You are on page 1of 7

Si Tambelina

Paano kaya kung ikaw ay kasinliit lamang ng hinlalaki? Tiyak na magiging


napakahirap ng buhay na kakaharapin mo dahil sa iyong sobrang kaliitan. Subalit
hindi ito nangangahulugan na wala ka nang kakayahan pang makagawa ng mga
bagay-bagay. Ganito ang pinatunayan ni Tambelina, ang dalagang sinliit ng
hinlalaki, ngunit sa kabila nito ay nakapagligtas ng buhay. Tunay ngang hindi
nasusukat sa laki ng kakayahan ng isang tao.

May mag-asawa na hindi magkaanak sa loob ng mahabang panahon. Ginawa


na nila ang lahat ngunit hindi pa rin sila nabiyayaan ng anak.

Minsan ay isinangguni nila ang kanilang suliranin sa isang kapitbahay na


matandang bruha. Kapalit ng ilang butil na ginto , binigyan nito ang mag-asawa ng
isang buto ng halaman para itanim. Itinanim nga ng mag-asawa ang buto at
kinabukasan lamang ay may napakagandang bulaklak na lotus ito.

Nilapitan at pinagmasdan ng mag-asawa ang bulaklak. Laking pagkamangha nila


nang makita nilang naroroon ang isang kay ganda ngunit ubod ng liit na batang
babae.

Kinuha ng mag-asawa ang bata at inalagaan nila ito nang mabuti. Pinangalanan
nila itong Tambelina (sa Ingles ay Thumbelina, dahil sinlaki lamang ito ng thumb o
hinlalaki.

Iginawa ng mag-asawa ng maliliit na kagamitan si Tambelina. Ang kama ay yari sa


talulot ng bulaklak. Doon natutulog si Tambelina kung gabi. Sa araw, siya ay
naglalaro sa malaking bandehadong may tubig at mga bulaklak at dahon. Kay
gandang pagmasdan ni Tambelina habang namamangka sa bandehado. Ang bangka
niya ay munting dahon.

Isang gabi, habang mahimbing na natutulog si Tambelina, pumasok sa kaniyang


tulugan ang isang malaking inahing palaka. Matagal na pala nitong
sinusubaybayan si Tambelina mula sa paglalaro nito at maging hanggang sa
pagtulog. Hangang-hanga ang palaka sa magandang tinig ni Tambelina kapag
umaawit ito.

Kinuha ng palaka si Tambelina. Himbing na himbing ito sa pagkakatulog kaya


hindi ito nagising. Inuwi ni Inang Palaka si Tambelina sa kanilang tirahan. Ibig
niyang ipakasal ito sa kaniyang anak.

“Kokak!Kokak!” ang tanging nasabi ng binatang palaka nang makita ang


napakagandang si Tambelina.

“Huwang kang maingay at baka siya magising”, sabi ni Inang Palaka sa kaniyang
anak. “Tiyak na aalis iyang sa oras na magising. Ilalagay natin siya sa
pinakamalapad na dahon ng lotus sa ilog. Doo'y hindi siya madaling makaalis.”

At gayon nga ang ginawa ng mag-ina. Dahan-dahan nilang inilagay si Tambelina


sa pinakamalapad na dahon ng lotus sa ilog.

Sumikat ang araw.Nagising si Tambelina.Laking gulat niya. Wala na ang


magagandang bulaklak sa kaniyang tirahan. Puros tubig ang nasa paligid ng malaki
at berdeng dahon ng lotus.

Iyak nang iyak si Tambelina. Nilapitan siya ni Inang Palaka at ng anak nito.

“Kokak! Kokak! Huwag kang umiyak, magandang dalaga,” sabi ni Inang palaka.

Natakot si Tambelina. Napakalaking hyop ang tingin niya sa inahing palaka.

“Masdan mo ang anak ko. Siya ang iyong magiging asawa. Dumito ka muna sa
dahon ng lotus na ito hanggang hindi pa nayayari ang ipinagagawa kong silid
ninyo ng aking anak.”

