You are on page 1of 6

MINDORO STATE COLLEGE OF AGRICULTURE AND TECHNOLOGY

Bongabong Campus
Labasan, Bongabong, Oriental Mindoro
ISTRUKTURA NG WIKA/ PANGUNGUSAP (FIL 203)

FONOLOJI/ FONOLOHIYA

Fonolohiya
 Pag- aaral sa mahahalagang tunog na nagbibigay ng kahulugan sa pagsambit ng salita o
nagpapabago sa kahulugan ng mga salitang halos magkatulad ang kaligirang baybay.
 Pag- aaral ng mga patern ng tunog.
 Pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto (juncture), pagtaas-pagbaba ng mga pintig
(pitch), diin (stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening).

Fonema
 Ang Fonema ay yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na may kahulugang
tunog.
 Ang makabuluhang yunit ng tunog na ito ang nagpapabago sa kahulugan ng isang salita.

Sa dalawampu’t walong (28) titik sa ating Bagong Alfabeto, walong titik ang naidagdag sa
ating dating abakada…(c, f, j, q, v, x, z, ñ)
Sa walong titik na iyon, apat lamang ang tiyak na fonemik ang istatus (may iisang
kinakatawang tunog ang mga letra)…(f, j, v, z)
Ang natitirang apat na letra, (c, ñ, q, x) ay mga redandant dahil hindi kumakatawan sa iisa at
tiyak na yunit ng tunog kundi sa nakakatunog na isa pang letra o sunuran ng mga letra.
Halimbawa: c - /s/ = cinco = singko
c - /k/ = cabinet = cabinet
ñ - /ny/ = baño = banyo
q - /k/ = queso = keso, /kw/ = quintet = kwintet
x - /ks/ = extra = ekstra
Maidaragdag pa dito ang isa pang tunog, ang impit ( Ɂ).
Dalawampu’t lima (25) lahat ng fonema sa Wikang Filipino.

ENVAYRONMENT- ang tawag sa pusisyon ng mga tunog


Halimbawa: INGLES
[ph] -- pat ‘tapik’ [phat] (aspireyted)
[p] -- paper, napkin [peyper, napkhin] (hindi inaspireyt)
Halimbawa: ISINAI (wika ng etnolinggwistikong grupo sa Nueva Vizcaya)
[b]— isang stap (binibigkas katabi ng konsonant maliban sa w
[Ҍ]— isang frikativ (binibigkas katabi ng vawel
ALOFOWN- ang mga binibigkas na mga tunog na naiiba dahil sa fonetik na distinksyon na
aspereysyon; ang mga tunog na masasabing mga miyembro ng isang set o grupo ng tunog
Hal. Alofown ng fonim /b/ sa Isinai ang [b] stap at [Ҍ] frikativ
Alofown ng fonim /p/ sa Ingles ang [p] at [p h]
NATURAL- KLAS NA MGA TUNOG
NATURAL- KLAS NG MGA FONIM- kung makabuluhang mga tunog ang tinutukoy
Oral- stap (voysles)- sa pagbuo ng mga tunog, nakataas ang velum at ang hangin na
dumadaan sa oral- kaviti’y saglit na nababara sa mga punto ng artikulasyon [p, t, k]
Neysal (mga voys na tunog)- nakababa ang velum at dinadaan sa ilong ang hangin.

***May mga salitang binubuo ng mga pare- parehong tunog liban sa isang tunog.
Halimbawa:
pit (hukay) cap (sombrero)
bit (kinagat) cab (taksi)
Magkaiba ang kahulugan ng mga salitang ito dahil sa mga fonim na /p/ at /b/.
Halimbawa:
kulay ̶--- gulay bata --- pata

Dahil kontras ang tunog /k/ at /g/, /p/ at /b/, kung pagpapalitin ang mga tunog na ito sa
bawat set, magkakaroon ng ibang kahulugan ang salita.

MGA METOD SA PAG- ANALAYS NG PATERN NG TUNOG


Napag- aaralan nag mga patern ng tunog ng isang wika:
1. Sa pag- analays ng mga fonim at ditribusyon nito sa ibang wika
2. Sa pag- analays ng mga makabuluhang fityur ng mga tunog ng isang wika

DISTRIBUSYON NG MGA TUNOG: DESKRIPTIV- STRAKTYURALIS NA APPROACH


*Aling tunog ang maaaring magkatabi sa mga salita?
*Alin ang nabibigkas sa unahan, sa gitna, o sa dulo ng salita?

