin ng “kamangmangan” o
yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na tila nakalimutan na yata ng pamahalaan. Tandaan,
sila ang isa sa mga unang nagpasimula ng ating kabihasnan at kung anong klase at pamamaraan ng
pamumuhay mayroon tayo ngayon. Tunay ngang ito ay isang realisasyon at pagkamulat para sa ating lahat.
Hunyo taong 1991, isang malaking trahedya ang naganap sa Pilipinas, ang pagsabog ng matagal nang
nananahimik na Bulkang Pinatubo sa bahagi ng Zambales at Pampanga, gumimbal ang pangyayaring ito sa
buong daigdig dahil maging ang klima ng daigdig at ilan sa mga bansa nito ay naapektuhan. Ang mga
katutubong Aeta ay napilitang bumaba ng mga kabundukan at nanirahan sa mga patag na lugar malapit sa
kabayanan, kaya naman ito rin ang naging daan upang mabigyan sila ng pagkakataong makapag-aral sa mga
paaralan na malapit rito.

Alamin mo kung paanong ang isang batang babae na nasa ikaanim na baitang sa elementarya maging
sa isang simpleng pamamaraan mula sa kaibuturan ng kaniyang puso ay gumawa ng isang pagbabago sa
kasaysayan ng lahing katutubo.

EKSENA 1 : Araw ng Pagtatapos (Graduation Day)


Establishing Shot sa paaralan at sa buong senaryo. Medium Shot sa iba’t ibang reaksiyon ng mga tao.
Araw ng Graduation sa Sapang Bato Elementary School sa Angeles City. Ito’y napakahalagang araw
para sa mga katutubong Aeta na magtatapos ng elementarya. Isa na rito si Jonalyn Ablong. Hindi
magkamayaw ang lahat. Maririnig ang ilang mga usap-usapan:

Babae1 : Dala mo ba ang camera mo?


Babae 2 : Hindi eh, naisanla ko kahapon.
Ina 1 : Nasaan na si Jonalyn, magsisimula na ang
seremonya.
Batang Babae : Kasama yata si Kulitis, nagme-make-up.
Ina 2 (nakangiti sa anak) : Ang sampagita na ito ay para sa mga ga-
graduate
tulad mo, huwag kang mahiya. Bagay sa ‘yo ‘to.

Nakadaragdag pa sa ingay ng paligid ang malalakas na hagulgol ng mga sanggol. Samantala, muling
maririnig ang ganitong mga usapan:

Estudyante 1 : Aalis na bukas si Kiray, mamamasukan siyang katulong sa


isang Intsik sa bayan.
Estudyante 2 : Gusto ni Jonalyn na makapaghayskul. Tuturuan niya rin kaming magbasa ngayong
summer para makuha niya na rin ang scholarship na gusto niya ngayong Hunyo.
Babae 1 : Isa ka ba sa mga estudyante niya?
Babae 2 : Oo, pati ang pamilya ko, lalo na ngayong Mayo, panahon ng
eleksyon.
SUPER IMPOSE, TITLE AND CREDITS.

Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sa paligid. Nagsimula na ang


teacher-emcee na magpakilala ng mga panauhin. Binanggit ang isa sa mga tanyag na linya: What you
sow, is what you reap. Masaya ang buong paligid, ngunit magulo rin. Sa isang bahagi ng paaralan ay
may maliliit na batang naghaharutan at nag-aaway. Medium close-up shot sa isang mensaheng
nakadikit sa dingding:

“Bawat Graduate, Bayani at Marangal na Pilipino.”

Picture-taking time na, biglang nagtanong ang kanilang guro:

Guro: Dapat labing-anim kayo, nasaan si Pikoy?


Estudyante: Wala po siya, nagpatuli po kasi kahapon.

(Sabay ngumiti na ang mga estudyante para sa lahat ng kanilang mga


picture-taking. Natapos na ang masayang graduation.)

EKSENA 2: Sa Isang Jeep na biyahe patungong


Resettlement Area ng mga katutubo
Long Shot tungo sa Medium Shot sa isang dyip na papunta na sa resettlement area ng mga Aeta
malapit sa paanan ng kabundukan, masaya at nagtatawanan ang mga katutubo sa loob ng dyip.
Tinanong si Jonalyn ng mga kasamahan kung ilan lahat ang mga litrato niya at kung magkano lahat ang
mga ito.

Inang Aeta: Naghanda kami ng kakaining noodles para sa inyong mga


gumradweyt. Ito ay tanda ng ating pasasalamat kay Apo
Namalyari.

Jonalyn: Nung minsang nagluto kami ng noodles sa bahay, parang isang


linggong sumama ang tiyan ni Lolo.” (sabay hagikhikan ang
lahat)

(Samantala, sa taas ng jeep, may ilang batang lalaki na nakaupo roon, binabasa nila ang hawak na
program ng ginanap na graduation. Mahaba ang byahe, maalikabok ang daanan; Close-Up Shot sa
kalawanging gulong ng jeep.)

