You are on page 1of 4

Feeding program 1st Week

Kahapon ay naipangako natin na ilathala dito ang feeding program ng RB Sugbo mula day 1 hanggang sa
maintenance stage. Tulad ng nasabi natin kahapon, ang ating programa ay halos parehas lang sa mga
programa ng iba’t-ibang kumpaniya ng feeds at gamot. Kunti lang ang kaibahan. Kalimitan ang mga
kaibahang ito ay dahil sa una, gusto rin nating makatipid, at pangalawa, dahil hindi tayo konektado sa
alin mang mga kumpaniya, tayo’y malayang gumamit ng kahit alin sa mga available na brands. Kung alin
ang mas nagustuhan natin, batay na rin sa economic consideration na magtipid, doon tayo.
Ito ang ating feeding program:
Unang araw—tubig lang na may kunting asukal, May sustansya pa ang sisiw na galing sa nakuha nito sa
itlog.
Pangalawang araw- umpisahan na nating magbigay ng chick booster. 21-22% ang crude protein ng chick
booster. Maari na rin nating haluan ng MVE o multivitamins with electrolytes ang tubig.
Pangatlo at pang-apat na araw- chick booster at MVE pa rin.
6th- 7th day—puro chick booster pa rin. Ang hinahalo natin sa tubig sa mga araw na ito ay pro-biotics.
Yong lactobacillus.
Kung napapansin nyo sa unang linggo ay di pa tayo nagbibigay ng anti-biotics. Ang punto natin dito ay di
pa kailangan dahil ang sisiw ay mayroon pa sa tinatawag na natural immunity at ito’y magtatagal
hanggang dalawang linggo.
Kaya sa unang linggo, sa halip na gamitan natin ng anti-biotics na maari pang makamamatay pati sa mga
good bacteria, ang ginagawa natin ay ang mas palakasin pa ang kanilang immune system pamamagitan
ng pagbigay ng bitamina, mineral, at pag-introduce ng pro-biotics sa kanilang sistema..
Ang pro-biotics ay ang pag-paparami ng mga good bacteria upang maging panlaban sa bad bacteria.
Kung mas malakas ang good bacteria kaysa bad bacteria sa katawan, ito ay magiging malusog at ligtas sa
sakit.
Ang paggamit ng pro-biotics ay isa sa mga kaibahan ng sistema ng RB Sugbo sa mga nutrition programs
ng mga kumpaniya.

Feeding program part 2-- 2nd week


8-14th day—Puro chick booster pa rin ang ating pakain. Dito ay nagbibigay na tayo ng anti-biotics. Ang
ginagamit natin ay tetracycline lang muna o ang mga variants nito. Sa days 8, 9 and 10 natin ito
binibigay. Sa days 11 at 13 pro-biotics na naman tayo. MVE sa days 12 at 14. Bale sa unang 3 araw ng
linggo anti-biotic at sa susunod na 4 na araw alternate natin ang pro-biotic at MVE.
Tantyahin lang natin na ang tubig na may gamot ay mauubos nila sa buong araw. Sa gabi po plain water
ang binibigay natin. Sa umaga na natin palitan uli ng may gamot. Ito ang ating sistema palage.
Sa panahong ito may ilaw pa ang brooder kaya 24 hrs dapat na may pakain at tubig ang mga sisiw.
Nagsisimula nang dumami ang balahibo ng sisiw sa pangalawang linggo kaya magingat na tayo na di
sobra ang temperatura sa loob ng brooder.
Kapag ang mga sisiw ay nasa dulo na ng brooder, sa pinakamalayo sa ilaw, ibig sabihin sombra ang init.
Palitan natin ang bombelya ng mas maliit na watts o kaya iangat natin ang ilaw ng kaunti.
Kapag ang sisiw naman ay nasa malapit sa ilaw, ibig sabihin kulang ang temperatura.
Feeding program part 3
3rd week. Days 15-21
Sa first half po ng linggong ito ay puro chick booster pa rin ang pakain natin. Simula sa day 19 dahan
dahan nating hinahaluan ng corn grits para unti-unting bumaba ang antas ng protein at ang halaga ng
ating pakain. Umpisa na tayong magtipid.
Sa day 19 haluan ng 10% corn grits Sa day 20 ay 20% sa day 21 ay 30% na ang corn grits. At upang mas
makatipid pa dahan dahan din nating hinahaluan ang chick booster ng bsc o broiler starter crumbles.
Ganoon din po ang sistema. 10%,20% at 30%.
Sa makatuwid pagdating ng Day 21 ang ating halo ay 40% chick booster, 30% bsc at 30% corn grits.
Malaki po ang matipid natin dito. At hindi naman gaanong bababa ang CP natin dahil ang bsc ay may
22%-23% crude protein din tulad ng chick booster.
Nasa 18% to 19% pa rin ang CP ng halo na ito. Sapat na ito. Para sa atin sa unang dalawa o tatlong linggo
lang kinakailangan ng sisiw ang napakataas na protein.
Ang supplement po natin sa linggo ito ay katulad ng sa 2nd week. 3 days anti-biotic, Tapos alternate ang
probiotic, at vitamins and electrolites sa nalalabing 4 na araw. TMPS o cotrimazine na ang anti biotic
natin sa linggong ito. Ganoon pa rin plain water sa gabi.

