You are on page 1of 1

Ang tubig na ating iniinum, karne, gulay, isda at iba pang pagkain na hinahain sa 

ating mesa, at ang


mgamateryales na ginagamit sa paggawa ng ating mga kabahayan ay nagmumula lahat sa
kalikasan.Bukod sa pagpunan sa ating mga pangunahing pangangailangan, kalikasan din ang ating
pinagkukuhananng mga iba-ibang mineral at sangkap upang gamitin sa paggawa ng produkto
na ikinakalakal ng atingbayan tulad ng tela, alahas at bakal. Bagkus, nararapat lamang na ating
pahalagahan ang atingpinagkukuhanan ng mga likas na yaman.Iwasan ang maging mapagsayang sa kahit
anong yaman na kinukuha sa kaliksanan. Maaari kayongmagsimulang tumulong sa pamamagitan ng
pagpatay ng ilaw tuwing hindi ito ginagamit. Sa paraang itolamang ay makakatulong kayong
mapapababa ng carbon na ibinubuga ng mga planta ng kuryente.Isa pang simpleng paraan ay ang
paggamit ng baso tuwing nagsisipilyo upang makatipid ng konsumo ngtubig. Sa sangkaestudyantehan,
huwag sayangin ang papel. Kung maaari ay gumamit ng scrap paperupang mabawasan ang pagputol ng
puno.Bukod sa pagtitipid ng tubig at iba pang yaman galing kalikasan, importante rin na maging
mapalinis.Maaaring gasgasan na ang mga katagang “huwag magtapon ng basura kung saan saan” ngunit
ito sanaay inyong isapuso dahil ang bawat pakete ng pagkain o ng kung ano mang prinosesong produkto
aynaiipon at bumabara sa mga estero, ilog at iba pang daluyan ng tubig.Hindi lamang pagbabara ng mga
kanal ang naidudulot ng iresponsableng pagtatapon ng basura sapagkatmaaari rin itong maging mitya ng
buhay ng mga halaman at mga hayop na nakatira sa mga ilog, dagat,sapa at iba pang anyong tubig.Kung
tutuosin ay napakaraming mumunting paraan upang makibahagi sa pagtulong sa ating InangKalikasan.
Ang nakalulungkot lamang ay tila maraming bata at matanda ang walang inisiatibo upangmabago ang
kasalukuyang sitwasyon ng ating kapaligiran

You might also like