You are on page 1of 14

GROUP 2

CONTENTS

1 KAHULUGAN O PALIWANAG
NG DESKRIPTIBO
2 SAGOT SA MGA KATANUNGAN
3
HALIMBAWA NG DESKRIPTIBO
1 DESKRIPTIBO
Ang tekstong deskriptibo ay isang
pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha
ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy,
panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng
sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na
kanyang nararanasan.

ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang


larawan ng isang bagay, pangyayari, o kaya
naman ay magbigay ng isang konseptong biswal
ng mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari.
2 Mga sagot sa
katanungan
Sa paanong paraan nakapagpapalago
ng isipan ang pag-aaral ng
deskriptibo?
Paano makatutulong sa pagbuo o
pagsulat ng isang sistematikong
pananaliksik ang pag-aaral ng
proseso ng pag-unawa at pagsulat
ng iba't ibang teksto?
• May layunin itong ilarawan ang mga katangian ng
mga bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya,
paniniwala at iba pa. Ginagamit ang paglalarawan
ng halos lahat ng uri ng teksto upag magbigay ng
karagdagang detalye at upang tumatak sa isipan ng
mambabasa ang isang karanasan o image ng
paksang tinatalakay.
Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil
mas nakakatulong ito upang mas malawak
na maintindihan ng mambabasa ang mga
imahe na nais ipaisip o iparating ng
manunulat. Nakakatulong ito upang mas
malawak maipagana imahinasyon ng
mambabasa. Mas madaling maintindihan at
ang tekstong binabasa kung malinaw ang
pagkakalarawan ng manunulat.
3 halimbawa ng
deskriptibo
Tekstong Deskriptibo

Sabado, Nobyembre 26, 2016


Ang Ginto sa ating Kapaligiran
May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay
at sa pang araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at
pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing ginto
saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring
ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi lahat ng ginto ay
makinang, mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.
Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng
hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan.
Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng
iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.
Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating kinakailangan
sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga gulay na masustansya,
nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na
parang hugis bola, mga gulay na walang kasing sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang
pagtubo.
Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang
umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsa’y malinaw na
kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.
Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito, ang mga
kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na
nagdadagdag kagandahan sa paligid.
At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa oras ng
pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na nagbibigay saatin ng liwanag, ang araw na bilog na
mas malaki pa sa ating planeta, araw na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.

Isinulat ni:
John Linarson Z. Napoles
Mga gulay na masustansya, nangungulay berde,
ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay pula.
Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola,
mga gulay na walang kasing sarap dahil ito ay
walang katulad at natural ang pagtubo.
SALAMAT!

You might also like