Feeding program party 4 - 4th week


Sa linggong ito ay patuloy nating pini-phase out ang chick booster. May ibang programa na stag
developer ang dahan dahan nilang pinapalit. Ngunit batay sa ating karanasan, malalaki pa ang micro-
pellets tulad ng stag developer para sa mga mag-iisang buwan palang na sisiw.
Sa atin dahan dahan nating wina-wala ang chick booster ngunit ang pinapalit natin ay bsc, at baby stag
developer o kaya’y jr starter na parehong crumbles. May corn grits pa rin pero yong medyo malalaki na
ang butil.
Ang mangyayari pagkatapos ng linggong ito ang pakain natin ay 30% corn, 30% bsc at 40% jr starter o
baby stag developer.
Sa unang buwan po ay ad libitum ang pakain natin. Walang limit, hanggang sawa. At dahil may ilaw pa
ang brooder, ibig sabihin 24 hours may pakain ang mga sisiw.
Ang ating suplemento ay ganoon parin. Ngunit ang ating anti- biotic ay yong mas marami ng
sulfaquinoxaline. Ibababa na kasi natin ang mga sisiw galing brooder na may sahig papuntang brooder o
pen na nasa lupa. Ang pen na nasa lupa ay linalagyan natin ng rice hull para mas malinis at mas masaya
ang mga sisiw sa pagkakha. Nakakatulong din ang rice hull sa pag-bigay ng init sa gabi.
Ang sulfaquinoxaline ang panlaban natin sa coccidiosis na malimit umatake sa sisiw na bagong baba sa
lupa. Ipagpatuloy pa rin natin ang pro-biotic. Pag may sobrang pro-biotic o lactobacillus mixture ay sa
loob ng pen itapon. Ang probiotic ay makakatulong sa paglaban ng bad bacteria na nasa lupa. Ito din po
ang ginagamit nating preventive disinfectant ng lupa. Ayaw nating gumamit ng chemicals, maliban lang
kung talagang emergency at kailangan na malinis agad-agad ang lupa.
Mabilis ang bisa ng chemical laban sa mga mikrobyo. Pero di naman ito makakabuti sa lupa in the long
run. Samantala, ang organic at probiotic na sistema ay nangangailangan ng mas mahabang panahon
upang gumana. Ngunit wala itong masamang epekto sa lupa. Sa kalaunan mas maka benepisyo pa ang
lupa na patuloy na ginagamitan nito.
Ganoon din po sa katawan. Kung kailangan ang immediate na gamutan, anti-biotic po ang ating
kinakailangan. Pero may risk ito. Dahil mamatay pati ang good bacteria at hihina ang immune system ng
katawan. At saka ang patuloy ng paggamit ng isang uri ng anti-biotic at maaring ma-immune ang
mikrobyo at wala nang bisa ito laban sa sakit.
Kaya nga ang sabi nila, dahil sa patuloy nating paggamit ng anti-biotic, ang mga bacteria daw ngayon ay
nakasakay sa tangke at ang mga air-borne virus ay nakasakay sa eroplano.

