You are on page 1of 2

Propaganda Devices

Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboto ang isang kandidato ay isang bagay na
dapat ay masusing pag-iisipan

1. Name Calling – Ito ay ang pagbibiigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o
katunggaling politico upang hindi tangkilikin. Kariniwan itong ginagamit sa mundo ng politika.
Halimbawa: ang pekeng sabon, bagitong kandidato, trapo(traditional politician)
2. Glittering Generalities – Ito ay ang magaganda at naksisilaw na pahayag ukol sa Gawain isang
produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalagang mambabasa.
Halimbawa: Mas makatitipid sa bagong______. Ang inyong damit ay mas magiging maputi sa
____. Putting-puti. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.
3. Transfer – Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailapat sa isang produkto o tao
ang kasikatan.
Halimbawa: Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ni FPJ. Grace Poe, Manny Pacquio gumagamit ng
___ kapag nasasaktan.
4. Testimonial – kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-eendorso ng isang tao o
produkto.
5. Plain Folks – Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o
tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
6. Card Stacking – Ipinapakita nito ang lahat ng magandang katangian ng produkto ngunit hindi
binabanggit ang hindi magandang katangian.
Halimbawa: Ang instantnoodles na ito ay nakapagbubuklod ng pamilya, nakatitipid sa oras, mura
na, masarap pa. (ngunit hindi nito sinasabingkakunti lang ang sustansyang taglay, maraming
tagong asin at kung araw-araw itong kakainin ay maaring magdulot ng sakit).
7. Bandwagon – panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o
sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na .
Halimbawa: Buong bayan ay nag-peso padala na.

Ang Tekstong Pursuweysib


Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na
ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siya ang tama.HInihikayat din nito ang mambabasang
tanggapin ang posisiyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.

Ang tekstong pursuweysib ay may subhetibingtono sapagkat malayang ipinahahayag ng


manunulat ang kanyang paniniwala at pakiling tungkol sa isang isyung may ilang panig. Taglay nito ang
personal na opinion at paniniwala ng may akda.

Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa
eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking.
Inilalarawan ng Griyegong pilosopo na si Aritotle ang tatlong paraan ng panghihikayat o
pangungumbinsi.

1. Ethos – Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang


manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman. At karanasan tungkol sa
kanyang sinulat, kung hindi ay baka hindi na sila maniwala rito.
Gayunman, may iba pang paraan upang magkaroon ng kredibilidad. Ang estilo ng pagsulat ay
mahalaga upang magkaroon ng kredibilidad.
Dapat na maisulat nang malinaw at wasto ang teksto upang lumbas na hitik sa kaalaman at
mahusay ang sumusulat. Ang paraan ng pagsisipi ng sangunian ay maaring makatulongsa
pagpapatibay ng kredibilidad. Kailangang mapatunayan sa mga mambabasa na ang datos at
impormasyon ay wasto at napapanahon upang makumbinsi na ang isinilat ay tama at
mapagkakatiwalaan.
2. Pathos – Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
Ayon kay Aristitle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon.
Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniiwala ng mambabasa ay isang epektibong paraan upang
makumbinsi sila.
3. Logos – Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang
mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa impormasyon at datos na kanyang
inilatag ang kanyang pananaw o punto ang siyang dapat paniwalaan. GAyunman, isa sa mga
madalas na pagkakamali ng mga manunulat ang paggamit ng ad hominem fallacy, kung saan ang
manunulat ay sumasalungat sa personalidad ng kayungagali at hindi sa pinaniniwalaan nito.

You might also like