You are on page 1of 1

Ikaw ba ay gusto pumunta sa isang lugar upang makakita ng magagandang tanawin?

Gusto mo rin ba
makaranas ng modernong teknolohiya sa isang lugar lamang? Ito ay isang lugar na mairerekomenda ko. Ang
South Korea ay matatagpuan sa Tangway ng Korea sa kontinente ng Asya.
Disyembre 2018, nang kami ay nag-landing sa Incheon International Airport kung saan kami ay
sinalubong ng aming driver. Ang aming driver ay ang magsisilbing taga-hatid saamin mula sa Incheon
patungong Seoul. 60 minuto ang byahe mula sa Incheon, 60 minuto ring pagtulog ko sa sasakyan sa pagod.
Panaka-naka, makikita mo sa kahabaan ng lansangan ang mga ilaw mula sa mga matataas na gusali ng Seoul.
Para saakin, ang Seoul ay isang lugar na iminumungkahi sa mga may gustong makakita ng mga modernong
gusali at teknolohiya. Nang nakarating na kami sa Seoul, nag check-in kami sa Amanti Seoul Hotel, isang hotel
na matatagpuan sa Seogyo-dong, kung saan kami pansamantalang manunuluyan. Kinabukasan, kami ay nag-
umagahan sa sariling buffet ng hotel na ito, bago kami sinundo ng aming tour guide sa lobby.
Ang unang destinasyon namin ay ang Trickeye Museum Seoul na isang painting gallery, kung saan
makakakita ka ng mga sining na sinportahan ng AR (Augmented Reality) effect at 2D/3D na mga ilusyon. Sa
halip na tingnan lamang ang mga sining tulad ng sa isang pangkaraniwang art gallery, ang mga bisita ay
maaaring makipag-ugnay sa mga sining gamit ang bagong binuo na application ng Trickeye Camera upang
mabuhay ang mga larawan na maaaring maging isang bahagi ng likhang sining at i-record ito sa video. Bukod
dito, mayroon ang Ice Museum na matatagpuan sa loob mismo ng Trickeye Museum, kung saan ang mga bagay
ay ganap na ginawa mula sa yelo tulad ng iced TV, iced kitchen, iced slope at iba pa. Sa isang tiket ng pagpasok
maaari mong matamasa ang parehong "Trickeye Museum" at "Ice Museum ".
Matapos ito, dinala kami ng aming tour guide sa aming pangalawang destinasyon---ang Namiseom, o
mas kilala na “Nami Island.” Ang biyahe mula sa Seoul patungong Chuncheon, lugar kung saan matatagpuan
ang Nami Island, ay umabot ng 2 oras. Habang papunta kami sa aming destinasyon, na-nanghalian muna kami
sa isang restaurant, kung saan kumain kami ng mga tradisyonal na pagkain ng Korea. Isa sa mga pagkain na ito
ay ang Sundubu-jjigae o “soft tofu stew” na isang karaniwang pagkain sa bansa na ito na gawa sa dubu o “tofu”,
mga gulay at kabute, pagkaing-dagat, karne, at gochujang o “chili paste.”

You might also like