You are on page 1of 1

Ang Pangasinan ay isa sa mga lalawigang nabuo pagkaraang dumating sa Filipinas ang mga Kastila.

Lingayen ang kabisera ng lalawigan. Tulad na lamang sa Bolinao,Pangasinan, ang sinaunang pamumuhay
ng mga tao rito ay ang pangingisda. Hindi ito maikakaila sapagkat napapaligiran ito ng mga anyong tubig
tulad ng mga dagat,ilog atbp. Ganoon din sa bayan ng Agno at Lingayen . Bawat lugar ay may
ipinagdiriwang tuwing piyesta. Noong una pa lamang ay pangingisda na ang ikinabubuhay ng mga taong
malapit sa mga baybayin. Sa bayan naman ng Bani, karaniwang ipinagdiriwang dito ang bibingka festival
at pakwan festival. Sa paraan naman ng pananamit sa bayang ito makikita ang pagkakonserbatibo ng
mga matatanda noong una. Sa mga babae ang mga kasuotan ay bestida,kimona at pandiling. Hindi sila
nagsusuot noon ng mga pantalon sapagkat ito'y panlalaki. Sa mga lalaki naman ay mga damit na may
mahahabang manggas na kung minsan ay ginagamit nila sa pagsasaka,sando at hindi kapit na pantalon o
barong tagalog. Simple lamang noon ang kanilan pananamit.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/390006#readmore

You might also like