You are on page 1of 4

SH1686

Ang Tekstong Naratibo


Sa bawat araw sa buhay ng isang tao ay laging may mga pangyayaring naibabahagi o
naikukuwento niya sa iba. Maaaring mga simpleng pangyayaring nasaksihan sa kanyang pagpasok o
kaya nama'y ang mga ipinagpapalagay niyang pinakamahahalaga o pinakamalalaking kaganapan sa
kanyang maghapon. Ang pagsasalaysay o pagkukuwento ay karaniwang nangyayari kapag nagkita-
kita o nagsalo na ang mag-anak o maging ang magkakaibigan subalit minsan, ang salaysay ay hindi
lang basta naibabahagi nang pasalita. Sa halip, naitatala rin sa mga pahina ng isang talaarawan. Hindi
halos nararamdaman ng nagsusulat na siya'y bumubuo na pala ng isang kuwento, amg kanyang sariling
kuwentong bahagi ng isang uri ng teksto, ang tekstong naratibo.
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o
mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon, o sa isang tagpuan nang may maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan. Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto
ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya. Gayundin
naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang asal, mahahalagang aral, at mga
pagpapahalagang pangkatauhang tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan
ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay,
at iba pa.
Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat sa isang tekstong naratibo at
nagiging saksi sa mga pangyayaring kanyang sinasalaysay. Maraming iba't ibang uri ng naratibo tulad
ng maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan, mitolohiya, alamat, tulang pa alaysay tulad ng epiko,
dula, mga kuwento ng kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction, at iba pa. lba't ibang uri
subalit may iisang pagkakapareho; ang bawat isa'y nagkukuwento.

May lba't ibang Pananaw o Paningin (Point of view) sa Tekstong Naratibo


Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang
ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay. Ang pinakakaraniwang ginagamit para
sa naratibo ay ang una at ikatlong panauhan. Bihirang-bihirang magamit ang ikalawang panauhan. Sa
mas mahababang naratibo tulad ng nobela ay hindi lang iisa kundi nagbabago-bago aug ginagamit na
pananaw.
1. Unang Panauhan - sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na
kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na "ako”.
2. Ikalawang Panauhan - dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya
sa kuwento kaya 't gumagamit siya ng mga panghalip na "ka" o "ikaw" subalit tulad ng unang
nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat a kanilang pagsasalaysay.
3. Ikatlong Panauhan - ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong
walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay "siya". Ang
tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari. May tatlong (3)
uri ang ganitong uri ng pananaw:
• Maladiyos na panauhan - Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan.
Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at
paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
• Limitadong panauhan- Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan. Subalit
hindi ang sa iba pang tauhan.

05 Handout 1 *Property of STI


Page 1 of 4
SH1686

• Tagapag-obserbang panauhan - Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at


damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos,
o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay.
4. Kombinasyong Pananaw o Paningin- Dito, hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't iba't
ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang
nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming
tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo


May dalawang paraan kung paano inilalahad o ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang dayalogo
saloobin, at damdamin:
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng
kanyang dayalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. Sa ganitong paraan
ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng mga
tauhan. Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa kanya
ang eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan at ang paraan ng pagkakasabi'y naghuhudyat din sa
uri ng damdaming taglay kaysa kung lalagumin o hindi direktang sasabihin ng tagapagsalaysay.

Halimbawa:
''Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo'y abalang-abala sa
ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan.
"Aba'y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo,
ha?''
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina.
-Mula sa "Ang Kariton ni Donato
2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa
ganitong uri ng pagpapabayag. Hindi na ito ginaganlitan ng panipi.

Halimbawa:
Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain habang ito'y abalang-abala sa
ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan.
Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga
ang balak niya.
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inaki ay papasok sa munti nilang kusina.

May mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo


Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang pagkukuwento kaya naman taglay
ng mga ito ang mahahalagangg elementong lalong magbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at
nakapagbibigay-aral na pagsasalaysay. Sa mga elementong ito makikita natin kung paano naihahabi o
pumapasok ang mga tekstong deskriptibo.
1. Tauhan
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat
umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong
naratibo ang pangangailangan lamang ang maaaring magtakda nito. May dalawang paraan sa

05 Handout 1 *Property of STI


Page 2 of 4
SH1686

pagpapakilala ng tauhan ang expository at dramatiko. Expository kung ang tagapagsalaysay ang
magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at dramatiko naman kung kusang
mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.
Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod:
A. Pangunahing Tauhan - Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa
kuwento mula simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing
tauhan. Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang
gagampanan sa kabuuan ng akda.
B. Katunggaling Tauhan - Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasaltmgat o
kalaban ng pangunahlng tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga
tunggaliang ua:ngyayari sa pagitan nila nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento at higit na
napatitingkad ang mga katangia:n ng pangunahing tauhan.
C. Kasamang Tauhan - Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay
karaniwang kasama o kasangga ng pangunahin:g tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin
niya ay sumuporta, hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.
D. Ang May-akda - Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang
inagkasama sa kabuooan ng akda. Bagama't ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng
tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.
Ayon kay E.M. Forster, may dalawang (2) uri ng tauhan ang maaaring makita sa isang tekstong
naratibo tulad ng:
E. Tauhang bilog (round character) - lsang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw
ang personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw,
katangian, at damdamin ayon sa pangangailangan. Ang isang tahimik at mapagtimping tauhan
halimbawa ay maaaring magalit at sumambulat kapag hinihingi ng sitwasyon o pangyayari sa
kuwento at pangangailangang magbago ang taglay niyang katangian at lumutang ang nararapat
na emosyon o damdamin.
F. Tauhang lapad (flat character) - Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang
madaling matukoy o predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang katauhan ang
kanyang mga ikinikilos at maituturing na stereotype tulad ng mapang-aping madrasta,
mapagmahal na ina, tinedyer na hindi sumusunod sa magulang, at iba pa. Karaniwang hindi
nagbabago o nag-iiba ang katangian ng tauhang lapad sa kabuuan ng kuwento.
Sinasabi rin ni Forster na kinakailangang makita ang dalawang (2) uring ito ng tauhan sa
tekstong naratibo. Bagama't madaling matukoy o predictable ang tauhang lapad ay hindi niya
iminumungkahi ang pagtatangal sa ganitong uri ng tauhan sa pagsulat ng akda upang rna alamin
pa rin nito ang tunay na kalakaran ng mga tauhan sa ating mundo.
2. Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda
kundi gayundin ang panahon (oras, petsa, taon) at maging ang damdaming umiiral sa kapaligiran
nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang sa isang kaarawan,
takot na umiiral dahil sa malakas na hampas ng hangin at ulang data ng bagyo, romantikong paligid
sanhi ng maliwanag buwang nakatunghay sa magkasintahang naghahapunan sa isang hardin,
matinding pagod ng magsasakang nag-aararo sa ilalim ng tirik na tirik na sikat ng araw,

05 Handout 1 *Property of STI


Page 3 of 4
SH1686

kalungkutan ng pamilyang nakatunghay habang, ibinababa sa kanyang huling hantungan ang isang
minamahal, at iba pa.
3. Banghay
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong
naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:
• Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauban, tagpuan at
tema (orientation or introduction)
• Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang pangunahing
tauhan (problem)
• Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksyong gagawin ng tauhan
tungo sa paglutas sa suliranin (rising action).
• Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan (climax)
• Pababang pangyayari na humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling action)
• Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)
Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna­wakas. May mga akdang
hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachrony o mga pagsasalaysay na hindi
nakaayos sa tamang pagkakasunod­sunod. Mauuri ito sa tatlo:
• Analepsis (Flashback) - dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
• Prolepsis (Flash-forward) - dito nama'y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa
lang sa hinaharap.
• Ellipsis - may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
4. Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa kuwento. Mahalagang malinang
ito ng husto sa kabuuan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang
mensaheng nais niyang maparating sa kanyang mambabasa.

Sanggunian:
Dayag, Alma M. & Del Rosario, Mary Grace G. (2016). Pinagyamang pluma: Pagbasa at pagsususri
ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House

05 Handout 1 *Property of STI


Page 4 of 4

You might also like