You are on page 1of 12

Regina Ochoa

Brigida de Quintos

Manuel de Quintos
Teodora Morales
Alonzo Realonda y
Quintos
Maria Florentina

Jose Protacio Rizal Lorenzo Alberto Alonzo


Mercado y Alonzo
Realonda Mariano Alejandro

Cirila Alejandra Jacinta Rafaela


Francisco Engracio Rizal
Bernarda Monica Ines de la Rosa
Mercado y Alejandro
Juan Mercado Agustin Chinco

Francisco Mercado

Siang-co

Domingo Lam-Co

Zun-nio

Domingo Lam-co

- Anak nina Siang-co at Zun-nio na nagmula sa Siongque village, distrito ng Chinchew, Fujian, China.
- Sinasabing lumipat sa Pilipinas si Lam-co dahil sa tag-gutom sa kanyang bayan o ang nakahahawang sakit
na sumunod dito. Maaari ring mga suliraning politikal ang nag-udyok sa kanya na pumuntang Pilipinas.
- Bininyagan sa San Gabriel Church, araw ng linggo, noong Hunyo 1697, sa edad na 35.
- Ikinabit ni Lam-co ang Domingo, salitang kastila para sa Linggo, sa kanyang pangalan bilang parangal sa
araw ng kanyang binyag.
- Dahil sa mga kakilalang dominikanong prayle, naging tenant si Lam-co ng mga lupain nito sa Biñan,
Laguna kung saan nanirahan siya kasama ang ilang mga taga-Chinchew rin.

Ines de la Rosa

- Bunsong anak nina Jacinta Rafaela at Agustin Chinco.


- Ang kanyang ama ay nagmula rin sa Chinchew, isang rice merchant at edukado batay sa baptismal record
nito.
- Napangasawa ni Lam-co nang doble ang edad nito sa kanya.

Francisco Mercado

- Anak nina Lam-Co at Ines de la Rosa.


- Ipinanganak noong 1731.
- Nagpakasal noong Mayo 26, 1771 kay Bernarda Monica, isang Chinese mestiza mula sa hacienda ng San
Pedro Tunasan.
- Nagkaroon ng dalawang anak na sina Juan at Clemente
- Nanirahan sa Calamba ngunit bumalik din sa Biñan, Laguna
- Nahalal bilang capitan del pueblo sa Biñan noong 1783.

Juan Mercado

- Panganay sa dalawang anak na lalaki nina Francisco Mercado at Bernarda Monicha.


- Sa edad na 22, nagpakasal kay Cirila Alejandra, anak ng isa sa mga inaanak ni Domingo Lam-Co.
- Nagkaroon ng 13 anak
- Gaya ng ama na si Francisco Mercado. Siya ay namuno bilang capitan del pueblo sa mga taong 1808,
1813, at 1823.
- “Kapitan Juan” ang tawag sa kaniya.
- Namatay noong 8 taong gulang pa lang si Francisco Engracio.

Brigida de Quintos

- Anak nina Manuel de Quintos at Regina Ochoa


- Si Manuel de Quintos ay isang abogado na nagtapos sa University of Sto. Tomas mula sa Pangasinan.

Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro

- Ipinanganak sa Biñan, Abril ng 1818.


- Nag-aral ng latin at pilosopiya sa San Jose College, Maynila.
- Nagpakasal kay Teodora Alonzo noong 1848.
- Idinagdag ang Rizal sa apelyido ng pamilya mula sa salitang kastila na richial na ang ibig sabihin ay luntian.
- Lumipat sila sa Calamba upang magsakahan ng tubo, palay at indigo mula sa lupaing nirentahan na
pagmamay-ari ng mga Dominikanong prayle.
- Ang kaniyang pamilya ay naging isa sa pinakamayaman sa Calamba.

Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos

- Pangalawang anak nina Lorenzo Alberto Alonzo at Brigida de Quintos.


- Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila
- BIninyagan sa Sta. Cruz Church noong Nobyembre 18, 1827
- Nanirahan sa Calamba, Laguna.
- Nag-aral sa Santa Rosa College, Manila
- Naging unang guro ni Jose Rizal

Mga Kapatid ni Dr. Jose Rizal.

Si Francisco Mercado at Teodora Alonzo, ay biniyayaan ng labing-isang anak, siyam na babae at dalawang
lalaki.

1. Saturnina Rizal (1850-1913)


- Si Neneng ang panganay na anak nina Francisco at Teodora, nag-aral sa La Concordia sa Sta. Ana
Manila at napangasawa ni Manuel T. Hidalgo
- Siya ang naghatid ng balitang sapilitang pinaalis ang kanilang mga magulang sa kanilang tinitirahan
at lumipat sa bahay ni narcisa.