“Kokak! Kokak!” ang tanging sinabi ng anak na palaka . At umalis na ang mag-
inang palaka.

Iyak nang iyak si Tambelina na nakaupong nag-iisa sa gitna ng dahon. Narining ng


mga isda ang sinabi ng inahing palaka. Naawa ang mga isda kay Tambelina kaya
nagtulong-tulong ang mga ito hanggang malagot ang tangkay ng lotus at makaalis
sa lugar na iyon si Tambelina. Naanod at tinangay ng agos ang dahon, dala si
Tambelina.

Nakita ng mga ibon si Tambelina. Nag-awitan sila sa tuwa. May isang paru-parong
nais tumulong kaya lumipad ito malapit kay Tambelina. Kinalag ni Tambelina ang
kanyang laso sa kanyang damit at itinali ang isang dulo nito sa paruparo at ang
isang dulo ay sa dahon. Bumilis ang takbo ng dahon.

Isang malakiang salagubang ang nakakita kay Tambelina.Bigla siya nitong


sinunggaban at nilipad sa itaas ng sanga ng kahoy. Gulat na gulat si Tambelina.
Binigyan siya ng salagubang ng uod ng bulaklak na makakain. Alagang – alaga
niya ito. Pagkatapos ay iniregalo siya nito sa maliliit na salagubang upang maging
laruan nila.

“Naku, ayaw namin sa kaniya. Kay pangit naman niya.Dadalawa ang paa at
walang sungay-sungayan”, sabi nila.

Pinaalis ng maliliit na salagubang si Tambelina sa kanilang tirahan. Inilipad nila ito


pababa ng puno at inilagay sa loob ng isang malaking bulaklak.

Doon na namuhay si Tambelina. Masaya siya kahit nag-iisa. Gumagawa siya ng


duyan mula sa dahon ng damo. Ang kaniyang tulugan ay sa loob ng ubod ng
bulaklak. Sa ubod na rin ng bulaklak niya kinukuha ang kaniyang pagkain. Ang
iniinom niya ay ang hamog na nasa mga talulot ng bulaklak tuwing umaga.

Nang dumating ang taglamig, nagkaroon na naman ng problema si Tambelina.


Unti-unting nalanta at nalagaas ang mga bulaklak at dahon.Walang natira kundi
ang madilaw at tuyong tangkay. Umulan ng yelo at si Tambelina ay nangatog sa
ginaw.

“Naku, ikaw pala, maliit na bata,” sabi ng butihing Dagang – bukid.“Tuloy ka.
Dito sa loob ng bahay ko maaalis ang iyong ginaw.”

Pinakain at doon na pinatira ni Dagang-bukid si Tambelina. Naliligayahan si


Dagang-bukid sa magandang tinig ni Tambelina. Hinayaan niya ito na pumasok sa
lihim na lagusan sa kuweba.

“May isang ibon sa dulo ng isang pinto. Huwag kang matakot doon. Iyon ay patay
na,” sabi ni Dagang-bukid.

Nakita ni Tambelina ang nasabing ibon, Naawa siya rito. Dinama niya ang dibdib
nito.Tumitibok pa. Kinumutan ni Tambelina ang ibon upang hindi ginawin.
Dinalhan niya ito ng inumin. Nang idilat ng ibon ang mga mata, nalaman nito
siya’y inalagaan ni Tambelina.

“Salamat sa iyo, maliit at magandang bata!” sabi ng ibon. “Bumuti ang aking
pakiramdam naalis ang aking lagnat ako’y mainitan. Lalong bibilis ang aking
paggaling kung ako’y makakalabas.”

“Malamig pa sa labas. Dito ka muna, at aalagaan kita hanggang sa lubos kang


gumaling,” sabi ni Tambelina.

Doon sa ilalim ng lupa tumira ang ibon habang taglamig. Nang dumating ang tag-
init, ang ibon ay ganap nang magaling at malakas.

