You are on page 1of 1

IMPLASYON PANGKATANG GAWAIN

 Kapag tumaas ang suplay ng salapi at tumaas din ang


kita at demand kaysa produksyon,mahahatak pataas
ang presyo.
♦ kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar dahil sa
kakulangan ng dolyar na pumapasok sa bansa
(suplay),bumababa ang halaga ng piso katumbas ng
dolyar.Ang kailangan ay higit na maraming pisong kapalit sa
dolyar.kaugnay nito,tataas ang presyo ng mga produkto at
serbisyo.
♦ Nakaaapekto rin sa presyo ang pakikipagkalakalan sa
ibang bansa.kapag tumaas ang presyo ng langis sa
pamilihang pandaigdig,tataas din ang presyo ng mga kalakal
at serbisyo na inaangkat mula sa ibang bansa.Bunga
nito,tataas ang gastos sa produksyon na magiging sanhi
naman ng pagtaas ng presyo sa lokal na pamilihan.
♦ Kapag tumaas ang gastos sa produksyon,tataas din ang
presyo ng nilikhang mga kalakal at paglilingkod.
♦ Kapag malaki ang gastos ng pamahalaan kaysa kita mula
sa buwis,tataas ang suplay ng salaping kita at mahihila ang
presyo ng mga kalakal at serbisyo paitaas

You might also like