2. Paciano Rizal (1851-1930)


- Naging pangalawang ama ni Pepe, at laging kasama nito sa palistahan sa paarala.
- Pinagsiklaban siya ng galit nang bitayin ang GOMBURZA
- Matapos ang pagkamatay ni Jose ay sumanib siya sa Himagsikan bilang heneral, pagkatapos nito siya
ay nagsaka sa Los Banos, namatay sa edad na 79 at nag-iwan ng 2 anak.
- Namatay noong Abril 13, 1930

3. Narcisa Rizal (1852-1939)


- Si Sisa ay naging isang guro, at may bahay ni Antonio Lopez. Siya ang naghanap ng lugar kung saan
inilibing si Jose Rizal nang walang kahon at tanda.

4. Olympia Rizal (1855-1887)


- Si Yepe ay nagging may-bahay ng ni Silvestre Ubaldo isang telegrapistang taga Maynila.

5. Lucia Rizal (1855-1887)


- Nagpakasal kay Herbosa, ngunit namatayang kanyang asawa noong 1889, at hindi nabigyan ng
kristiyanong libing sa kadahilanang siya ay bayaw ni rizal,

6. Maria Rizal (1859-1945)


- Biang, siya ang pinaniniwalaang pinagsabihan ni Jose ng kagustuhan nitong pakasalan si Josephine
Bracken.

7. Jose Rizal (1861-1945)


- Ang ating Pambasang Bayani, tinaguriang Pepe. Isang makata, iskultor, syantist at nobelista.
- Ipinanganak sa bayan ng Calamba,Laguna noong ika-19 ng Hunyo 1861.

8. Concepcion Rizal (1862-1865)


- Nakababatang kapatid ni Jose, ngunit namatay sa edad na tatlo dahil sa malubhang sakit.
- Ang unang pagdadalamhati ni Rizal.

9. Josefa Rizal (1865-1945)


- Hindi nakapag-asawa si Panggoy at namatay sa edad na 80, nanirahan kasama ni Trining.

10. Trinidad Rizal (1868- 1951)


- Tinatawag na Trining at tulad ni Josefa ay hindi nakapag-aral at namatay sa edad na 83. Siya ang
nakatanggap ng lamparang pinagtaguan ng “Mi Ultimo Adios” na isinulat ni Jose Rizal.

11. Soledad Rizal (1870-1929)


- Choleng ang kanyang palayaw. Pinakabatang kapatid ni Pepe at kamag-aral ni Leonor Rivera sa
Colegio dela Concordia. Naging may bahay ni Pantaleon Quinero ng Calamba.

ANG PAG-AARAL NI RIZAL

Maagang natutuhan ni Jose ang abecedario sa pagtuturo ng kaniyang ina, na siyang naging unang guro
nito. Nakatuon sa pagbasa, pagsulat, pagkukwento, at relihiyon ang kaniyang unang taon sa edukasyon na
siyang katangian ng elementarya ng Kastila na pinaiiral sa Calamba at Biñan. Sa tulong ng kaniyang ina,
natutuhan ni Jose ang mga dasal at nabasa niya nang pauntol-untol ang Bibliya ng Kastila.
Sa kabila ng mahinang katawan ni Jose, may matalas itong pag-iisip lalo na sa panulaan. Nagkaroon
siya ng pormal na edukasyon sa tulong ng kaniyang unang pribadong guro na si Maestro Celestino na sinundan
ni Maestro Lucas Padua. Ang dating kaklase naman ng kaniyang ama na si Leon Monroy ang nagturo kay Jose
ng Kastila at Latin ngunit nanatay ito makalipas ng limang buwan kung kaya't ipinasok siya sa isang pribadong
paaralan sa Biñan.

Ang Pag-aaral sa Biñan

o Noong Hunyo 1869, inihatid ni Paciano si Rizal sa Biñan at tumuloy sa bahay ng isang ale.
o Dinala ni Paciano si Rizal sa paaralang bahay kubo sa ilalim ni Maestro Justiniano Aquino Cruz, dating
guro ni Paciano. Tatlumpong metro lamang ang layo ng paaralan sa bahay ng ale ni Rizal.
o Ayon sa libro ni Estela Adanza, hindi naging kasiya-siya ang kaniyang unang araw. Pinagtatawanan si
Jose ng mga kaklase lalo na ni Pedro na anak ng maestro. Bagamat hindi matangkad at matipuno,
matapang si Rizal at malakas ang loob.
o Sa kabila nito, nakasundo ni Rizal si Juancho, biyenan ng kaniyang guro, na kinawiwilihan ang
pagpipinta. Kasama ang kaklaseng si Jose Guevarra, ang dalawa ay naging katu-katulong ng matanda
at tinanghal na mga pintor ng klase.
o Tinaguriang pinakamahusay na mag-aaral si Rizal sa paaralan. Siya ang may pinakamataas na marka
sa lahat ng aralin kung kaya't kinapootan at kinainggitan siya ng ilang nagsabi ng kasinungalingan ukol
sa kaniya.
o Matapos ang isa at kalahating taon ay bumalik si Rizal ng Calamba sakay ang bapor Talim kasama ang
Pranses na kaibigan ng kaniyang ama na si Arturo Camps.
o Ang mga pangyayari na nakabagabag sa kaniyang pag-aaral noong 11 taong gulang pa lamang siya:
1. Ang pagbitay sa tatlong pari – Gomez, Burgos, at Zamora. (Pebrero 17, 1872; matapos lisanin ni
Rizal ang Biñan)
2. Ang pagkakulong ng kaniyang ina. (Hunyo 1872)