POSISYON NG TUNOG
Identical- Environment (nasa iisang kapaligiran at may parehong posisyon sa konteksto ng
salita)

Contrastive Environment (kontras ang mga tunog)


Halimbawa: pit [phit] ‘hukay’ bit [bit] ‘ kinagat

Pares Minimal (mga pares ng salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang fonema na
siyang ipinagkaiba ng kahulugan)
Halimbawa:
pala (spade) kulong (enclosed)
bala (bullet) gulong (wheel)
tula (poem) mesa (table)
dula (play) misa (mass)
kulay (color) balak (plan)
gulay (vegetable) balag (trellis)
KONTRAS NA TUNOG O FONIM
kapag wala ang tunog o fonim ay iba ang kahulugan
Halimbawa:
[ báta ] damit na pambahay
[ bátaɁ ] taong di pa matanda
* Magkaiba ang kahulugan dahil sa glottal stop sa pakahon
[ baśaɁ] nalagyan ng tubig/ likido
[ bása ] intindihin ang nakasulat
* Magkaiba sa istres at glotal-stap

1. DISTRIBUSYONG KOMPLEMENTARI
 May kanya-kanyang pwesto ang mga miyembro ng isang fonim na hindi
pinanghihimasukan ng bawat isa.
Halimbawa: pin (aspili) – aspirated
 kahit hindi inaspirate ang unang tunog, hindi magbabago ang kahulugan nito
 pero kapag binanggit na may voys [b], magbabago ang kahulugan nito; magiging
[bin] na malaking lalagyan.
Sa pangungusap:
She dropped the bin. (Nabitawan niya ang malaking lalagyan)
She dropped the pin. (Nabitawan niya ang aspili.)
 Hindi namamalayan ng mga native speaker ang mga fonim ng wika nila. Ito’y dahil
di lang isang pagbigkas ng bawat miyembro nito’y depende sa posisyon nito sa
salita, sa silabol o sa mga iba pang tunog ng nasabing salita.
 Kapag hindi nagbabago ang kahulugan ng salita pag ipinagpalit ang isang tunog ng
iba pang tunog, hindi itinuturing na magkaiba ang mga tunog na ito.

2. MALAYANG VARYASYON (FREE VARIATION)


Maipagpapalit ang mga tunog na nasa malayang varyasyon sa isang envayronment, kaya
lang hindi nag-iiba ang kahulugan
Ang malayang varyasyon ay di lang hindi nagbabago ang kahulugan kundi kahit alin sa
mga ito ay pwedeng gamitin.
Halimbawa:
(Tagalog) tunog na [i] at [e] sa dulo ng salita
babai / babae lalaki/ lalake
Halimbawa:
(Tagalog) tunog na [u] at [o] sa dulo ng salita
dulo / dulu walo/ walu
Kapag nasa dulo ng mga salita ang [i] at [e] o [u] at [o], hindi ito magkaibang fonim kung
mga alofown na nasa malayang varyeyson.
Halimbawa:
(Ingles) not yet (hindi pa)
[næt yɛt] [t] [næɁ yɛt] [t]
* nasa kontras pero hindi magkaiba ang ibig sabihin kapag pagpapalitin

MGA PROSESO NG FONOLOJIK


May dalawang rason kung bakit may varyasyon ang isang fonim o may mga alofown ito.
1. Dahil lagi tayong naghahanap ng mas madaling paraan para magawa, mabuo o
mangyari ang anumang bagay.
Halimbawa:
[ŋ]- huling tunog ng salitang “labing” (labiŋ]
 binabagay ang huling tunog sa susunod na salita
Halimbawa:
labimpito labintatlo labing- Ɂisa
2. Upang mas maging malinaw sa pandinig ang salitang pwedeng di gaanong malinaw sa
ordinaryong pagsasalita.
Halimbawa:
* pang tali (Bigyan mo ako ng isa pang tali.)
- humihingi ng isa pang piraso
* pantali (Bigyan mo ako ng isang pantali.)

