You are on page 1of 3

Panuto: Basahin ang tanong sa bawat bilang at piliin ang tamang sagot.

Para sa bilang 1-4. Piliin ang angkop na salitang pang-ugnay na bubuo sa pangungusap.
1. Bibilhan kita ng bagong cellphone _____ sumunod ka sa mga payo ko.. Anong pang-ugnay ang dapat
gamitin sa pangungusap?
A. kung B. saka C. kaya D. nang
2. Magsisimba kami mamaya _________ dalidali si nanay na magluto bago aalis.. Anong pang-ugnay ang
dapat gamitin sa pangungusap?
A. kung B. saka C. kaya D. nang
3.Mahalaga ang mag-aral ng mabuti _____ maging matagumpay sa ilang araw
A. ngunit B. upang C. kaya D. dahil
4. Malapad ____ daan ang aming dinaanan.
A. ng B. na C. g D. nang
5.Mahinhin___ babae ang nakaupo sa gilid ng daan.
A. na B. ng C. nang D. g
Si Iko, sa Gitna ng Kahirapan(1-2)
Lunes – Masaya kaming magkakapatid na naghahatian ng galunggung para sa almusal.
Martes – Maaga akong gumising para magtinda ng kwentas na sampaguita sa harap ng simbahan.
Miyerkules – Ito pa rin ang aking damit. Marumi na. Hindi pa rin ako nagpapalit. Sana’y magkaroon ako ng
bagong damit.
Huwebes – Nakabili ako ng isang kilong bigas para kainin naming lahat.
Biyernes – Napadaan ako sa paaralan habang dala dala ko ang mga kwentas na ititinda ko. Sana ay
nakakapag-aral ako.
Sabado – Masama ang pakiramdam ng aking ama dahil buong linggo siyang nagtatrabaho bilang isang
construction worker.
Linggo – Pumunta ako sa simbahan para magsimba, magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang
natanggap at pagkatapos makapagtinda rin ng kwentas.

6. .Sa talaarawang inyong nabasa, ano ang ginagawa ni Iko sa araw ng Martes?
A. Pumapasok sa paaralan C. Nagtitinda ng kwentas sa harap ng simbahan
B. Nagtitinda sa lansangan D. Namamasukan bilang katulong sa isang mayaman.
7.Anong magandang katangian ang ipinakikita ng bata sa talaarawan sa tuwing araw ng Linggo?
A. Pagpunta sa simbahan upang mamalimos at ng magkaroon ng maraming pera.
B. Pagpunta sa simbahan upang magpasalamat sa Diyos.
C. Pagpunta sa simbahan upang magmakaawa sa mga taong nagsisimba.
D. Pagpunta sa simbahan upang magtinda ng kwentas.
8.Anong araw na naisaisip ni Iko na gusto niya sanang makapag-aral?
A. Lunes B. Martes C. Miyerkules D. Biyernes
9.Anong bagong salita ang mabubuo gamit ang panlaping ka, an at salitang ugat na sipag?
A. kasipag B. kasipagan C. nakasipag D. sipagan
10.Anong salitang ugat ang bumubuo sa salitang kalungkutan?
A. kalungkot B. lungkotan C. lungkot D. lungkutan
11.Anong panlapi ang ginamit sa salitang kalabasan?
A. ka- B. –an C. ka-, -an D. kaba-, -an
12. Ang mga Pilipino ay patuloy na nagsiksikan upang makita si Pope Francis.
Tukuyin ang pariralang pang-abay sa panungusap.
A. mga Pilipino B. upang Makita C. si Pope Francis D. patuloy na nagsiksikan
13. Sa Apostolic Nunciature laging nagpapahinga ang Santo Papa. Alin ang pariralang
pang-abay? A. Apostolic Nunciature B..Sa Apostolic C. Santo Papa D. laging
nagpapahinga
14. Maaliwalas ang panahon ngayon. Ang pang-uring ginamit ay______
A. panlarawan B. pamilang C. pahambing D. pantangi
. D. Kinilabutan ako ng napanood
15. Malakas ang buhos ng ulan. Alin ang pang-abay sa pangungusap?
A. malakas B. buhos C. ulan D. ng
16. Matangos ang ilong ng babae. Alin ang pang-uri sa pangungusap?
A. ng B. ilong C. babae D. matangos
17.Tumakbo _______ ang bus.
Ano ang angkop na pang-abay ang bubuo sa pangungusap?
A. nang manipis B. nang mabilis C. nang matipid D. nang matibay
18. Dumating ang Lolo niya na nagtatrabaho sa Saudi ___________.
Ano ang angkop na pang-abay ang bubuo sa pangungusap?
A. bukas B. sa susunod na araw C. noong Sabado D. mamaya

19.Nanood ng larong basketball si Rolando ngunit malapit nang maghating gabi nang magsimula ito kaya
nakatulog ito habang nanonood. Gusto niyang malaman kung sino ang nananalo kaya bumlii ito ng pahayagan
kinabukasan. Anong bahagi ng pahayagan ang babasahin niya kung sino ang nananalo sa larong
pinanonood?
A. Balitang Pandaigdig B.Balitang Komersyo C. Pangulong Tudling D. Balitang Isports
20.Namatay ang naging guro ni Joan noong elementarya pa siya at nabasa niya ito sa pahayagan. Anong
bahagi niya ito nakita?
A. Obituwaryo B. Balitang Komersyo C. Pangulong Tudling D. Klasipikadong Anunsyo
Para sa bilang 25-26. Tukuyin kung anong angkop na sanggunian.
21. Alin sa sumusunod ang makakalap mo sa Ensayklopedia?
A. Nangyari sa Iraq C. Paano magdiwang ng pasko ang Pilipino
B. Iba’t ibang uri ng mga kahoy sa mundo D. Kailan bababa at lalaki ang tubig sa dagat
22.Anong sanggunian ang gagamitin mo sa pagkalap ng kahulugan ng salitang mapa?
A. Almanac B. Globo C. Ensayklopedia D. Diksyonaryo
Para sa bilang 27 Nagagamit ang angkop na kard katalog.
23.Alin sa sumusunod na bahagi ng kard ang makakatulong upang madaling mahanap ang aklat sa
aklatan?
272..8
A. Rex Publishing House, Inc B. C. Bondad, Celestino D.450p
V18
2003

24. Nagbibilang lamang siya ng poste si Danny dahil sa walang tumanggap sa kanya. Ano ibig sabihin ng
matalinghagang salitang ito?
A. walang magawa C. binibilang ang mga poste habang naglalakad
B. walang poste sa bukirin D. pagbibilang ng poste ang trabaho niya
25. Naubos na ang kayamanan ni Kenly kaya nagagdidildil nalang siya ng asin.Ano ang ibig sabihin ng
salitang may salungguhit?
A. nanakawan B. maghirap C. kakahig sa sahig D. tutuka sa sahig
26. Nakapag-ani siya ng marami at unti-unting yumabong ang kanyang kabuhayan. Ano ang ibig sabihin ng
yumabong?
A. lumago B. bumaba C. nalanta D. namatay

27. Alin ang akmang gamitin upang mabuo ang diwa ng pangungusap? ____ ko sa telebisyon ang
pagdating ng Santo Papa. A. Hindi man lang napagod. C. Patuloy na nagsisiksikan
B. Laging nagpapahinga
28. Yumabong-
29. Lumaliw-
30. Nagbibilang ng poste

You might also like