Ang Pag-aaral sa Ateneo

Ipinasok si Rizal sa Ateneo de Municipal, isang kolehiyo na pinamamahalaan ng Jesuitang Kastila na


kalaunan ay tinawag na Ateneo de Manila. Pinamamahalaan ito ng mga may kakayahang edukador at kinilala
bilang pinakamahusay na paaralan para sa mga batang lalaki.

Sa katunayan, nakapasa si Rizal sa San Juan de Letran subalit nagbago ang isip ng kaniyang ama at
siya'y ipinasok sa Ateneo, kalabang paaralan ng Letran. Tinanggihan sa unang pagkakataon si Rizal sa Ateneo
sa kadahilanang: (1) huli na siya sa pagpapatala, at (2) siya'y payat at maliit tingnan para sa kaniyang edad.
Ngunit sa tulong ni Padre Manuel Burgos, pamangkin ng martir na si Padre Burgos, ay tinanggap din s'ya.

Apat na Taon sa Ateneo de Manila (1872-1876)

Sa unang taon, pinalitan ni Jose ang Mercado ng Rizal dahil pinaghihinalaan ng maykapangyarihan ang
Mercado. Ang Rizal ay pangalang binigay ng isang Alkalde Mayor ng Laguna na kaibigan ng pamilya. Sa isang
liham ni Rizal kay Blumentritt, nabatid na siya lamang ang gumamit ng Rizal sa kanilang pamilya.

Nabatid ni Rizal na maraming mga Kastila, mestiso, at Pilipino sa klase. Nabibilang si Rizal sa pangkat
ng di-interno o mga kulelat sa klase dahil hindi s'ya gaanong marunong sa Kastila. Gayunpaman, pinagbuti niya
ang kaalaman sa Kastila sa pamamagitan ng pagbayad ng halagang tatlong piso sa pribadong aralin sa Kolehyo
ng Sta. Isabel. Matapos ang isang linggo ay naging emperador si Jose at tinaguriang pinakamahusay sa klase.

Sa ikalawang taon ay nagpabaya si Rizal sa klase subalit muli niyang nakuha ang pagka-emperador
matapos punahin ng isang propesor. Sa pagtatapos ng taon, matataas na marka ang kaniyang natamo at gintong
medalya para sa pinakamataas na karangalan sa paaralan.
Nasa ikatlong taon sa Ateneo si Jose nang lumaya ang kaniyang ina. Gayunpaman, hindi lubusang
masaya si Jose. Matataas man ang mga marka g nakuha ay hindi naman ito kasinghusay ng sinundang taon.
Isang medalya lamang sa Latin ang nakuha niya at may humigit sa kaniya sa Kastila. Sa pagsapit ng tag-init ay
malungkot itong umuwi ng Calamba.

Gayunpaman, ang masayang bakasyon ang nagpasigla kay Rizal sa muling pagbabalik sa paaralan para
sa ika-apat na taon.

Pag-aaral ni Rizal sa UST

 Ang naatapos ni Rizal sa Ateneo ay sapat lamang para matanggap sa Pamantasan ng Sto. Tomas
 Hindi sang-ayon ang ina ni Rizal sa kagustuhan ng ama at ni Paciano na magpatuloy sa pag-aaral
si Jose
Dahilan – makasasama raw sa kinabukasan ang kanyang kaalaman at kakayahan na balang araw
ay sisira kay Jose

Bakit pumasok pa rin si Rizal sa pamantasan sa kabila ng di-pagsang-ayon ng kanyang ina?

