You are on page 1of 7

GRADES 1 to 12 Paaralan STO. DOMINGO ELEM.

SCHOOL Baitang/Antas VI
DAILY LESSON PLAN Guro RODERICK B. BERMEJO Asignatura ESP
(Pang-araw-araw na Markahan UNANG
Tala sa Pagtuturo) Petsa
JUNE 11, 2019 MARKAHAN

I. LAYUNIN
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod
A. Pamantayang Pangnilalaman sa mga tamang hakbang bago makagawa ng isang desisyon
para sa ikabubuti ng lahat
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng
B. Pamantayan sa Pagaganap loob para sa ikabubuti ng lahat
1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa
C. Mga Kasanayan sa pagbuo ng isang desisyon na makabubuti sa pamilya
Pagkatuto/Layunin 1.1. pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman
sa pangyayari EsP6PKP-Ia-i-37
II. PAKSA
Paggawa ng tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na makakabuti sa
pamilya
III. MGA KAGAMITAN

Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon sa Pagpapakatao May 2016, pahina 81

Iba pang kagamitang pampagtuturo


Larawan, tsart, task card, Powerpoint presentation
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
A. Panimulang Gawain
a. Pagbibigay ng Pamantayan
b. Balik –Aral
1. Ano ang naaalala/natutunan mo sa mga aralin sa EsP noong nakaraang taon?

Mga Natutunan
ko sa ESP ng
Nakaraang
Taon

2. Ano ang mga kakayahan/kasanayan ang nais mong malinang ngayong taon?

c. Laro: 4 PICS 1 THEME


Pahulaan sa mga bata ang tema ng mga larawan sa tulong ng mga ginulong titik upang mabuo
ang diwang ipinapakita nito.
Itanong:
Paano nakatutulong ang mga sumusunod sa pagbuo ng tamang desisyon?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


a. Suriin ang mga larawan.

Itanong: Nasubukan na ba ninyong lumahok sa ganitong mga gawain?


Ano ang inyong naging hakbang sa pagsali dito?
Iugnay ang mga sagot ng mga bata sa aralin.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

a. Pagbibigay ng Pamantayan
Itanong ang mga dapat tandaan sa pagbabasa/ pakikinig.

b. Ipabasa ang dayalog


Ok, Payag Ako!
Isang tagpo sa paaralan.
Emil: Ayoko nang sumali sa sayaw. Pinagagalitan ako ng nanay ko. Palagi na lang akong
ginagabi ng uwi.

Lino: Bakit naman? Baka di mo sinasabi ang tunay na dahilan sa nanay mo kung saan tayo
sasali?

Emil: Eh, kasi natatakot ako. Baka ako bulyawan. Alam mo naman maraming gastusin sa bahay.

Lino: Hayaan mo at tutulungan kitang magpaliwanag sa nanay mo.


Sa bahay nina Emil.

Lino: Magandang hapon po, Aling Eva. Nais ko po sanang ipagpaalam si Emil para makasama
kami sa sayaw. Kami po ay lalaban sa ibang distrito sa susunod na Linggo. Maaari pong
gabi na kami makauwi dahil sa pag-eensayo. Pangalawa po, may kaunting gastusin po sa
aming costume.Dahil sa wala pa pong pondo ang aming guro. Sa sandaling makahingi po
sa PTA ay ibabalik po ito sa amin. Maganda po ang paligsahan. Dala-dala po naming ang
pangalan ng paaralan at barangay. Payag po ba kayo?
Aling Eva: Aba, oo. Basta ba ganyan ang impormasyong maibibigay mo, okay lang sa akin.
Kaya lang huwag ninyong pabayaan ang pag-aaral ninyo.

Lino: Salamat po, Aling Eva.

Emil: Naku, salamat Lino. Talagang magaling kang magpaliwanag.

c. Pagtatalakay:
1. Bakit ayaw sumali ni Emil sa sayaw? Ano ang kanyang mga dahilan?
2. Papaano siya tinulungan ni Lino?
3. Ano sa inyong palagay ang dahilan kung bakit naging maayos ang pagpayag ni Aling Eva?
4. Paano napapayag ni Lino si Aling Eva? Bakit?
5. Kung ikaw si Emil, ano ang iyong gagawin kung ikaw ay kasali sa isang programa sa paaralan?

D. Pagtalakay ng Aralin
Ilahad at talakayin:
Sa tamang impormasyon
Lahat ay nailalayon
Sa pasiya ay tutugon
Positibong Pagkakataon
Maging makatotohanan sa
Lahat ng pagkakataon
 Hikayatin ang bata na magtanong tungkol sa paksa.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

a. Isahang Pagsasanay
Ano-ano ang dapat gamitin upang magkaroon ng tamang pagpapasiya. Lagyan ito ng tsek (/)
_____ 1. Talino
_____ 2. Takot
_____ 3. Katotohanan
_____ 4. Pambobola
_____ 5. Suhol
_____ 6. Pag-iisip
_____ 7. pera

F. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

PANGKATANG GAWAIN:
 Pagbibigay ng Pamantayan sa Pangkatang Gawain
 Ilahad ang rubric sa pangkatang Gawain.

 Hatiin ang klase sa limang grupo. Bibigyan ng guro ng mga gawain na naaangkop sa kakayahan
ng mga mag-aaral at kanilang interes. Bawat pangkat ay pipili ng lider,taga-ulat at
tagatala.Bibigyan ng 3-4 minuto upang isagawa ang task card.

