You are on page 1of 4

MGA TAUHAN

Mr. leeds
Quiroga
Padre Camorra
Paulita Gomez
Donya Victorina
Isagani
Simoun
Ben Zayb

TALASALITAAN
Kalantiriin- inisin
Katog- tunog
Kinamumuhian- kinagagalitan
Kutsero- ang nag kokontrol sa
kabayo
Liwasan- parke

Tagpuan
Quipo
Buwan ng Enero- Pista ng itim
na Nazareno

ARAL
Ang pagnanasa at makamundong Gawain
ay walang pinipiling anyo o antas sa
buhay. Basta hindi bukas sa pagbabago,
iikot sa mga masasamang pagnanasa ang
isang tao

BUOD
Inanyayahan ni Simoun ang mga kasama
na pumunta sa liwasan ng Quiapo dahil sa
napag-usapan na palabas na kung saan
may isang ulo na nagsasalita.
Labindalawa sa mga panauhin ng Intsik
na si Quiroga ang pumunta sa Quiapo
Masayang dumating sa perya si Padre
Camorra dahil sa ang una niyang
napansin ay ang napakaraming
nagagandahang dalaga roon. Nakita nila
na paparating si Paulita Gomez na kasama
ang kanyang Tiya at kasintahan na si
Isagani. Dumating sila sa isang tindahan
kung saan maraming makikita na tau-
tauhang kahoy. Ang mga panauhin ay
nagsimulang magtawanan dahil sa mga
nakikitang kahawig ng ibang mga kasama.
Ang tinuro ni Ben Zayb ay kamukha daw
ni Padre Camorra ngunit iyon ay
kabaliktaran ito'y payat na prayleng
sumusulat ng sermon habang nakaupo.
May napansing estatwang mukhang
mulato ang mga tauhan at ito’y kinilala
nilang si Simoun dahil sa parang
pinaghalong puti at itim ito. Napansin ni
Padre Camorra na nawawala si Simoun sa
perya Inakala nilang tumatakas si Simoun
sa pagbayad ng gastusin sa pagpasok nila
sa pwesto ni Ginoong Leeds, ang
nagmamay-ari ng “sphinx” Si Ben Zayb
ang sumagot sa mga gastusin sa perya

You might also like