Nagpaalam na kay Tambelina ang ibon. Ibig niyang isama si Tambelina sa paglipad
ngunit hindi pumayag ang Dagang-bukid. Kaya’t umalis nang mag-isa ang ibon.
Lungkot na lungkot si Tambelina. At lalo siyang nalungkot nang malaman niyang
ibig ni Dagang-bukid na ipakasal siya sa isang mole, isang uri ng mammal.

“Sa loob ng apat na lingo ay ikakasal ka na. Magmula sa araw ng iyong kasal, ang
lungga sa ilalim ng lupa ang magiging tahanan mo na. Hindi ka dapat makita rito
sa ibabaw,” ang babala pa ni Dagang – bukid.

Iyak nang iyak si Tambelina. Naalala niya ang ibon na kaniyang inalagaan. Nasaan
na kaya ito ngayon? Inisip din ni Tambelina kung ano ang gagawin niya upang
hindi matuloy ang kasal. Batid niya na palapit na nang palapit ang araw ng kasal.

Isang umaga, habang minamasdan niya ang magandang paligid sa labas ng lungga
ay mayroon siyang narinig.

“Twit! Twit! Twit! Twit!” ang huni ng ibon. Tumingala si Tambelina sa sanga ng
kahoy. Naroon ang ibong kaniyang inalagaan, si Layang-Layang.

“Tambelina!Tambelina!”tawag ni Layang-Layang, “Tapos na ang tag-araw at


darating na ang taglamig. Ako’y lilipad na sa malayo upang iwasan ang taglamig.
Ibig mo bang sumama?”

“Oo, Layang-Layang, sasama ako.Salamat at bumalik ka,” ani Tambelina.

Kumuha si Tambelina ng panali. Sumakay siya sa batok ng ibon at itinali ang sarili
rito upang hindi siya mahulog.

Lumipad sa malayo ang ibon. Tuwang-tuwa si Tambelina sa nakikita niyang


tanawin. Narating nila ang dating tirahan ni Layang-Layang.

Ibinaba ni Layang-Layang si Tambelina sa mga bulaklak. Laking tulat ni


Tambelina nang makita niya ang isang magandang lalaki na kasinlaki niya. Ang
lalaki ay nasa ubod ng bulaklak at may koronang ginto.

Nalaman ni Tambelina na marami pang maliliit na babae at lalaki sa mga bulaklak.


Ang kaharap niya ay kanilang hari.

Nakita ni Layang-Layangsa na masaya si Tambelina sa kaniyang bagong tahanan


sa piling ng mga katulad niyang maliliit na babae at lalaki, ang mga anghel ng mga
bulaklak. Nagpaalam na si Layang-Layang sa kaniyang kaibigan.
Alamin

Pagbuo ng maiikling salita mula sa mahahabang salita

Humanap ng maiikling salita mula sa mahahabang salita.

Halimbawa:

Alipin - ipin, lipi, pili,

1. Paghahampasin- __________, __________, __________


2. Nakatutulong - __________, __________, __________
3. Damdamin - _________, __________, ___________
4. Pagsasalaysay - _________, __________, ___________
5. Nagtitiwala - __________, __________, __________

Unawain

1. Sino si Tambelina?

2. Bakit tambelina ang kantyang pangalan?

3. Ano ang matagal ng gusto ng kanyang mga magulang?

4. Sinu- sino ang kumuha kay Tambelina?

5. Bakit dinukot ng palaka si Tambelina?

Gawin

Pagsusunod – sunod ng mga pangyayari sa kwento

A. Ayusin ang mga sumusunod na mga pangyayari ayon sa wastong


pagkakasunod – sunod ng mga ito sa kwento. Lagyan ng numero mula 1-10.

