You are on page 1of 1

Ang Ginto sa ating Kapaligiran

May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating


pamumuhay at sa pang araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng
enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa ating paligid
na nagsisilbing ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa
ating isipan ay maaaring ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit
hindi lahat ng ginto ay makinang, mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa
ating kapaligiran.

Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy


ng hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga
tahanan. Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na
nagbibigay saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.

Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na
ating kinakailangan sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain.
Mga gulay na masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay
dilaw, at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay
na walang kasing sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang pagtubo.

Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na


malayang umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang
tubig ay minsa’y malinaw na kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay asul
na nag papahiwatig na ito ay malalim.

Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian


nito, ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang
kulay, at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa paligid.

At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating


nasisilayan sa oras ng pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na nagbibigay
saatin ng liwanag, ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating planeta, araw na
nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.

You might also like