 1.) Gusto ng kanyang ama ang kursong Philosophy and Letters


 2.) Nalilito kung ano ang pag-aaralan

- Nagpadala si Jose kay Father Pablo Ramon Recto upang manghingi ng payo patungkol sa pagpili
ng kurso ngunit nasa Mindanao si Father Recto at matatagalan bago pa nya matanggap ang sagot
nito.
 Habang nag-aaral sa Sto.Tomas (1877-1878) ay nagpatala rin sya sa Ateneo at kumuha ng kurso
sa pagka-agrimensor. Napasa niya ang eksamen sa pagka-agrimensor ngunit di naibigay ang titulo
sa kanya dahil sa edad. Binigay lamang ito nung tumuntong sya sa edad na 20
 Taong (1878-1879) nang lumipat si Rizal sa kursong medisina medisina
Dahilan:
1.) Gusto niya maging doctor upang mapagaling ang lumalabong mata ng kaniyang in
2.) Natanggap ni Rizal ang sagot ni Father Recto na nirerekomenda ang kursong medisina
 Mataas ang mga nakuhang mark ani Jose sa unang taon ngunit hindi niya ito napanatili nang
lumipat na siya sa kursong medical.
 Sa kamekila lamang siya nagkaroon ng napakahusay na marka
 Kainaman lamang ang marka sa Pisika at mahusay sa Kasaysayan at “Dissection 1”
 Sa pangatlong taon niya’y mahusay naman ang nakuhang niyang marka sa laaht ng aralin maliban
sa General Pathology
 Sa ikaapat na taon naman ay napakahuhusay na mga marka ang natamo niya sa lahat ng
asignatura.

Bakit hindi nagging masaya ang karanasan nya sa ilalim ng pagtuturo ng mga Dominican?

 Masama ang pakikitungo ng mga propesor


 Minamaliit ang mga Indio
 Makaluma na (obsolete) ang paraan ng pagtuturo
- Hindi naging maligaya si Jose sa pamantasan kayat nagpasya siyang mag-aral sa España. Sinang-
ayunan naman ito nina Paciano, Lucia at Saturnina pati ang kaniyang tito na so Antonio Rivera

- Umalis siya ng lingid sa kaalaman ng kanyang magulang pati na rin kay Leonor Rivera, dahil sa tingin
niya’y hindi niya kayang ingatan ang lihim na pag-alis.

- Sa kadahilanang pulitikal, tumungo sya sa España dahil ito’y isang monarkiya at ang saligang-batas
ng bansa’y may respeto sa karapatang pantao lalo na sa kalayaan sa pagsasalita, pagpapahayag at
pagtitipin-tipon.

PAG-AARAL NI RIZAL SA IBANG BANSA

Bakit nga ba pumuntang ibang bansa si Rizal para mag-aral?

 Una, hindi siya nasiyahan sa mga karanasan niya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, sa makalumang
pagtuturo rito, at ang ipinakitang hindi tamang pagtrato ng mga Dominikong pari sa mga estudadyante
nilang Pilipino.
 Ikalawa, maliban sa pag-aaral sa Espanya, nasa isa siyang sikretong misyo, at ito ang pagoobserbang
Mabuti sa pamumuhay, kultura, wika, gawi, industriya at komersiya, at ang pamahalaan at mga batas ng
iba’t ibang nasyon sa Europa nang sa gayo’y makapaghanda siya sa mabigat na trabaho, ang pagpapalaya
sa kapwa niya Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Paglalakbay ni Rizal papuntang Madrid, Spain

 Lulan ng bapor na Salvaddora, umalis siya noong ika-tatlo ng Mayo 1882 patungong Singapore. Siya
lamang ang Pilipinong lulan ng bapor na ito. Naging kaibigan niya ang kapitan ng barko na si Donato
Lecha, na taga-Asturias, Spain. Ika-9 ng Mayo nang dumaong ang bapor sa Singapore kung saan dalawang
araw ang ginugol ni Rizal sa pagliliwaliw.

Papuntang Europa, sumakay siya sa bapor na tinatawag na Djemnah. Maraming lugar ang tinigilan ng
bapor bago ito dumaong sa kanyang destinasyon. Noong Hulyo 16, 1882, nakarating si Rizal sa Barcelona
lulan ng tren na kanyang sinakyan. Hindi naging maganda ang unang larawan ng Barcelona, ngunit hindi
nagtagal naibigan niya rin ang lungsod. Kalaunan, sinunod niya rin ang payo ng kanyang kapatid na si
Paciano na tapusin ang pag-aaral niya sa medisina sa Madrid.

Pag-aaral ni Rizal sa Madrid Spain

 Nagpatala siya sa Universidad Central de Madrid noong Nobyembre 3, 1882, at siya’y kumuha ng
dalawang kurso: Medisina, Pilosopiya at mga Letra. Bukod sa dalawang kurso na ito, nag-aral din siya sa
Academy of Fine Arts of San Fernando ng pintura at iskultura. Kumuha rin siya ng mga aralin sa wikang
Aleman, Pranses at Ingles sa mga pribadong guro, at nag-aral ng ekrima at pagtudla (fencing and
shooting) sa Hall of Arms of Sanz sa Carbonella.
 Noong Hunyo 21, 1884, natapos niy ang kanyang pag-aaral at nakamit ang katibayan ng Licenciate in
Medicine sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Nang sumunod na taong panuruan, ipinagpatuloy niya
ang pag-aaral para makamit ang katibayan sa Doctor of Medicine, kahit na napasa at mataas ang mga
marka niya sa lahat ng kanyang mga asignatura, hindi pa rin niya nakamit ang katibayan dahil hindi siya
nakapagharap ng tesis at hindi rin niya nabayaran ang mga kaukulan niyang bayarin.
 Nakamit naman niya ang katabiyan ng Licenciate in Philosophy and Letters noong Hunyo 19, 1885 na
may marka na excellent.