EKSENA 3: Ang Pangangampanya at ang Komunidad


(Dahil sa nalalapit na ang eleksyon, napadaan ang isang sasakyang nangangampanya, tumilapon ang
mga sample ballot sa kalye, malapit sa mga batang katutubo na nagsisipaglaro)

Bata 1 : Oy akin ‘yan, huwag kayong magulo, tingnan n’yo,


magkakaparehas lahat ang nakasulat sa papel!

(Establishing/Panning Shot sa isang batang Aeta, kumakaripas ng takbo dala ang balota papunta sa
bahay nila)

(Habang papunta sa tindahan, nasalubong ni Jonalyn ang maliliit na batang kaniyang tinuturuan, naliligo
ang mga ito sa isang poso ng tubig, bumati ang mga ito… “ Maaryong aga, mam.”)

Jonalyn: O sige, bilisan n’yo dyan, baka sipunin kayo.

(Samantala, nasalubong niya rin ang isa sa kaniyang mga tinuturuan, tila mabigat ang pasan-pasan sa
likuran)

Jonalyn: Freddie, napraktis mo na ba ang pagsulat mo?


Lalaki: Oo, sinisikap ko
Jonalyn: Nakita mo ba ang Apo (lolo)ko sa bundok?
Lalaki: Hindi, hindi ko siya nakita,
(Naghiwalay sila ng landas at nagpatuloy ng paglalakad si Jonalyn
patungo sa tindahan.)
Babaeng Aeta: “Jonalyn, kunin na ninyo ang bigas na para sa inyo.”
(Habang nakapila ang mga katutubo para sa ipinamamahaging
bigas.)

Jonalyn: Sige po, si Mamang na lang daw po ang kukuha mamaya.

Babaeng Aeta: O sige, kasi pag wala dito hindi na mabibigyan, gusto ko pa
namang ibahagi ang ani ko sa lahat.

EKSENA 4 – Sa Tahanan nina Jonalyn


(Sa tahanan nina Jonalyn: Close-Up Shot sa kaniyang Graduation Picture, pati sa Diploma; pakakainin
ng tinapay ang kaniyang mga kapatid)

Jonalyn: Tigdadalawa lamang ng tinapay ang kada isa, kakain pa rin kasi
sina Mamang at Papang, pero bago ko kayo bigyan, magbibilang muna
tayo ng tinapay, sabayan n’yo ako.
Mga Kapatid: Isa…Dowa…Tatlo…Apat!
(Habang sabay na bumibilang ang maliliit niyang kapatid.)
Nakakagutom lalo ang magbilang.

Ina ni Jonalyn: Jonalyn, pakitsek mo naman eto.


Jonalyn: O, Mamang ba’t dito n’yo sinulat ang pangalan n’yo? (Sabay bura)
Sino ho bang iboboto ny’o, si GMA? Ganito po isulat ang pangalan
niya,tingnan n’yo po at tandaan, ‘di po sapat na alam nyo lamang
ang pagbigkas. (Nang mga sandaling yaon, biglang tinawag ng
kaniyang ama si Jonalyn na nasa taas ng isang puno at inaayos
ang antena ng telebisyon)

Mang Edgar (ama ni Jonalyn): Jonalyn, pakitingnan mo nga kung may nakikita ng tao sa TV!

(Nagdudumaling pumunta si Jonalyn sa kanilang maliit na silid)

Jonalyn: Wala pa, wara pang nakikitang tawo! Malabo! Malabo!

(Bumaba sa puno ang ama, nagmamadali, tila nadupilas, nahulog at bigla ang pagkabagsak; nagulat si
Jonalyn, pinuntahan ang ama, ngunit sa mukha ng kaniyang tatay ay tila walang nangyari)

Mang Edgar: Kelangan na nating sunduin ang Apo (lolo) mo sa bundok.

Jonalyn: Oo nga, ang sabi niya pa naman, bababa siya ng bundok para
makaboto.

Mang Edgar: Ang tigas kasi ng ulo ng lolo mo, sinabi kong huwag nang
manghuli ng baboy-ramo sa bundok at nauubos na ang mga ito
sa ngayon. Tara na, at kelangan na nating umalis ngayon!

EKSENA 5 – Simula ng isang malayong paglalakad


(Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan kung saan
naroon ang mga Koreano, binati nila ang isa’t isa.)

Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn): “Yu nid to fill-up aplikey-shen form for your job”... (ibig
sabihin ay kelangan nitong magpasa ng aplikasyon para sa trabaho)

(Nagpasalamat ang mga ito.)

Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa


at magsulat.
Jonalyn: O sige, para makaboto ka.
Mang Edgar: Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng
oras yan, narinig mo naman ang mga Koreano, kelangan ko
na mag-fill-up ng aplikasyon.

(Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang kanilang Apo Bisen,..mahabang
paglalakad na tila isang walang katapusang paglalakbay,...paglalakbay para sa kinabukasan.)

(Sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang iba’t ibang eksena, ipinakita ang karilagan at
kagandahan ng mga kabundukan na tila humihiyaw ng kinabukasan...maalikabok ang tinatahak na
landas; Ang pagtatangkang sumakay ni Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin na isang mag-uuling
na tinanong niya kung pinag-aralan na nito ang kaniyang mga itinuro; ang pagdaan ng mag-ama sa tila
isang munting sementeryo sa kabundukan kung saan kumaripas ng takbo si Jonalyn, sabay tanong ng
ama kung hanggang ngayon ay takot pa siya sa mga patay. Nasalubong nila si Apo Almario...)

Jonalyn: Apo Almario, nakita nyo po ba ang aking Apo Bisen?

Apo Almario: Hindi, hindi kami nagkita!

Ama: Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok.

Apo Almario: Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas.

Jonalyn: O sige po, salamat, bomoto ka bukas!

(Sabay nagpaalam ang mag-ama kay Apo, sa patuloy nilang paglalakad ay nakita naman ni Jonalyn ang
mga batang nasa taas ng puno, tumutugtog ng plawta at binati siya ng ‘magandang umaga’ ng mga ito,
sinabihan niyang mag-ingat ang mga ito at baka sila ay mahulog. Samantala, sa isang bahagi ng bundok
ay natanaw nila ang isang napakalawak at napakalaking apoy dulot ng kaingin)

Jonalyn: :Sa ginagawa nilang ‘yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon (Malungkot ang mukha)

EKSENA 6 – Patungo na sa Kabundukan


(Habang lumalayo ang nilalakad ng mag-ama ay lalong gumaganda ang mga tanawin sa kabundukan;
sasabayan ito ng isang magandang musika na tila sila ay pumapasok na sa isang bagong daigdig)

(Masayang naliligo ang mga bata sa ilog, mula roon uminom naman ng tubig ang batang Aeta na si
Jonalyn; humuli ng palaka ngunit nasita ng kaniyang ama kaya’t muli niya itong ibinalik sa tubig, sa may
kangkungan, nandiyang siya ay sumandaling umihi, nakatapak rin ng dumi ng kalabaw, naghugas sa
isang bahagi ng ilog-ilogan; sa bahaging yaon ay narinig nila ang isang tinig mula sa kabundukan na
umaawit...isang awit ng papuri:

“Apo Namalyari
Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo
Makapangyarihang Isa
Kami ngayo’y nangagtipon
Dito sa aming taniman
Kayo lamang ang makatutulong sa amin”
(Ang awiting yaon ay tila kumurot sa puso ni Jonalyn; kaya’t siya’y napaawit rin):

“Ako’y nagsabi kay tatay,


Manghuhuli ako ng usa,
“Ako’y nagpaalam kay nanay
Para manghuli ng ibon
Ngunit ako itong nahuli
Ng katutubong Aeta”

(Pumapaitaas na ang paglakad nina Jonalyn sa bahaging iyon ng bundok, nakita nila ang grupo ng mga
Aeta na nagsisipagtanim na sinasabayan ng pagtugtog ng munting gitara ng isang babaeng Aeta)

Mang Edgar: Nakita n’yo ba ang aking Ama?

Mga Katutubo (nagsisipagtanim): Hindi, hindi pa rin siya nagpakita, mga


dalawang araw na ang nakalilipas.

Mang Edgar: Jonalyn, dito ka lang kasama nila, ako na lamang ang
maghahanap sa Apo mo doon sa mas malayo.

Jonalyn: Amang, tara munang magdasal.


(Sabay lumuhod ang mag-ama at itinaas ang mga kamay)

Apo Namalyari...
Sana’y ligtas ang aming Apo Bisen
Tatlong araw na po siyang nawawala
Sana po ay amin siyang makita
Sa lalong madaling panahon
Jonalyn: Amang, mag-ingat ka!

Mga Katutubo: Tara na, sumama ka sa amin, maghanda tayo ng pananghalian!

EKSENA 7 – Ang Pananghalian


(Medium Shot: Ipinakikita ang paghahanda ng pagkain ng mga Aeta, isang sariwang ubod ng saging at
sariwang mga gulay na galing sa kanilang pananim...)

Katutubo: Gulay na naman! Ang paborito ko ay tubang-manok!

Katutubo: (Habang kumakain) ‘Dyuna, turuan mo kami uli kung paano


magbasa at magsulat ah, kasi magboto kami!”

