You are on page 1of 2

Ang Mahiwagang Tandang

Naging tanyag ang bathala dahil sa mga payo niyang nakalutas sa maraming sigalot dapat
sana'y pinagmulan na ngmaraming digmaan. Dahil dito'y maraming datu ang laging
sumasangguni sa kanya. Sa tuwina'y mahaba ang pila ngmga datung nais humingi ng payo
kay Sidapa.Sa mga pagkakataong labis siyang nagiging abala at hindi agad nakakausap at
nakapagbibigaypayo sa mga datu aysumsiklab ang digmaan at maraming dugo ang
dumadanak. Labis itong nakapagpapalungkot kay Sidapa. Ayaw naayaw niyang namamtay
nang dahil lang sa mga digmaang walang kapararakan.Subalit tila namihasa na ang sundalo
sa masamang nakasanayan. Saglit lang ang pagsunod nito sa kanyang pangakoat katagala'y
nakalimutan na naman niya ito. Madali siyang nahihikayat ng mga kaibigan upang makipag-
inuman. Athindi basta patagay-tagay lang. Maramihan at matagalan sila kung mag-inuman.
Noong unang panahon sa malayong lalawigan ng Antique ay naninirahan ang isang
iginagalang at minamahal na bathala. Siya'y si Bathalang Sidapa, ang bathalang lubos na
nagpapahalaga sa kapayapaan kaya't madalas siyanghingan ng payo ng mga datu upang
maiwasan ang pakikipagdigma at mapanatili ang pakikipagkaibigan sa kani-kanilang mga
nasasakupan. Dahil sa dami ng mga pinuno at maging ng mga karaniwang taong lumalapit
kay Sidapa at nagdudulog ng kani-kanilang mga problema ay kailangan na rin niya ng taong
magpapaalala sa kanya ng mga nakalaang gawin para sa bawat araw. Ang nasabing tao ay
siya na ring gigising sa kanya tuwing madaling araw.!inulong niya ang kanyang mga sundalo
at tinanong ang mga ito kung sino sa kanila ang maaring makagawa ngganung
responsibilidad para sa kanya. "Ako po kayang-kaya ko pong gawin iyan" ang may himig
pagmamalaking sabi ng isang matikas na sundalo. "Sige yamang ikaw ay nagpriprisinta,
tatanggapin kita," ang malugod na wika bathala sa sundalong tinawag niyang Sundalong
Orasan. Labis naman niyang ikinatutuwa kapag napagkakasundo niya ang mga pinuno at
naiiwasan ang anumang madugongdigmaan. $sa sa kanyang mga pangarap aya ang tuluyan
nang mapalitan ng respeto, pakikipagkaibigan at pagmamahalan ang galit at karahasang
nagbubunga ng di pagkakaunawaan at digmaan sa mundo. Alam niyang malaki ang papel na
ginagampanan ng pagiging mahinahon, ng pag-uusap, at ng pagkakasundo upang
maisagawa itokaya naman lagi siyang naglalaan ng panahon sa sinumang datu o pinunong
nais humingi ng payo sa kanya. Sa mga unang araw ay naging masigasig si Sundalong
Orasan sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin subalit habangtumatagal ay nahihirapan
siyang gumising ng madaling-araw dahil na rin sa pagpupuyat niya sa mga
gabingnagkakatuwaan sila ng kanyang mga kaibigan. Kapag nahuli siyang gumising ay
nahuhuli rin siya sa paggising kay Bathalang Sidapa. Madalas sa tuwina'y nagpapasensiyan
ni Sidapa ang ganitong mga pagkukulang ng Sundalong Orasan. Nag-isip siya ng paraan
upang higit na sipagin ang sundalong panggising sa kanya at isang bagay na naisip niyang
gawin ay ang pagbibigay pa rito ng karagdagang pilak bilang insentibo. Tuwang-tuwa naman
ang sundalo at nangakong pagbubutihin na niya ang kanyang tungkulin. Dahil sa kalasinga'y
nagiging matabil pa ang sundalo at naikukuwento sa mga kainuman ang mga
sikretonginilalahad ng mga sumasangguni kay Bathalang Sidapa na dapat sana'y di na
nalalaman ng iba. Dahil sa labis na kalasingan ng Sundalong Orasan ay maraming mga
umagang hindia niya nagigising si Sidapa. Dahil dito'y may mga digmaang sana'y
naaganapan dahil sa mahuhusay na payo ni Sidapa ang natuloy kaya'tmaraming sundalo na
rin ang nagbuwis ng buhay. Naging sanhi rin ng pagkakaroon ng mga digmaan ang pagkalat
ngmga lihim na isiniwalat ng Sundalong Orasan kapag siya'y nalalasing. Dahil dito
ipinatawag ni Bathalang Sidapa ang Sundalong Orasan. Humarap itong lasing na lasing sa
bathala." Sundalo dahil sa kapabayaan mo'y nagkaroon ng madugong digmaang dapat
sana'y napayapa at napigilan kungnakausap ko lang ang mga pinuno ng mga kasangkot na
baranggay," ang nagpipigil na wika ng bathala."!a... patwarin muli ako... mahal na bathala"
ang nagkakadauntal-utal na sagot ng sundalo dahil sa labis niyang kalasingan. "Ang
kapabayaan mo'y nagbunga ng pagkawala ng maraming buhay dahil sa digmaan. Ang mga
lihim naipinagsasabi mo sa lahat ay lalo pang nakapagtulak sa mga pinuno upang ituloy ang
digmaan. Ang hindi mo paggising sa akin sa mga umagang dapat sanang nakausap ko ang
mga datung nasasangkot ay nakaaapekto rin nangmalaki sa mga usaping pangkapayapaan"
halos manginig sa galit na wika ng bathala. "!a... pasensiya na po. Di ko lang po talaga
maiwasan..." Hindi nagawang tapusin ng sundalo ang sasabihin sapagkat sumambulat ang
pagtitimpi ng bathala sa mga pagkukulang ng sundalo. "Sapat na ang pagbibigay ko sa iyo
nang ilang beses, Sundalo. Bilang parusa sa iyong mga kapabayaan, ikaw ay magiging isang
hayop na tagagising ng lahat ng tao tuwing madalingaraw" ang umaalingawngaw na sabi ng
galit nagalit na bathala sa sundalo. Pagkawika nito'y ikinumpas ng bathala ang kanyang
kanang kamay at kasabay nito'y umalimbukay ang makapal nausok na bumalot sa buong
silid. Nagkahawi ng usok ay nakita ang pagbabagong-anyo ng pabayang sundalo.
Lummitsiya at ang mga bisig ay napalitan ng mabalahibong pakpak. Ang buong katawan ay
nabalutan din ng balahibo. Nagbago rin ang kanyang mukha at ang mga labi'y naging tukang
nilalabasan na lamang ng tilaok sa halip na mgasalita. "Ang lahat ng pagbabago sa iyo ay
TANDA ng iyong kapabayaan. Hinding-hindi mo na malilimutang manggising ngayon at
bilang TANDA ng iyong mga kasalanan ay tatawagin kang TANDANG upang maipaalala sa
lahat ng taona sa bawat paggising nila sa umaga ay mayroon silang misyon o tungkuling
dapat tuparin ng maayos" ang wika ng Bathala. Magmula nga noon ay maririnig na ang
malalakas na tilaok ng tandang sa madaling-araw bilang TANDA na oras nang pagising ng
mga tao.

You might also like