Pagpapakadalubhasa sa Optalmolohiya
 Noong 1885, matapos ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid, nagpunta siya ng Paris
para doon magpakadalubhasa sa larangan ng optalmolohiya, dahil nais niyang gamutin ang unti-unting
pagkabulag ng mga mata ng kanyang ina sanhi ng katarata. Dito’y naging katulong siya ng isang
nangungunang optalmologong Pranses na si Dr. Louis de Wecker mula Nobyembre 1885 hanggang
Pebrero 1886.
 Nang makakalap na ng sapat na karanasan sa larangan ng optalmolohiya, siya’y umalis ng Paris at
nagpuntang Heidelber, Germany noong Pebrero 3, 1886. Doon, nagtrabaho siya sa University Eye
Hospital na kalapit lamang ng University of Heidelberg bilang katulong ng pinagpipitagang
optalmologong Aleman na si Dr. Otto Becker at pinayagan din siyang making sa mga talakayan nito sa
University of Heidelberg.
 Habang nasa Alemanya, binigyang pagkakataon si Rizal na maging miyembro ng Berlin Anthropological
Society ni Prof. Doctor Rudolph Virchow, isang siyentista at kilala bilang Ama ng Patolohiya.

ANG MGA BINIBINI SA BUHAY NI DR. JOSE P. RIZAL

1. Julia Celeste “Minang” Smith


Nakilala siya ni Rizal sa Ilog Dampalit ng Los Baños habang naliligo siya suot ang pulang tapis noong
taong 1877 ilang araw matapos ang selebrasyon ng Pasko ng Pagkabuhay. Sinasabing siya ang babaeng
unang kumuha ng atensyon ni Rizal. May isang pagkakataon na hindi siya makahuli ng paruparo kaya
tinulungan siya nito at humuli ito ng dalawang paruparo para sa kaniya. Natapos ang ugnayan ng dalawa
dahil sa kawalan ng komunikasyon.
2. Segunda Katigbak

Itinuturing siya bilang unang pag – ibig ni Jose Rizal. Kilala rin siya bilang “Miss K” mula sa mga
sulatin nito. Nang bumisita si Rizal na 16 na taong gulang pa lamang noon sa lola nito sa Troza, Manila,
nabihag ito sa unang pagkakakita sa kaniya, 14 na taong gulang at kapatid ng kaklase nitong si Mariano
Katigbak. Naging madalas ang kanilang pagkikita dahil sa madalas na pagbisita ng binata sa kapatid
nitong si Olympia na nag – aaral sa La Concordia College katulad niya. Binigyan siya ng binata ng iginuhit
nitong larawan niya kapalit ng ibinigay niyang rosas na gawa sa papel dito. Simula pa lamang wala ng
patutunguhan ang namumuong ugnayan ng dalawa dahil matagal ng ipinagkasundo si Segunda sa kamag
– anak niyang si Manuel Luz na tubong – Batangas din.

3. Leonor “Orang” Valenzuela


Anak siya nina Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela na parehas mula sa Pagsanjan,
Laguna. Kilala rin siya sa pangalang Orang at “Miss L” mula sa mga sulatin ni Rizal. Nagkakilala sila ni Rizal
nang maging kapitbahay nito ang pamilya niya sa tinitirhan nitong pamamahay ni Doña Concha Leyva sa
Intramuros noong pangalawang taon nito bilang mag – aaral ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Madalas din siyang bisitahin ng binata kaya pumupunta ito sa kanila kahit walang selebrasyon sa kanilang
tahanan. Naging espesyal ang pagpapalitan nila ng sulat dahil “invisible ink” na gawa sa tubig na hinaluan
ng asin upang hindi mabasa ng kung sinu – sino lang. Makikita lang ang mga nakasulat sa liham kapag
inilapit ito sa apoy. May ilang nagsasabi naging sabay ang panunuyo ng binata sa kaniya at sa katukayo
niyang si Leonor Rivera. Hindi tulad ng katukayo niya, madali siyang nakalimot sa pag – alis ni Rizal.
Sinasabing tumanggap agad niya ng ibang manliligaw na nagtapos sa pagpapakasal niya sa iba.
4. Leonor Rivera

