You are on page 1of 3

SINASAMBA BA NG MGA KATOLIKO ANG MGA LARAWAN?

Madalas nating maririnig sa ating mga kapatid na mga Protestante na sinasamba daw nating mga
KATOLIKO ang mga larawan. Ang tanong, totoo ba na SINASAMBA NG MGA KATOLIKO ANG MGA
LARAWAN?

Yan ang ating tatalakayin sa araw na ito kung talaga bang sinasamba ng mga KATOLIKO ang mga imahe o
larawan.

Kadalasang gamitin ng mga PROTESTANTE ang Exodo 20:3-5 na nagsasabi;

3 Huwag kang magkakaroon ng IBANG MGA DIOS sa harap ko.

4 Huwag kang gagawa para sa iyo ng LARAWANG INANYUAN o ng kawangis man ng anomang anyong
nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:

5 HUWAG MONG YUYUKURAN SILA, O PAGLINGKURAN MAN SILA; SAPAGKA'T AKONG PANGINOON
MONG DIOS, AY DIOS NA MAPANIBUGHUIN, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang
sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;

Ang tanong, sumalangsang ba ang mga KATOLIKO sa utos na ito ng DIOS? Ang sagot, HINDI! Bakit?
Sapagkat ang ipinagbabawal ng Dios sa talatang iyan ay ang PAGGAWA NG MGA LARAWAN NG MGA
“dios-diosan” o IDOLS. At walang ni isang larawan ng “dios-diosan” na makikita sa loob ng simbahang
KATOLIKO sapagkat alam na alam ng mga KATOLIKO na ang mga imahe o larawan ng mga “dios-diosan”
ay HINDI TALAGA TOTOO.

Pero ang mga PROTESTANTE ay palaging nagsasabi na ang mga larawan daw ng SIMBAHANG KATOLIKO
tulad nina MAMA MARY, ST. JOSEPH, JESUSCHRIST, etc. ay mga larawan daw yan ng mga “dios-diosan”,
diyan nagkamali ang ating mga kapatid na mga PROTESTANTE sapagkat sa kanilang palaging
pamamaratang ng mga KATOLIKO nakalimutan nalang nila ang kahalagahan ng kahulugan ng mga salita,
nakalimutan nilang pag-aralan kung ano ba talaga ang kahulugan ng salitang “DIOS-DIOSAN”. Bakit ano
ba talaga itong “dios-diosan”? Ayon sa 1 Corinto 8:4 ganito ang ating mababasa;
Kaya nga, tungkol sa pagkaing inihandog sa DIYUS-DIYOSAN, ALAM NATING ANG MGA DIYUS-DIYOSAN AY
LARAWAN NG MGA BAGAY NA DI-TOTOO, at alam nating iisa lamang ang Diyos.

- (1 Corinto 8:4, MBB05 Magandang Balita Biblia (2005))

Ano pala ang “dios-diosan”? ITO AY LARAWAN NG MGA BAGAY NA DI-TOTOO. Ngayon ang tanong, may
totoo bang MAMA MARY? Oo meron. So ibig sabihin HINDI DIOS-DIOSAN si MAMA MARY sapagkat
mayroon naman talagang TOTOONG MARIA na siyang nanganak ng ating Panginoong Jesus na tinatawag
na Cristo (Mateo 1:16). Ano pa ang mga tanda o ebidensya na yang nasa Exodo 20:3-4 ay larawan ng
dios-diosan ang ipinapahiwatig?

Sa orihinal na Hebrew sa talatang yan ang salitang ginagamit ay “PESEL (‫”) סֶ֣֙ פלֶפסֶ֣֙סלֶל‬na ayon sa Strong’s
Hebrews ang kahulugan nito ay “an idol, image”.

Yan, talagang mas liwanag pa sa sikat ng araw na ang ipinapahiwatig pala sa talatang yan ay ANG
LARAWAN NG MGA DIOS-DIOSAN. Sapagkat kung larawan sa mga HINDI “DIOS-DIOSAN” ang salitang
ginagamit ng mga Hudiyo ay “TSELEM (ֶ‫”)צסֶ֣֙צסֶ֣֙לם‬, ano pala itong tselem? Ayon sa Strong’s Hebrews ang
kahulugan nito ay “an image”.

Napakaliwanag talaga na kung LARAWAN sa HINDI “dios-diosan” ang ginagamit ay “TSELEM (ֶ‫”)צסֶ֣֙צסֶ֣֙לם‬. Ang
nakakalungkot lang, diretsong umaataki ang mga PROTESTANTE sa mga KATOLIKO kahit hindi pa nila
napag-aralan kung ano ba talaga ang orihinal na SALITA na ginagamit sa orihinal na Hebrew. Noong ako’y
isang Atheist pa, ito ang palagi kong gagamitin na lines sa aking mga ka-debate, “CONCLUSION WITHOUT
INVESTIGATION IS IGNORANCE”.

Kaya bago umataki kailangan pag-aralan munang mabuti.

Kaya talagang napakalinaw na ang mga KATOLIKO ay hindi talaga sumalangsang sa paggawa ng LARAWAN
sapagkat ang mga LARAWAN na ginagawa ng mga KATOLIKO ay katulad ng larawan ng KERUBIN na
iniutos ng Dios kay Moises na ating mababasa sa Exodo 25:18-20,

18 AT GAGAWA KA NG DALAWANG QUERUBING GINTO; na YARI SA PAMUKPOK IYONG GAGAWIN, SA


DALAWANG DULO NG LUKLUKAN NG AWA.
19 At gawin mo ang isang QUERUBIN sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng
luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon.

20 AT IBUBUKA NG MGA QUERUBIN ANG KANILANG PAKPAK NA PAITAAS, na nilililiman ang luklukan ng
awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa
ihaharap ang mga mukha ng mga querubin.

Ang ipanapagawa ng Dios kay Moises ay ang mga larawan ng KERUBIN o LARAWAN ng anghel, ang
tanong mayroon ba talagang totoong ANGHEL? Ang sagot, Oo MERON! So ibig sabihin TOTOO TALAGA
ANG ANGHEL so HINDI “dios-diosan” sapagkat ang “dios-diosan ayon sa ating nababasa sa itaas AY
LARAWAN NG MGA BAGAY NA DI-TOTOO ayon sa 1 Corinto 8:4 (MBB 2005).

At wala ni isang dokumento ng SIMBAHANG KATOLIKO na INUUTUSAN ang mga KATOLIKO na sambahin
ang LARAWAN tulad ng isang TUNAY NA DIOS.

Sana makakatulong po ito sa ating mga kapatid na mga KATOLIKO at sana magbigay din ito ng
KALIWANAGAN sa ating mga kapatid na mga HINDI KATOLIKO.

May the Almighty God (Father, Son and Holy Spirit) bless us all.

By: Bro. Jame Voye

You might also like