a. Lumabas ang maliit at magandang dalaga na si Tambelina mula sa ubod


ng bulaklak ng halamang itinanim ng mag-asawa.
b. Dinukot ng palaka si Tambelina upang ipakasal sa kaniyang anak.
c. May mag-asawa na humihingi ng tulong mula sa bruha upang
magkaanak.
d. Dinagit ng isang malaking salagubang si Tambelina at ibinigay sa maliit
na salagubang upang maging laruan ng mga ito.
e. Sumama si Tambelina kay Layang-Layang upang hindi mapakasal sa
isang mole.
f. Tinutulungan ng mga isda si Tambelina upang makaalis sa pinaglagyan
sa kaniya ng Palaka.
g. Naging maligaya si Tambelina sa piling ng mga anghel ng mga bulaklak.
h. Nakita ni Tambelina ang may sakit na ibon na si Layang-Layang at ito’y
kanyang ginamot at inalagaan.
i. Dinala ni Layang-Layang si Tambelina sa kaharian ng mga anghel ng
mga bulaklak.
j. Namuhay ng mag-isa si Tambelina hanggang sa dumating ang taglamig
at siya ay humingi ng tulong kay Dagang-bukid.

Pagsasalaysay nang maayos at kawili-wili

B.Magkaroon ng paligsahan sa pagkukuwento. Pumili ng isang kwento at isalaysay


ito sa klase na isinasaalang-alang ang mga pamantayan sa pagkukuwento. Gumawa
rin ng mga gamit-biswal na makatutulong upang gawing kawili-wili, maayos, at
maganda ang iyong pagkukuwento.

Paano magiging mabisa nag iyong pagkukuwento?

1. Pumili ka ng magandang kuwento. Paano mo masasabing maganda ang


isang kuwento?

a. Dapat ay tama lamang ang haba ng kuwento, hindi sobrang haba at hindi
rin sobrang ikli. Kung napakahaba nito, maiinip sa pakikinig ang mga
tao.

b. Dapat ay may magandang simula ang kuwento. Maaaring simulant ito sa


isang tanong, palaisipan, at iba pang panimula. Subalit dapat kawili-wili
ang simula upang makatawag agad ng pansin.

c. Dapat ay hindi maligoy ang pagsasalaysay. Iwasan ang paulit-ulit na mga


salita.

d. Dapat ay may kapana-panabik na wakas ang kuwento.

e. Dapat ay kaunti lamang ang mga tauhan sa kuwento upang hindi mailto
ang mga tagapakinig.

2. Pag-aralan mo nang mabuti ang kuwento.

a. Basahin nang ilang ulit ang kuwento hanggang maisaulo ito.

b. Basahin ito nang maraming beses upang masanay sa pagbigkas ng mga


salita at sa tamang pagpapangkat nito habang nagsasalaysay.
c. Sa pagsasalaysay, iwasan ang pag-ulit o paulit-ulit na pagsabi ng isang
parirala habang nag-iisip ng kasunod.

3. Gawing kapani-paniwala, kapana-panabik, at kawili-wili ang pagsasalaysay


sa pamamagitan ng:
a. Katamtamang lakas ng tinig.

b. Masining ngunit natural na kumpas ng kamay.

c. Angkop na ekspresyon ng mukha sa mga damdaming inihahayag sa


kuwento – tuwa, galit, lungkot, takot, at iba pa.

4. Magkaroon ng maayos na katauhang pangtanghalan sa pamamagitan ng:

a. Maayos na tindig (hindi tuwid na tuwid na parang naninigas na) at


natural na kilos.

b. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Iwasan ang mannerism o kakatwang


gawi habang nagkukuwento.

Ang batang mahilig magkuwento o magsalaysay ay nagkakaroon ng magandang


kasanayan at katangian gaya ng sumusunod:

1. Matalas na memorya o pananda

2. Malawak na talasalitaan

3. Mahusay na pagbigkas ng mga salita

4. Malinaw na pagpapahayag

5. Pagtitiwala sa sarili

Palawakin

A. Isalaysay nang dugtungan ang buhay ni Tambelina.

B. Isulat ang buod ng kuwento.

C. Kung pabibigyan sa iyo ng karugtong ang kuwento, paano mo ito


durugtungan?

D. Magpangkat-pangkat sa klase. Pumili ng isang yugto ng buhay ni Tambelina


at isadula ito. Maging malikhain sa pagtatanghal.

You might also like