MGA PROSESO SA PAGBABAGO NG TUNOG


1. ASIMILESYON – kapag may binabagayan na katabing tunog
Halimbawa:
(labing) ŋ binibigkas na [m] o [n] sa hila o impluwensya ng [p] o [t, d, l ]
- manlaban = (mang) ŋ nagiging [n] sa hila ng [l]
Total Asimilesyon – kapag nagiging parehong-pareho ang dating magkaibang tunog
Halimbawa: - pamunas = (pang) ŋ nagiging [m]
pammunas- tunay na resulta (reciprokal asimilesyon)
 Labag sa sistematik fonetik na Tagalog ang magkasunod na parehong konsonant
kaya naging isa na lamang ito.
Regresiv- Asimilesyon – kapag ang binabagay na tunog ay nauna sa binabagayan na
tunog
Progresiv- Asimilesyon – kapag ang binabagayang tunog ang nauuna sa bumabagay na
tunog.
Palatalisesyon – nagiging palatal, tumatama o lumalapit ang dila sa ngalangala, ang
isang tunog sa hila ng isang palatal na tunog gaya ng [y], [i] o [e].
Halimbawa: (Ingles)
did you [dɪǰú] ‘ginawa mo ba’, nagiging [dɪdyu]
*nagiging palatal-afrikeyt [ ǰ] ang ikalawang [d] sa impluwensya ng
palatal na [y] at [ɪ]
Neysalisesyon – nagkakaroon ng katangiang neysal ang isang di-neysal na tunog sa
impluwensya ng katabing neysal.
Halimbawa: (Franses) – binibigkas ang [o] na isang oral na tunog
maison [mɛsõ] ‘bahay’ san [sã] ‘lima’
Voysing at devoysing – nawawala o humihina nag voys
*Humihina ang voys ng [l] at [r] dahil sa impluwensya ng [p, s, f] na tunog voyles.
Halimbawa: (Ingles)
prince, slab, flip, slit
*Nagiging voysles ang mga vawel sa isang voysles na envayronment
Halimbawa: (Hapon)
/sƜkiyaki/- [sƜkiyaki] ‘ulam na sukiyaki’
/šita/- [šita]
2. DISIMILESYON – di bumabagay ang isang tunog sa silabol o salita
Halimbawa: (Ingles)
***Ang frikativ [ɵ] ay nagiging stap [t] kapag sumusunod sa isa pang frikativ tulad
sa mga salitang fifth at sixth
***Ang huling tunog na frikativ [ɵ] ‘th’ ay di bumabagay sa naunang frikativ [f] o [s]
pero naging stap [t] sa mga nasabing salita kaya maririnig ang [fɪft] at [sɪkst].

3. METATESIS– nagbabago ang dating ayos ng mga tunog sa salita


Halimbawa: [lawis] ‘walis’ [aluhipan] ‘alupihan’
[aptan] ‘atipan’ [mustikero] ‘muskitero’

*Kung ikukumpara ang mga kogneyt o mga salitang magkakahawig sa WP, ang
pagkakaiba ng ilan ay dahil sa metatesis.
Halimbawa: [ɁadwáɁ]- Kapampangan [dalawá]- Tagalog
[sí pun]- Naga Bikol
Ɂ
[síp un]- Sebwano at Aklanon
Ɂ

… dumaan sa metatesis ang [p] at [Ɂ]

4. DELISYON- ang nangyayari sa isang salita na nawawala o di na binibigkas ang isa o higit
pang tunog
Halimbawa: Tagalog
[páno] mula sa [papáno] o [papaɁáno]
[tagaráw] mula sa [tagɁaráw]
[bangkéro]-nawala ang [o] ng salitang [baŋko] at nadagdagan ng [-ero]
[kusínera]-nawala ang [a] ng salitang [kusina] at nadagdagan ng [-ero]
Halimbawa: Ingles
[grænmæder]- grandmother ‘lola’
[sænaklos]- santa claus ‘santaklaws’

5. INSERSYON AT ADISYON NG TUNOG- ang proseso ng pagdadagdag ng tunog sa salita


Halimbawa: Tagalog
iskul- [Ɂiskúl] nars- [nárses]
*May mga Tagalog na nagsisingit ng tunog sa mga salitang galing sa iang wika dahil
sa pagsunod sa patern ng istruktura ng silabol na KVK (konsonant, vawel, konsonant)

TANDAAN:
 Punto ng artikulasyon lang ang pagkakaiba ng katangian ng mga tunog na magkalapit sa
chart gaya ng [p] at [t], [b] at [d].
 Magkaiba naman sa fityur na voys ang [p] at [b], [t] at [d].