Jonalyn: Sige, pagkatapos nating mananghalian, mag-aaral uli tayo.

(Isang eksena ang kinuhanan pagkatapos ng kanilang pananghalian: Isang batang babae ang
kinukutuhan, nasasaktan ito sa bawat hila ng kanyang mahaba, kulot at matigas na buhok...Maririnig ang
ganitong usapan):

Batang Babae: Tama na, tama na, masaakit!...masaaakit...


Jonalyn: Eh, paano ka magiging reyna niyan eh hindi ka nagpapakuto!
Batang Babae: Kaya nga ayoko na, ayoko nang maging reyna!

(Samantala, sa kabilang panig ng kagubatan,...sa patuloy na paglalakad ng kaniyang amang ay lalong


nagiging mapanganib ang susunod na eksena: Sumalubong sa landas nito ang isang baboy-ramo,
kinagat siya nito sa hita at halos magpambuno sila.)

EKSENA 8 – Araw ng Eleksyon


(Kinabukasan, nagbalik na ang mag-ama mula sa kabundukan, iyon na rin ang araw ng eleksyon. Sa
tahanan ng mga katutubo)

Aling Carol (ina ni Jonalyn): Jonalyn, maiwan ka muna rito sa bahay natin at
bantayan mo muna ang iyong mga kapatid para
makaboto kami.

Mang Edgar: Ano ka ba, bakit marunong ka na bang magbasa at magsulat at


ganyan ka makapagsalita? Hindi dapat maiwan si Jonalyn,
isasama natin siya para tulungan tayong makaboto, kasi
marunong siya.

Lola ni Jonalyn: O sige, ako na lang muna ang maiiwan, ako na ang magbabantay
sa mga bata, mamaya na lamang ako boboto.

(Umalis na ang mag-anak, pinag-uusapan pa rin nila kung darating pa kaya at boboto ang nawawala at
matagal na nilang hinahanap na kanilang Apo Bisen, ngunit matibay pa rin ang paniniwala ni Jonalyn na
makababalik ang kanyang Apo mula sa kabundukan at makaboboto pa ito.)

(Dumating na ang pamilya ni Jonalyn sa presinto ng isang maliit na paaralan, kelangang hanapin sa
registerd voter’s list ang pangalan ng kanyang mga magulang para sila ay makaboto, makikitang
nagkakagulo ang mga katutubo dahil sa maliliit na letrang hindi nila mabasa at maririnig ang mga
komentong iba raw ang hitsura nito kaysa kanilang natutuhan...ginabayan ni Jonalyn sa pagboto ang
kaniyang ama)

(Pagkatapos na bumoto at pagkalabas ni Jonalyn sa presinto. Natuon ang kanyang pansin sa isang
matandang nakaupo.)

Jonalyn: Lola, nakaboto na po ba kayo?

Lola: Oo, gaya ng itinuro mo sa akin... Dalawa nga binoto ko eh, si FPJ at si GMA.
EKSENA 9 – Ang Sandali ng Malalim na Pagmumuni-muni
(Napaupo si Jonalyn sa labas ng presinto, may lungkot sa kanyang mukha, may bahid ng kawalang pag-
asa...habang tinitingnan niya ang sitwasyon ng mga panahong yaon.)

(Ipinakikita ng kamera ang senaryo: Ang karamihan ng mga katutubong Aeta ay nasarhan na ng
presinto, inabutan na ng pagsasara ng botohan kaya’t hindi na sila nakaboto. Naroon ang mga ilang
sundalo at kapulisan na sa akala niya’y sasaklolo sa kanila ng mga panahong yaon. Ang mga sanggol na
katutubo na buhat-buhat at pasan ng kanilang mga magulang na tila kalunus-lunos ang mga tinig,
patuloy sa kanilang paghikbi at pag-iyak. Para kay Jonalyn, isang kabiguan sa kaniyang kaluluwa at
buong pagkatao ang kaniyang mga pagsusumikap ng mga panahong yaon...nalaglag sa kanyang mga
mata ang butil ng mga luha...malayo ang tingin.)

(Sa pagkakataong yaon, dumating ang kanyang Apo Bisen, kabababa lamang mula sa kabundukan,
pasan-pasan sa kanyang likuran ang isang malaking baboy-ramo, sabay nagwika itong:

Apo Bisen: Tayo na, umuwi na tayo. (Muli silang naglakad pauwi sa tahanan.)

EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang


(Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa hapag-kainan ang nahuling
baboy-ramo.

Apo Bisen: “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito
makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao”.

(Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si Jonalyn at ang isang
batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay nakasulat ang mga katagang “Babangon ang
Pilipinas”)
(Close-Up Shot ng Camera sa mga katagang yaon)

Natapos na ang pagdiriwang...ubos na rin ang inihaing baboy-ramo.

WAKAS

You might also like