Pangkat I
Sa iyong pagpapaalam sa iyong mga magulang, alin sa mga sumusunod ang dapat mong
isaalang- alang? Bakit?
a. Magkakaroon ako ng pagsisinungaling sa lahat ng mangyayari.
b. Ibibigay ko ang lahat ng impormasyon tungkol sa mga gagawin.
c. Magsisinungaling na lang ako.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Pangkat II
Basahin ang sumusunod na kalagayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

May tsismis na kumakalat sa inyong lugar tungkol sa ina ng iyong kaklase, ano ang gagawin mo
sa napakinggang impormasyon? Ipagkakalat mo ba ito? Bakit?

Nasalubong mo ang kaibigan mo na may dalang tirador. Sinabi niya na gagamitin niya ang tirador
sa paghuli ng hayop. Ano ang gagawin mo?

Pangkat III
Panuto: Buuin ang Concept Map ng mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng
isang desisyon na makabubuti sa sa pamilya.

Mga tamang
hakbang na
makakatulong sa
pagbuo ng isang
desisyon

Pangkat IV
Lagyan ng tesk (/) ang iyong pinahahalagahan at ekis (x) ang hindi. Ipaliwanag kung bakit ekis at tsek
ang inyong naging kasagutan.
________ 1. Magsisinungaling ako para hindi ako madamay sa kasalanan.
________ 2. Aaminin ko at ibibigay ko ang tamang impormasyon para sa mali naming ginagawa.
________ 3. Paninindigan ko ang pagkakamali at hihingi ako ng tawad at di ko na ito gagawing muli.
________ 4. Di ko lahat ipaalam ang mahahalagang bagay para kung may problema ay ligtas ako.
________ 5. Matututo akong magpasya ng tama dahil iyon ang tama.

Pangkat V
Nakapulot ka ng pitaka na may lamang Limang libo (5,000). Ano ang magiging desisyon mo. Ipakita sa isang
maikling dula.

G. Paglinang sa Kabihasan
(Tungo sa Formative Assessment)

PAGSUSURI
Pag-uulat ng bawat grupo tungkol sa ibinigay na gawain.

H. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kolum na mabuti o masama ayon sa sumusunod na sitwasyon. Sagutan sa iyong papel.
Sitwasyon Mabuti Masama
1. Sumang- ayon na maglinis sa paligid
ng silid- aralan araw- araw.
2. Sumang- ayon sa mga kaklase na
isara nalang ang silid- aklatan ng
paaralan dahil kakaunti lang ang mga
aklat doon.
3. Sumang- ayon kang tumulong sa
pamamahala ng wastong pagtatapon ng
basura sa paaralan.
4. Tumulong sa dapat tulungan sa
panahon ng kapahamakan.
5. Namimili kung sino- sino ang bibigyan
ng abuloy sa oras ng kagipitan.

I. Paglalahat ng Aralin
Paano ninyo isasagawa ang pagbuo ng isang desisyon na makakabuti sa pamilya?

J. Pagtataya ng Aralin

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at lagyan tsek (/) ang kahon kung tama ang pagsusuri at ang
desissyon, ekis (x) ang kahon kung di tama ang nagging desisyon batay sa pagsususri.
1. Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Tumanggi ka at nanood ng sine.
2. May usapan kayong dadalo sa pulong ng “No to Dope” sa barangay hall. Hindi ka darating dahil sumama ka
sa iyong tiya sa pamimili.
3. Pinagkasunduan sa miting ng mga magulang at guro na magbigay ng tiglimang piso ang bawat mag-aaral
bilang donasyon sa gagawing entablado. Pumayag ang iyong magulang ngunit hindi ka binigyan.
4. Ang buong klase ay nagkasundong magsasagawa ng pag-aaral sa Jessie M. Robredo Library. Nakapunta
ka na sa lugar na ito pero sumama ka pa rin.
5. Nagkasundo ang grupo mo na magtutulungan kayo sa pagagawa ng proyekto sa darating na Sabado
Dumating ka pero naglalaro ka lang ng basketball.

K. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Magbigay ng isang sitwasyon sa inyong tahanan kung saan tama ang ginawang pagsusuri at nagging desisyon
para sa ikabubuti ng lahat.

IV. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nagtamo ng 80%
sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng mga gawaing pagpapahusay (remedial)
C. Nakatulong ba nag pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral na naunawaan ang
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng pagpapahusay.
E. Alin sa aking pagtuturo ang nagging
epektibo? Bakit?
F. Ano-ano ang aking nagging suliranin na
maaaring malutas sa tulong ng aking
punongguro at Superbisor?
G. Anong inobasyon o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit/natuklasan ko na
nais kong ibahagi sa ibang guro?

Prepared by:
RODERICK B. BERMEJO
Master Teacher 1
Noted:
ARLENE B. ABION
Principal II
Para sa guro:

Sa pag-aaral ng EsP ngayong bagong taon – sa unang markahan, lahat ng bibigyang diin na pagpapahalaga
gaya ng pagmamahal sa katotohanan, mapanuring pag-iisip, pagkabukas isipan, katatagan ng loob,
pagkamapagpasensiya, pagkamapagtiis, pagkamahinahon, at pagkamatiyaga ay nararapat na magresulta
sa pag-unawa ng pagbuo sa tamang pasya o desisyon para sa ikabubuti ng lahat ng kasapi ng pamilya
(nasa gitnang bilog). Ito ay dapat suportado ng tatlong elementong nasa mga kahon. Kaya naman sa
pagbuo o paggawa ng tamang pasya o desisyong makabubuti sa ating pamilya, maihahalintulad ito sa
pagluluto na nangangailan ng pagsunod sa hakbang (may prosesong dapat sundin) at sangkap na
kailangang isalangalang.

You might also like