MGA FONEMIK NA ANALISIS


Tandaan:
Kung gagawa ng fonemik na analisis:
 Dapat may kaalaman sa tunog ng wikang pinag- aaralan.
 Dapat alam ang mga fityur o produksyon ng bawat tunog

SUSPISYUS NA PARES (SUSPICIOUS PAIRS)


 ang mga pares ng mga tunog na magkaiba lang sa isang fityur:
= ang voys
= ang punto ng artikulasyon

ENVAYRONMENT NA TUNOG
 Ipinapakitang prediktabol at otomatik na binibigkas na may malakas na aspireysyon sa
unahan ng salita:
*** Ang [ph] at [p] ay alofown ng fonim /p/
Halimbawa: pin ‘aspili’ maaaring bigkasing [phɪn] o [pɪn]
 May mga stap na aspirated at may stap na walang aspireysyon. Makikita rito na may
kontras at nababago ang kahulugan kapag inaaspireyt ang stap.

Halimbawa:
SUBANEN (Wika sa Zamboanga Del Sur)
/túlan/ ‘ipakulo’ /thúlan/ ‘buto’
/pílun/ ‘bilibidin ang pirasong papel’
/phílun/ ‘asukal’

Ang fonim na [t] at [th] at ang [p] at [ph] sa Subanen ay magkaibang fonim

Tingnan ang mga SUSPISYUS NA PARES:


[t] [d]
# __, a, i, u # __, a, i, u
a __ y a __, l, ǰ, e
n, __, o, a n, __, o
__, # __, #
Gabay: # (saylens o bawnderi)
__ (tumatayo para sa tunog)
Masasabi na nasa magkaibang fonim ang [t] at [d] dahil nasa kontras ito sa inisyal na
pusisyon bago [a].
Halimbawa: [tála] – [dalá], [tíla] – [dílaɁ]
Parehong nasa faynal- pusisyon kasunod ng [a] ang dalawang tunog

[t] at [d]
 Walang komplimentari- distribusyon
 Walang envayronment na masasabing eksklusiv sa isa lamang
 Magkaibang fonim dahil may minimal na pares gaya ng [lápad] – [lápat]
 Tig- iisa lamang ang alofown na nasa set ng bawat fonim dahil hindi nagbabago ang
bigkas

Tingnan ang data ng Tojolabal, Mexico (Gleason, 1955):


[čitam] ‘baboy’
[makton] ‘tagpi’
[tinan] ‘taob’
[catath] ‘isang klaseng halaman’
[muth] ‘manok’
[pototh] ‘klase ng halaman’
[nahath] ‘mahaba’
[Ɂihath] ‘buto ng prutas’
*Makikitang mga alofown ang [t] at [t h] dahil prediktabol at may eksklusibong pusisyon
h
ang [t ] na laging nasa faynal pusisyon.
*Samantala, may ibang envayronment ang [t] na hindi faynal pusisyon, ito’y inisyal at
midyal.
RUL ng fonim /t/
/t/ = [th] __ #
[t] sa ibang pusisyon
May fonim na /t/ ang Tojolabal na may dalawang alofown:

[th] kapag nasa faynal- pusisyon


[t] kapag hindi faynal
…o kaya naman ay…
/t/ = [th]/ __ #
Ang fonim /t/ ay nagiging aspirated /th/ sa kontekstong faynal- pusisyon.

RUL ng fonim /p/ (Ingles)


/p/ = [ph] __ #
[p] sa ibang pusisyon
Ang fonim /p/ sa Ingles ay set ng mga tunog:
[ph] kapag nasa inisyal na pusisyon
[p] kapag nasa ibang pusisyon

MGA PROSESO PARA SA FONEMIK ANALISIS


1. Hanapin ang mga minimal na pares/ halos minimal na pares na may suspisyus na tunog
para malaman kaagad ang mga malinaw na fonim ng wika.
2. Itala ang envayronment ng iba pang mga tunog sa magkalapit ang artikulasyon
3. Tingnan kung may envayronment na nagpapakita ng kontras
4. Kung may envayronment na nagpapakita ng komplimentasyon o eksklusiv na
envayronment ng isang tunog at kung meron nito, masasabi itong mga alofown ng isang
fonim.

 Kung hindi maestablis ang envayronment ng komplementasyon (eksklusiv-


envayronment), nasa kontras ang mga tunog at mga magkahiwalay na fonim ang
mga ito.
ALOFOWN
 pediktabol at eksklusiv ang envayronment, hindi basta may minimal na pares lamang.
 dapat nasa komplimentayon ang mag tunog

Inihanda ni: SHIELA MAE CRUZADO- GUTIERREZ


Ipinasa kay: G. JAY B. FALLAN

Petsa ng Pag- uulat: MAYO 10, 2015

You might also like