You are on page 1of 5

Kayamanang Kultural: Saliksikin Gamit ang Sariling Wika Natin

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat ng
antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ang pagsilang ng wika ay nagbibigay buhay sa sibilisasyon. Sa
pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang bawat karanasan at damdamin ng bawat tao. At sa
pagkakaroon ng sariling wika ay lubusang naipapahayag ng nakararaming mamamayan ang kanilang
kaisipan.

Isang layunin ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang
pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at politikal na pagkakapatiran at maging ang pagkakaroon
ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa.

Dapat lamang at napakahalaga na magamit natin ang ating wikang pambansa sa lahat ng
kaparaanan. Hinggil sa ating pakikipagtalastasan saan man tayong rehiyon nabibilang, dahil bilang isang
mamamayan sa bansa nakapaluob sa ating wikang pambansa ang saliring kulturang tinataglay na
pagkikilanlan ng ating sariling bayan, tungo sa pag-unlad ng ating pang-economiya at katatagang
politika.

Napakahalaga na pagsanayang magamit natin ang ating wika, ayon sa ikapananatili nito at
kalinangan ng ating pag-iisip. Sapagka’t ang sariling wika ng isang bansa ay ang susi sa kaunlaran.

Kung bakit? Ang pagkakaruon ng sariling wika ng isang bayan ang larawan ng pagkakaroon ng
mabuting pakikipagtalastasan, kaisahang pag-iisip at magkakaroon lamang ng pagkakaisang may
pagmamalasakit nang bawa’t pamayanan.

Paano mapapanatili at makakapagtibay sa kaunawaan kung hindi gagamitin? Pilipino ka, Pilipino
ako, sino pang magsasabing siya ay Pilipino? Kung siya na man ay walang katibayan kahit sa pananalita?
Ano ba ang wika ng isang mamamayang nakatira sa bansang Pilipinas? Kung sinasabi mo na ikaw ay
Pilipino, gumamit ka gamitin mo ang wikang Filipino na magbibigay katibayan sa iyong pagiging isang
mamamayang may mabuting puso at may pagmamahal sa kanyang sariling bayang tinubuan. Isa ka bang
mamamayan na nagmamahal sa iyong bayan?

Sa pagkakaruon ng isang wika lahat ng tao ay pantay-pantay, mahirap o mayaman ay may batas
na dapat sundin para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan nito sa isang bansa.

Hindi nga ba’t parang sinasayang lang natin ang ating wika kung hindi natin ito gagamitin,
papalaguin, at ipagmamalaki? Samantalang pinaghirapan itong isulong at itaguyod ng ating mga bayani.
Sabi nga ng ating pambansang bayani na “ ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at
malansang isda”. hindi nga ba natin napapansin na parang naiinsulto na natin sila na matapos nilang
lumaban, ibuwis ang kanilang mga buhay ay hindi natin papahalagahan ang sarili nating wika?

Gamitin natin ang wikang Filipino tungo sa ating tuwid na daan, bilang mabuting mamamayan
ng Pilipinas. “Ang hindi umibig nang lubos sa kanyang sariling salita ay mas masahol pa sa nakasusulasok
na amoy ng nabubulok na isda.”

Ikaw man ay mag-aaral, magsasaka, guro, mananaggol, tagawalis sa daan o simpleng tao,
gumagamit ka ng wikang Filipino. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ay nagkakaisa tayo dahil sa wikang Filipino
na siyang tinig ng ating kultura, kasaysayan at pagkatao. Dahil sa ating pagkakabuklod, ito ang isa sa mga
kasangkapan tungo sa bisyon ng matuwid na daan ng dangal at kaunlaran.

Batid nating lahat na ang ating wika ay mahalagang kasangkapan ng pakikipagtalastasan at


nagbibigay-daan upang ang bawat isa ay tunay na magkaunawaan. Ang mga kaisipan at mga kakintalang
nais nating iparating ay madaling naiintindihan dahil sa pagkakaroon natin ng isang wikang pambansa.
Ang patuloy na pag-unlad at paglinang ng ating wika ang magdadala sa atin sa dulo ng tuwid na landas.

Bilang pangwakas, may isa akong mahalagang katanungan sa bawat isa na nais kong makahingi
ng kasagutan… Like nyo bangmag-WiFi? Like nyo ba talagang magWiFi? Ako, like na like kong mag-wifi,
mag-Wikang Filipino, para laging connected. Sapagkat ang diwa ng ating pagiging isa sa pagtahak sa
tuwid na landas ay ating makakamit kung matuto tayong magpahalaga, magmahal, magpayabong at
magpunyagi ng ating wikang pambansa. Bilang mga Pilipino, tanggapin natin ang hamon ng makabagong
panahon na huwag kaligtaan ang timyas at ganda ng ating wika at huwag mapatangay sa agos ng
globalisasyon bagkus ay patuloy natin itong palakasin at patatagin tungo sa isang bansang may tuwid na
daan. Muli, isang maaliwalas na umaga sa ating lahat! Maraming salamat po!
Ngayong buwan ng Agosto, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang Buwan ng wika bilang
pagbibigay ng kahalagahan sa ating wika, ang Filipino at ang kontribusyon nito sa ating mga buhay.
Ipinapaalala nito na napaka-importante sa isang bansa na magkaroon ng pambansang wika upang lubos
na makilala ang yaman ng ating kultura. Pero ano ba ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika?
Paano natin ito maipagmamalaki sa buong mundo ngayong panahon ng globalisasyon? At paano natin
ito magagamit upang makamit natin ang pagbabago?