Feeding program part 5--1 to 2 months


Sa unang tatlong linggo ay ipagpatuloy natin ang pagbigay ng ating halo na 30% bsc, 30% corn at 40% jr
starter o baby stag developer. Ika-4 na linggo ng pangalawang buwan ay dahan-dahan nating i-introduce
ang stag developer, at pigeon o maintenance micro pellets. Sa atin sa RB Sugbo inihanda na natin ang
mga ito para sa range o pagalaan.
Sa pangalawang buwan habang nasa pen sila, case-to-case ang ilaw natin. Kung gabi na umuulan o
malamig iniilawan pa natin sila. Kung hindi, pinapatay na natin ang ilaw, lalo na simula sa pangatlong
linggo ng ikalawang buwan.
Samakatuwid, kahit ad libitum ang pagbigay natin ng pakain, maaring hindi na 24 hours ang pagkain nila.
Tandaan lang na sa panahong ito kahit ad-libitum pa rin ang pakain natin hindi ibig sabihin na hindi natin
ipauubos muna ang pakain bago tayo maglagay.
Mas maige kasi na may panahon na ginugutom ng bahagaya ang mga sisiw para mag-galaw galaw ito at
magiging aktibo, at maeehersisyo naman. Ang totong ad-libitum na pagpapakain ay para lang sa nga
broilers. Ayaw kasi nating malikot ang mga broilers para mas madali itong tumaba at bumigat ang
timbang.
Tandaan sa broilers ang mahalaga lang ay ang rate ng feed conversion into body weight. Sa gamefowl
hindi timbang at laki ang pinakamahalaga kundi ang ehersisyo.
Sa panahong ito patuloy tao nagbibigay ng pro-biotic, MVE at anti-biotic na halo sa tubig. Ganoon pa rin
ang sistema sa isang linggo 3 days anti-biotic, 4 days alternate ang probiotic at MVE.
Ang ating anti-biotic ay alternante din. Sa unang linggo ay sulfaquinoxaline, sa pangalawa, TMPS,
pangatlo contramazine at sa ika-apat ay i-introduce natin ang mas matapangtapang na anti-biotic laban
sa sipon tulad ng tiamulin at amoxycillin.
Ito ay dahil di magtagal ay nasa pagalaan na ang mga sisiw at mas matindi na ang pagka-expose nila sa
kalikasan. Sa unang buwan na nasa lupa ang mga sisiw ang pinaka-delikadong sakit na dadapo ay ang
coccidiosis. Sa susunod na mga buwan, lalo na pag inabutan na ng tagulan, sipon na naman ang dapat
nating paghandaan.
Pinupurga natin ang mga sisiw sa pagtapos ng buwan na ito. Dahil sa loob ng isang buwan na nasa lupa
sila maaring magkaroon ang mga ito ng bulate. Ulitin natin ang pagpurga bawat 45 days o kaya’y
dalawang buwan.
Feeding program, part 6
2-3 months.
Sa simula ng pangatlong buwan, umpisa nating i-introduce, dahan dahan pa rin, ang stag developer, at
pigeon pellets o kaya’y maintenance micro pellets. Dahan-dahan din nating hinahaluan ng ibang maliliit
na grains. Maliban sa cracked corn, maaring bigyan natin ng wheat. Basta ang proportion ay 30% corn at
wheat, 30% pigeon o maintenace micro pellets at 40% stag developer.
Ganoon pa rin ang halo natin sa tubig. Anti-biotic 3 days sa isang linggo at alternate ang MVE at pro-
biotic sa nalabing 4 na araw sa isang linggo. Pagkatapos ng pakain sa hapon, plain water na lang.

3-6 months.
Sa panahong ito nasa pagalaan ang mga cockerels at young pullets ng RB Sugbo. Ang ating pakain ay
30% concentrate, 30% Pigeon pellets o maintenance micro pellets at 40% stag developer. Tatlong beses
ang pagbigay natin ng pakain. Sa 7am 12 pm at 4 pm. Pinapalitan din natin ang tubig bawat pagpakain.
Halos ganoon pa rin ang ating gamot sa tubig. At pinupurga natin bawat 45 days. Samakatuwid
dalawang beses sa loob ng tatlong buwang nasa free range ang mga manok.

Feeding program part 7


6 months up
Ito na ngayon ang growing maintenance stage. Tumutubo pa ang mga bagong huling stags kaya growing
maintence stage ang tawag natin dito.
Pagkahuli, pinupurga, liniligo ng anti-mite at bina-bacterial flushing natin ang mga ito. Tapos dinadaan
natin sa tinatawag na hardening process. Patuloy nating sinasamahan ng pullet uapng mas mapatingkad
ang tapang nito. Sinasanay natin sa tali at inuumpisahang ikahig, sampi at bitaw.
Dito rin sa yugtong ito natin pinupungasan ng palong ang mga stags. Maliban lang kung ang palong ay
sagabal na sa mata, tandaan po natin mga kamana na, di muna natin pungasan ang stag kung di pa ito
lumalaban ng husto at higpit na ang tapang.
Ang pakain natin dito ay concentrate at pigeon pellets o grower maintenance micro pellets na lang. 50-
60% ang pellets at 50-40% ang grains. Depende ito sa pangangatawan ng mga stags.
Ang halo natin sa tubig ay MVE na lang at pro-biotic at paminsanminsan na lang. Mga twice a week na
lang. Di na tayo nagbibigay ng anti-biotic kung walang sakit.
Medyo kampante na tayo sa panahong ito na mabubuhay na ang mga stags. Ito ang tinatawag na post
harvest stage. Kung sa taniman pa, pera na.
Bukas ang huling labas ng ating serye sa feeding program natin.

You might also like