Itinuturing siya bilang tunay na pag – ibig ni Rizal. Tubong – Tarlac ang dalaga at anak nina Antonio
Rivera at Silvestra Bauzon. Pinsan ng kaniyang ama si Francisco Mercado, ang ama ng magiting na bayani.
Inilalarawan siya bilang isang magandang dilag na may alon – along buhok, nangungusap na mga mata,
maliit na labi at magandang ngiti. Matalino rin siya at maraming talento na naipapamalas niya sa
pagtugtug ng piyano na sinasabayan pa ng maganda niyang tinig. Sa ikatlong taon ni Rizal sa pag – aaral
nito ng medisina, lumipat ito ng paninirahan sa Casa Tomasina ng Intramuros na pinamahalaan ng mag
– asawang Rivera. Lihim lang ang naging relasyon ng dalawa kaya “La Cuestion del Oriente” at
“Taimis/Tamis” ang ginamit ni Leonor na mga alyas sa pakikipagpalitan ng sulat. Mas lalo pang sinubukan
ang kanilang pagmamahalan noong kailanganing lumiban ni Rizal sa Espanya noong May 1882.
Nagpatuloy pa rin ang pagpapalitan ng dalawa ng sulat ngunit hindi nakarating ang mga ito sa dalawa
dahil itinago ni Doña Silvestra ang mga sulat na bigay ng binata sa dalaga. Hindi gusto ng ginang ang
pilibusterong binata para kaniyang anak. Sa kawalan ng komunikasyon, tumabang ang kanilang
pagmamahalan kaya nakumbinse si Leonor ng nanay niyang pakasalan si Charles Henry Kipping. Sa huling
liham ni Leonor kay Rizal, ipinaalam niya kay dito na magpapakasal na siya iba. Itinakda ng liham na ito
ang pagtatapos ng 11 na taong relasyon ng dalawa. 2 taon matapos ikasal, namatay si Leonor dahil sa
panganganak pero sinasabi ng iba na kalungkutan talaga ang dahilan. Mananatili ang alaala niya habang
buhay sa pagbuo ni Rizal sa karakter na si Maria Clara ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo mula sa
katauhan niya.

5. Consuelo Ortiga y Rey

Anak ni Don Pablo Ortiga y Rey, isang liberal na Espanyol at dating alkalde ng Maynila, na naging bise-
presidente ng Konseho ng Pilipinas sa Ministro ng mga Kolonya. Sa pagiging suportado ni Don Pablo, ang
kaniyang tahanan ang karaniwang lugar ng pulong ng mga miyembro ng 'Circulo Hispano-Filipino' tulad ni Rizal
na naging daan upang madalas na magtapo ang landas ni Rizal at ni Consuelo. Noong Setyembre 16, 1882
ayon sa talaarawan ng binibini. Ang talaarawan sa tala ay nagpapahiwatig na kanilang pinag-usapan ang buong
gabi at sinabi ng batang Pilipino ang maraming magagandang bagay tungkol sa kanya. Si RIzal ay hindi naman
kagandahang lalaki ngunit nagtataglay ng maraming talento kaya’t nagustuhan ni Consuelo. Ngunit hindi sila
nagkaluluyan dahil may kasunduan ni si Leonor at Ang kanyang kaibigan at kasamahan sa propaganda na si
Eduardo de Lete ay may gusto din kay Consuelo.

6. Seiko Usui

Sa pangalawang pangingimbansa ni Rizal, nakikilala n’ya ang haponesang dalaga. Noong Pebrero 1888
nang dumating si Rizal sa Japan mula Hongkong at tumungo sa Legasiya ng Espanyol sa Distrito ng Azabu ng
Tokyo sa imbitasyon ng isang opisyal sa legasyon. Isang araw, nakita n’ya ang dalaga na dumaan sa legasyon at
agad nabighani ang binata sa taglay nitong kagandahan. Sa tulong ng hardinerong hapon, natuklasan ni Rizal
ang mga pangunahing impormasyon tungkol kay Seiko na s’ya ring daan upang magkaintindihan ang dalawa.
Ngunit hindi rin ito nagtagal nang magsalita ang dalaga sa wikang ingles at pranses. Kalaunan, nagmistulang
gabay sa paglilibot ni Rizal ang dalaga. Inilibot s’ya nito sa iba’t ibang lugar sa Japan at tinulungan s’ya upang
mas makilala ang bansa at matuto sa kultura at wika ng Japan. Kaya hindi nakakagulat na mahulog ang loob ng
binata sa taglay na kaakit-akit, katamtaman, maganda, at matalinong anak na babae ng isang Samurai. Ang
ilang buwang relasyon ng dalawa ay natapos sa misyon ni Rizal na iwan ang bansang Japan upang palayain ang
bansang kaniyang pinagmulan.