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa,
gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si
Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at
kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na
sabihin ni Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na isa sa
mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon.

Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at


nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na
magkaroon ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at
talastasan. Hindi magiging maayos ang buhay kung iba’t-ibang wikang etniko ang dapat nating
kabisaduhin. Kaya noon, pinahalagahan ni dating Pangulong Manuel Quezon na magkaroon ng iisang
lengwahe upang magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may iisang wika na ginagamit ang isang
bansa, nagkakaisa sa iisang hangarin ang mga tao nito. Kaya itinanghal nating ‘Ama ng wikang
Pambansa’ si Quezon dahil sa kanyang natatanging limbag sa wika’t panitikan.

Ngayong panahon ng globalisasyon at makabagong teknolohiya, hindi papahuli ang ating wika. Kagaya
sa website na Facebook na kung saan ay pwedeng gamitin ang wikang Filipino bilang medium o
lengwahe sa pakikipag-komunikasyon at lubos na maintindihan ng mga Pilipinong gumagamit nito kung
paano paganahin ito. Hindi rin papahuli ang Twitter na kailan lang ay pwede na sa wikang Filipino.
Kamakailan lamang ay naging sikat sa website na YouTube ang isang music video kung saan tampok ang
isang banyaga na kumakanta sa wikang Filipino at siya ay si David DiMuzio na lumabas na sa iba’t-ibang
programa dito sa ating bansa.

Sa ibayong dagat naman, alam niyo bang may 1.4 milyong tao sa Estados Unidos ang nagsasalita sa
wikang Filipino at ito ang pang-apat na lengwahe na parating ginagamit ng mga tao roon. Hindi rin
mawawala ang mga bansang may mga OFWs na kung saan natututunan ng mga banyaga kung paano
magsalita sa Filipino.

Ngayong pumapasok na ang iba’t-ibang wikang banyaga sa ating bayan, kailangan nating pahalagahan at
wastong gamitin ang ating pambansang wika. Ating ipaalam sa kanila na kung nandito ka sa Pilipinas,
dapat matuto kang magsalita sa wikang Filipino upang lubos na makilala ang kultura at panitikan ng
ating lipunan.

Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at nagkakaisa dahil kung hindi
magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi uunlad ang ating
bayan at patuloy pa rin sa paglayo ang inaasam nating pagbabago. Kung may iisang wika,
magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga
pinagdaanang problema. Ngayong nasa tuwid na landas na tayo, ating ipagmalaki at ipagbunyi na
mayroon tayong iisang wika at ito ang Filipino na daan sa iisa nating hangarin, at ito ang pagbabago sa
lipunan. Nawa’y ating gamitin ng wasto ngayong buwan ng wika ang Filipino at taas-noo tayong
magsalita sa ating sariling wika!

aluwalhating umaga sa Inyo mga kapwa Pilipino, Purihin si Hesus at si Maria!


Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit kang binabago, may
nananatili pa nga bang matatag? Tila marahil sa pagdaan ng panahon tayo ata ay nakalilimot ng
lumingon sa ating pinanggalingan, nakatikim lang ng Hershey’s chocolate, nakalimutan na ang Chocnut,
nakapagsuot lang ng sa Rusty Lopez, nalimutan na ang sapatos na gawang Marikina, at nakapunta lang
ng ibang bansa, tila ayaw ng umuwi at kinamumuhian na ang sariling bansa, natuto lang mag ingles,
hindi na marunong mag Filipino. Tama, nakalulungkot mang isipin ngaunit iyon ang
katotohanan,katotohanang dapat natin harapin at pagtuunan pansin, kung minsan nga’ y nahihiya pa
natin mag Filipino kaya nga’t kahit mali ang grammar at nagbubuhol-buhol na ang dila pinipilit parin mag
ingles.

Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas - ang Pilipino na nagmula sa
Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino.

Ating muling sariwain ang pinagmulan ng wikang Filipino.sa bayan ng Baler, Quezon sumibol ang amang
naging instrumento upang magkaroon tayo ng sariling wika, siya ay si Manuel L. Quezon, dating pangulo
ng Pilipinas, tinaguriang Ama ng wikang Pambansa.

Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansa. Noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Tagalog at nang naglaon ay naging Pilipino sa ilalim ng Kautusang pang edukasyon Blg 7.

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng
tao sa lipunang kinagagalawan. Isang indikasyon na ikaý isang tunay na Pilipino.

Tunay ngang masasabing kayamanan ang pagkakaroon ng sariling wika, Ang wikang Filipino ang
ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at
pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas.

Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t
pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa Ang wikang Filipino. Wika Mo,
Wika ko, at Wikang nating Lahat.

Maraming Salamat sa inyong pagbasa at naway mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na
mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.

Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata,makapagtitibay sa bansa, paggamit ng sariling wika, ang
ating tanging tanikala.”

Malaya na tayong mga Pilipino sa pang- aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap na ang
ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring pambansang awit at
mayroon pang pambansang wika…ang Wikang Filipino.

Wikang Filipino? Ginagamit ba ito?

Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula nitong ating
bansa. Hindi ba’t natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang sariling wika? Nawawalan
ng kabuluhan ang wikang pambansa kapag hindi naman ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa
pamahalaan. Sa kalagayan ngayon ng mga bagay- bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating edukasyon,
lumilitaw na tila wala pa tayong wikang sarili sapagkat nagpapamanipula tayo sa mga wikang banyaga.

Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi… tatak ng isang bansang malaya. Ang mga bansang
malaya ay yaong mga gumagamit sa sariliing wika. Sa wikang Filipino naipakikilala ang lahing pagka-
Pilipino. Larawan ito ng pagiging matapang, matatag at makatarungan ng mga Pilipino. Ating ibalik sa
panahon ng ating mga bayani, kanilang ipinaglaban ang ating bansa sa mga pananakop ng mga mapang-
aping mga dayuhan. Ibinuwis nila ang kanilang mga buhay , para lamang makahulagpos tayo sa mga
manlolokong dayuhan. At ang Filipino ay ginamit bilang simbolo na isa na tayong malayang bansa.

Sinasabing, kapag walang wika, walang kultura. At kapag walang kultura, walang wika.
Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung kaya’t kultura ang
pinanggagalingan ng wika. Wika ang nagiging midyum para maipahayag ang kultura ng isang pangkat ng
mga tao. Ito ang paraan para mapayabong o mapaunlad ang kultura.

Sinasabing wika ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa.

Kung sariling wika ang ginagamit sa ating bansa, mawawala ang “ communication gap” sa pagitan
ng masa ng mga nagsasalita ng sariling wika at mga pinuno na nagsasalita sa wikang Ingles. Sa ganito
tayong mga Pilipino’y lagi nang kikilos at gagawa na parang iisang tao sa paghanap ng kaunlaran,
kadakilaan at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng ating wika, nagkakaintindihan tayo. Dito tayo
nagkakaisa at nagtutulungan. Kapag ngakakaunawaan, magkakaroon ng kaunlaran itong ating bansa.

Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang nakaiintindi? Hindi ba’t ang
pagiging makabuluhan ng isang wika ay yaong naiintindihan, nagagamit at napapakinabangan ng lahat?
Oo nga’t Ingles ang wikang ginagamit sa pandaigdigang kalakaran at ito’y hindi natin maiwawalang-
bahala lang. Hindi rin naman masama ang panghihiram dahil nakatutulong ito na mapanatiling buhay
ang isang wika. Nagiging midyum ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang bansa.

Ngunit paano kaya kung ang wikang Filipino ang ginagamit natin sa mga panayam, pakikipag-
ugnayan at pakikihalubilo sa kapwa Pilipino? Hindi ba’t mas mainam dahil naiintindihan ito ng lahat ng
tao sa Pilipinas? At kung gamitin kaya ito sa mga inilalathala sa pahayagan, hindi ba’t mas madali nating
maaabot ang mga hinanaing, mga naisin o kaya’y mga pangyayari sa ating bansa?

Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para mapatatag ang ating
bansa. Ito ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa ikauunlad nitong bansa.

Wika; sagisag ng kabansaan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa pagkakaunawaan,


tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas
ng tao sa lipunang kinagagalawan. Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa
mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Madaming pangyayari ang nagbigay daan para mabuhay ang wikang Filipino. Ang pagkakarooon ng
sariling wika ng mga Pilipino ay nagdulot ng epekto sa tatlong henerasyon ng ating buhay: noon, ngayon
at bukas.

Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang
sibilisayon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat
pangkat dahil sa pagkakaron ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging daan para
sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinyon ng bawat mamamayan
sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon ng bawat pangkat.
Nagbigay daan ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At
higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba't-ibang paniniwala.

Sa kasalukuyang henerasyon, mas laganap ang paggamit ng wikang Filipino. Madami ang naging mga
programa para mas maipalaganap ang wikang Filipino, ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa mga
ahensya ng gobyerno. Nakatulong ito upang paigtingin ng mga kabataan ang pagsasalita at paggamit ng
wikang Filipino. Ito rin ang naging daan upang mas lalong maintindihan ng mga Pilipino ang kahalagahan
ng pagkakaroon ng iisang wika. Natuto rin ang mga Pilipino na mahalin ang sariling bansa kasama na
roon ang wika.

Pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi
sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito'y ating pagyamanin para sa mga susunod na
henerasyon.
Isang wika, Filipino, isang bansa, Pilipinas; ipagmalaki, magkaisa!

You might also like