7. Gertrude Beckette

Inilarawan ni Rizal si Beckett bilang babaeng may kulay brown na buhok, asul na mata at mapupulang
pisngi. Ang binibini ay panganay sa tatlong anak ng may-ari ng tinutuluyan ni Rizal sa London. Mula sa maikling
pananatili sa Japan at Estados Unidos ng Amerika, pinili ni Rizal na manirahan sa kabiserang lunsod ng United
Kingdom noong Mayo 1888. Malayo mula sa kanyang tahanan, normal lamang para kay Rizal na maghanap ng
kasiyahan sa mapagmahal na serbisyo ni Gertrude. Sa tawagang “Pettie” at “Gettie”, ang kanilang
pagkakaibigan at tumuloy sa pagmamahalan. Ngunit dahil sa ilang kadahilanan, si Rizal ay umatras at piniling
umalis siya sa London upang makalimutan na siya ni Beckett at ipagpatuloy ang misyon a Maynila.

8. Suzanne Jacoby
Nakilala ni Rizal si Suzanne Jacoby, kilala rin bilang Petite, noong nilisan niya ang Paris at nagtungo sa Belgium,
Enero taong 1890. Dalawampu’t siyam na taong gulang siya noon. Kasama ang kaibigan niyang si Jose Albert,
nanatili sila sa isang bahay-panuluyan (boarding house) na pinangangasiwaan ng dalawang magkapatid na
Jacoby, sina Suzanne at Marie. Sa anim na buwan na pananatili ni Rizal doon, nakilala siya ni Petite at naakit siya
sa magaling na doktor. Pinaniniwalaang magkasama sila sa summertime festival sa Belgium taong 1890. Ang
romantikong relasyon nila ay maikukumpara sa kasalukuyang ‘mutual understanding’, o hindi gaanong seryoso
sapagkat hindi nabanggit ni Rizal si Petite sa kaniyang mga liham para sa kaniyang malalapit na kaibigan.
Nilisan ni Rizal ang Belgium noong Agosto 1890. Nag-iwan siya ng kahon ng mga tsokolate para kay Petite. Sa
mga liham ni Petite para kay Rizal, mahihinuhang hindi nagagantihan ni Rizal ang pagmamahal o paggusto ni
Petite sa kaniya. Bumalik si Rizal sa Brussels, Belgium noong Abril taong 1891 at nanuluyan muli sa bahay-
panuluyan ng mga Jacoby. Ngunit hindi siya bumalik para kay Petite, bagkus abala siya sa pagtatapos sa
manuskrito ng El Fili para sa paglalathala nito.
Tuluyan nang nagpaalam si Rizal sa Brussels at kay Petite noong Hulyo 5, 1891.
9. Nellie Boustead
Si Nellie Boustead o Nelly, ay ang mas bata sa dalawang babaeng anak ng isang mayamang negosyante na si
Eduardo Boustead. Nanatili si Rizal sa kanilang tahanan sa Biarritz noong Pebrero 1891, ang Villa Eliada sa French
Riviera. Naging kaibigan ni Rizal ang pamilya ng Boustead noong 1889 at nakikipag-fence kina Adelina at Nellie
sa talyer ni Juan Luna.
Nang malaman ang tungkol sa kasal ni Leonor Rivera kay Henry Kipping, pinili ni Rizal isipin na lamang ang
kaniyang relasyon sa edukado, masiyahin at magandang babaeng si Nellie. Iminungkahi niya sa kaniyang mga
liham para sa kaniyang mga kaibigan (maliban kay Ferdinand Blumentritt) ang kaniyang damdamin at ang balak
niyang pakasalan ang dalaga. Sinusuportahan naman ng kaniyang mga kaibigan ang kaniyang gusto.
Pinahintulutan pati na rin ni Antonio Luna, ang dating kasintahan ni Nellie Boustead, na ligawan at pakasalan si
Nelly.
Naging magkasintahan sina Rizal at Nellie. Ngunit hindi humantong sa kasalan ang relasyon nila. Hindi pabor ang
ina ni Nellie sa pagtanggap kay Rizal bilang manugang sapagkat hindi niya mabibigyan ng payapa at
kumportableng buhay ang kaniyang anak. Bukod dito, hindi pumayag si Rizal na maging protestante, na
hinihiling ni Nellie. Naghiwalay ang magkasintahan at nanaitiling magkaibigan na lamang.
10. Josephine Bracken
Si Josephine Bracken ay ang asawa ni Rizal. Ilang oras bago siya patayin, binigyan ni Rizal si Josephine Bracken
ng aklat, “to my dear unhappy wife, Josephine”.
Nakilala ni Josephine si Rizal sa Hongkong noong binisita nila ni Taufer, ninong ni Josephine, ang doktor upang
suriin ang paningin ni Taufer. Noong 1895, pinuntahan ng pamilyang Taufer si Rizal sa Pilipinas upang gamutin
ang katarata ni Taufer. Pinaniniwalaang naakit si Rizal sa masiyahing karakter ni Josephine kahit na naging
mahirap ang buhay niya kasama si Taufer at ang iba’t ibang asawa nito. Kalaunan ay nahulog ang loob nila sa
isa’t isa. Tutol naman si Taufer sa kanilang relasyon kaya naman napilitan si Josephine umalis patungong
Maynila.
Maraming tala na nagsasabing bago pa man umalis sina Taufer at Josephine ay nagpakasal na ang dalawa. Ngunit
nais ng pari sa parokya ng Dapitan na si Antonio Obach na bawiin muna ni Rizal ang kaniyang anti-klerikal na
pananaw at pahihintulutan lamang na magpakasal sila sa simabahan kung papayagan ito ng Obispo ng Cebu.
Bumalik Si Josephine sa Dapitan ngunit hindi nangyari ang kasal na inaasahan niya sapagkat hindi ginawa ni Rizal
ang iminumungkahi ng pari. Hiningi ni Rizal ang pahintulot ni Josephine na maging asawa niya kahit wala ang
basbas ng simabahang katoliko at pumayag naman ang dalaga. Kinasal nila ang kanilang sarili sa simbahan sa
pamamagitan ng paghahawak kamay sa harap ng dalawang saksi. Nanirahan ang mag-asawa sa casa cuadrada
ni Rizal.
May ilang alegasyong nagsasabing ikinasal si Rizal at Josephine isang gabi bago o ang umaga ng nakatakdang
araw ng pagpatay kay Rizal. Pinamunuan ito ng pari na si Vicente Balanguer. Walang opisyal na tala na
nagpapatunay na nangyari ang kasal.
Sanggunian:

www.nhcp.gov.ph/rizal-paternal-lineage

Lineage, life and labors of Jose Rizal Philippine patriot: a study of the growth of free ideas in the trans-pacific
American territory. Craig, A. (1914)

Talasanggunian

Adanza, E.G (2002) Isang aklat sa Pandalubhasang Kurso Jose P. Rizal. Ang kanyang buhay,

ginawa at nagging bahagi sa Himagsikang Pilipino. Manila,Philippines; Rex Bookstores.

Poblete, P. H. (1909). Buhay at Mga Ginawá ni Dr. José Rizal. Retrieved April 14, 2019 from
http://pebh.kite.ph/preview.php?id=21

Jose P. Rizal (Isang Aklat Sa Pandalubahasang Kurso) [Book] / auth. Adanza E.G., & Acibo. - Manila, Philippines :
Rex Book Store, 2002.

Dr. Jose Rizal at the University of Santo Tomas [Online] / auth. Francisco Mark Denver // Scribd. -
https://www.scribd.com/doc/8424021/Dr-Jose-Rizal-at-the-University-of-Santo-Tomas.

Adanza, E. G., & Acibo, L. A. (2002). Jose P. Rizal (Isang Aklat sa Pangdalubhasaang Kurso) 2002 Ed. Manila,
Philippines: Rex Book Store.

Lapeña, J. F. (2011). José Protacio Rizal (1861–1896): Physician and Philippine National Hero. Singapore Med J,
390-393.

Matbagan, H. (n.d.). Jose Rizal's Education Abroad. Retrieved from Scribd:


https://www.scribd.com/document/153838595/Jose-Rizal-s-Education-Abroad

Jose P. Rizal (Isang Aklat Sa Pandalubahasang Kurso) [Book] / auth. Adanza E.G., & Acibo. - Manila,
Philippines : Rex Book Store, 2002.

Dr. Jose Rizal at the University of Santo Tomas [Online] / auth. Francisco Mark Denver // Scribd. -
https://www.scribd.com/doc/8424021/Dr-Jose-Rizal-at-the-University-of-Santo-Tomas.

Jose P. Rizal (Isang Aklat sa Pangdalubhasaang Kurso) 2002 Ed. [Book] / auth. Adanza Estela G. and Acibo
Libert A.. - Manila, Philippines : Rex Book Store, 2002.

José Protacio Rizal (1861–1896): Physician and Philippine National Hero [Journal] / auth. Lapeña Jose
Florencio // Singapore Med J. - 2011. - pp. 390-393.

The Colorful Love Affairs of Dr. Jose Rizal [Book] / auth. Mañebog Jensen D.G.. - Manila : Kobo, 2013.

The Loves of Rizal and other essays on Philippine history, art and public policy [Book] / auth. Trillana Pablo
S.. - Quezon City : New Day Publication, 2000.

Jose Rizal's Education Abroad [Online] / auth. Matbagan Harvey // Scribd. -


https://www.scribd.com/document/153838595/Jose-Rizal-s-Education-Abroad.
Mañebog, J. D. (2013). The Colorful Love Affairs of Dr. Jose Rizal. Manila: Kobo.

Trillana, P. S. (2000). The Loves of Rizal and other essays on Philippine history, art and public policy. Quezon City:
New Day Publication.
Adanza, E. G., & Acibo, L. A. (2002). Jose P. Rizal (Isang Aklat sa Pangdalubhasaang Kurso) 2002 Ed. Manila,
Philippines: Rex Book Store

You might also like